Posts

Ika-33 anibersaryo ng masaker sa Mendiola, ginunita

Nagtipon sa tulay ng Mendiola sa Maynila ang mga progresibong grupo sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang gunitain ang masaker na pumatay sa 13 magsasaka noong 1987.

Kasabay ng panawagan ng hustisya para sa mga martir ng Mendiola ay ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines na ang susunod na adyenda ay ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms kabilang na ang tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka. (Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao)

Mendiola ng buhay natin

Ni Prop. Rolando Tolentino, PhD

Unang sinulat ng may-akda ang piyesang ito noong Enero 2008. Kahapon, Enero 22, ginunita ang ika-33 anibersaryo ng Mendiola Massacre. Wala pa ring katarungan para sa mga biktima ng krimen.

Malalaki ang bilang na dumadalo ng mga rali noon. Libo-libo, madalas umaabot din ng daan-daang libo. Kasagsagan pa ng People Power I, at kahit pa marami nang nanamlay sa kilusan at bumalik sa gawi ng gitnang uring pagnanasa, mas marami ang nanatili sa hanay.

Nasa kilusang kabataan at estudyante ako noong 1987, kasama ng College Editors Guild of the Philippines. Sa panahong ito, pinapalawak ang pambansang kasapian. Binubuhay ang mga rehiyon at eskwelahang nawalan ng ugnay sa organisasyon. Pinapaigting rin ang ugnay sa iba pang organisasyong pangkabataan at iba pang sektor.

Malaki ang bulto ng nagrali. Ang daming magsasakang nangunguna sa rali, galing sa iba’t ibang lugar ng Luzon. Karamihan, nakatsinelas lang. Umabot ang rali hanggang sa sandaan ng Claro M. Recto at J.P. Rizal. Ito ang paanan ng tulay ng Mendiola, at ang maiikling kalsada ng Mendiola.

Nasa harap kami ng U.E., at ito na nga ang kahiya-hiyang unibersidad na ang harapan ay ginawang sine at mall. Walang dangal na ang pangunahing harap ng unibersidad na kilala sa disenyong art deco ay biglang naging mall. May Jollibee sa bukana rin ng kampus.

Bigla na lang may putukan sa harapan. Ang kalakhan ng nasa rali ay nagsipagdapaan sa kalsada. Nagtaka ako, nakisigaw ng “Makibaka, huwag matakot.” At ilang mabilis na sandali pa ay nagkakandakumahog ang mga tao sa pagtakbo paatras. Naririnig kong nagpapatuloy ang putukan. Sunod-sunod, parang armalite. Malakas at nakakapangilabot na ang amoy ng kumakalat na tear gas. Ang daming ginamit ng militar para umamoy hanggang sa tinatakbuhan naming sa Recto. Tumungo kami sa gilid ng kalsada sa aming pagtakbo. Sa Recto kasi, maliban sa unang palapag, ang ibang palapag ay nakalabas sa sidewalk. Inisip kong mas ligtas ito kaysa tumakbo sa mismong kalsada.

Kumaliwa kami ng karipas sa Morayta tapos ay sa isang institute sa kabila ng Quezon Boulevard. Doon nagtipon ang mga dinisperse sa rali. Nagkaroon ng komand na tumungo sa Liwasang Bonifacio. Hindi pa malinaw na marami na palang namatay at nangasugatan sa paanan ng Mendiola.

Larawan sa paggunita sa ika-33 na anibersaryo ng Mendiola Massacre kahapon, Enero 22.

Sa Liwasang Bonifacio, nagsimula rin ang programa. Kabado ang marami pero nagpatuloy pa rin ang nagsasalita sa ibabaw ng jeep. Biglang may pulutong ng militar na sumunod sa Mendiola. Patuloy pa rin ang pagbatikos sa dispersal ng nagsasalita. Nagsimula muli ang putukan. Hanggang dito ba naman ay sistematikong dini-disperse ang rali. Tumakbo kami sa likod ng Post Office, umabot sa likod ng National Press Club.

Mangilan-ngilan na lang kami at natagpuan namin ang aming sarili na nasa ibabaw ng nakadaong na barge sa Pasig River. Mahapdi na ang mga mata namin dahil sa dami ng tear gas na pinasabog para matiyak ang pangalawang dispersal. May nakaisip na sumalok ng tubig sa ilog at gamitin ito para basain ang panyo at ipantapal sa mata. Naisip kong hindi nga kami mamamatay sa putok ng baril, mamamatay naman kami sa tetano dahil sa dumi ng tubig. Pero ito o lalo pang humapdi ang mga mata.

Sumakay akong papunta ng Faura at doon ay sumakay ng jeep pauwi sa Mandaluyong. May komand na huwag matulog sa sariling bahay, bilang pag-iingat sa hindi natatanyang pangyayari. Nakitulog ako sa kaibigan sa Makati. Tinatawid ng bangka ang bahaging ito ng Pasig River para makarating sa bahay ng kaibigan ko.

Mainit ang sabaw ng nilagang buto-buto. At totoo namang sabaw na lang ang naging ulam ko dahil biglaan ang aking pagdating. Ikinuwento ko ang pangyayari sa kaibigan kong manunulat at siya man ay may balita batay sa nasagap niya sa radyo at telebisyon. Nakinig din kami ng radyo bago ako natulog sa sala.

Dalawang beses pang mauulit ang mahabang araw na may kinalaman sa Mendiola. Una ay ang libing ni Rolando Olalia mga anim na buwan pa lamang matapos ng matagumpay na People Power. Mula sa U.P. Chapel at bago ilibing sa sementeryo sa Mandaluyong, idinaan ang bangkay ni Olalia at ng kasamang pinaslang nito sa Mendiola. Ikalawa ay ilang buwan lamang matapos ng tinawag na Mendiola Massacre, inilibing naman ang pinaslang na lider estudyante na si Lean Alejandro. Mula U.P. Chapel, nagmartsa ang daan-daang libo sa Mendiola bago ihatid sa Malabon.

Ang Mendiola ay dambana ng kontemporaryong pakikibaka ng mamamayan. Dito sa kanyang paanan, namumulat ang daan-daang libong nakikibahagi sa kolektibong karanasan sa kilusang pakikibaka. Dito sila inaalay, namumulat, idinadaan bago ilibing, nagiging martir at anak ng bayan. Dito sinisingil ang tampok na simbolo ng estado. Ang maikling daan ng Mendiola—sa pagitan ng magkabilang dulo ng Malakanyang at sambayanan—ay ang saksi sa digmaang-estado. #

Farmers press for justice 32 years after Mendiola Massacre

On the 32nd anniversary of the Mendiola Massacre where 12 peasants were killed and at least 51 were injured, farmers led by the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas held a protest action at the site of the incident to press for justice.

Noting that the victims still have to receive justice, the protesters also noted that landlessness among poor peasants is still one of the country’s worst form of social injustice.

Farmer-leaders urged their members to continue demanding for justice. (Video by Jomaline Mamangun)

Putragis Amang!

Putragis amang! Kami’y namamalimos lamang ng kapirasong lupa
Bakit pinaputok ang kanilang sandata?
Hayup nga ba kaming, hayup sa turing 
Bakit kaming gutom, bala ang pinakain!

Putragis amang! ang palasyo pala ay hindi dulugan ng awa 
Ang kongreso pala’y kongreso ng panginoong may lupa
Saan namin hahanapin 
Ang pangakong pag-laya?

Putragis amang! huwag nila kaming itulak sa dingding 
Mabangis sumalakay ang mga ginutom
Sa tagisan ng bagang kapag wala nang madurog na kanin
Huhulagpos ang malaong galit na kimkim!

Sumpain ang US!
Si Cory, si Starke, at mga katulad nila
Silang nagbibigay ng laya na busabusin ang paggawa 
Silang nagpapahintulot sa mga panginoong may lupa!

O hari ng gatilyo, hukbo ng mga hukbo
Bayani ng mga bukirin
Idulot mong sa mga kamay namin
Madurog ang mga salarin!

  • This poem had been repeatedly performed at rallies commemorating the Mendiola Massacre of 22 January 1987 when 12 peasants were killed and at least 51 others were injured. According to Mendiola Massacre survivor Mirriam Aledia, who recalled the poem from memory, the poem was performed by an old man during an indignation rally at Mendiola a few days after the massacre took place. The name of the author remains unknown.
  • The featured image is a cartoon by Mark Suva on the occasion of the massacre’s 32nd anniversary today. The background photo he used was taken from kahimyang.com. All rights to the original photographer.

Justice, land reform still elusive 30 years after Mendiola massacre

ON January 22, 1987, farmers led by Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) marched to Mendiola to demand genuine agrarian reform from the newly-installed Corazon Aquino administration.

There, they were met by a multitude of police and military. While the farmers held a peaceful program, state forces proceeded to shoot at the protesters, leaving thirteen dead and at least fifty injured.

The massacre also led to the breakdown of the peace talks between the Aquino government and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

“Agricultural workers were only calling for genuine agrarian reform, but the landlords and hacienderos responded with violence,” said Danilo Ramos, secretary-general of Unyon ng Manggagawang Agrikultura (UMA). “Until now, there is no justice for the victims of the massacre.”

Ramos drew parallels between the 1987 Mendiola massacre and today’s farmers who still experience state violence as they continue to demand for their rights. “The situation has not changed greatly. The demand for genuine agrarian reform remains relevant to this day,” Ramos said.

The Mendiola massacre was investigated in succeeding years, but the government findings were inconclusive. Tessie Arjona, widow of a Mendiola massacre victim, now calls on Pres. Rodrigo Duterte to reopen the case made against the perpetrators.

“We were only calling for land. Why did they have to use violence against us?” Arjona asked.”Pres. Duterte must put on trial the military and police officers who killed my husband and bring about justice, even after all these years,” she said.

 Little victories

Farmers from Central Luzon, Southern Tagalog and other nearby areas held a protest Friday in Mendiola to commemorate the 30thanniversary of the massacre.

Rafael Mariano, secretary of the Department of Agrarian Reform and who was part of the Mendiola protest in 1987, assured the demonstrators that his agency would continue to assist farmers in their struggle for genuine land reform, in the face of abusive landlords and officials.

Since his appointment in 2016, Mariano has opened the national office of DAR to farmers, convened the Presidential Agrarian Reform Council (PARC) for the first time in 10 years, and distributed hundreds of hectares of land to peasants. The issue of genuine land reform is also a major agenda in the ongoing peace talks between the Duterte administration and the NDFP.

These are little victories, Mariano said, but reminded that farmers need to continue their vigilance and action in their struggle for real land reform. “The best thing that peasants should still rely on is still their continued organized struggle for genuine agrarian reform,” Mariano said. # (Abril Layad B. Ayroso)

Peasants commemorate 30th anniversary of Mendiola Massacre


The Peasant Movement of the Philippines led the commemoration of the 30th anniversary of Mendiola Massacre with a rally at the site of the bloody incident.

Families of the seven killed on January 22, 1987 called on President Rodrigo Duterte to reopen the investigation to give justice to the victims.