Kandila para kay Mary Jane
Nagsindi at nagtirik ng kandila ang iba’t ibang grupo sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan noong Lunes bilang simbolo ng protesta sa nakatakdang pagbitay kay Mary Jane Veloso, Overseas Filipino Worker na biktima ng illegal drug syndicate sa bansang Indonesia.
Nananawagan din ang iba’t ibang grupo sa mga mamamayang Pilipino na huwag palagpasin ang kapabayaan ng gubyerno sa kaso ng mga OFW.
Sa kanyang limang taon bilang Presidente halos ibugaw umano ni Noynoy Aquino ang mga Pilipino palabas ng bansa. Mula 4,500 na Pilipinong lumalabas ng bansa noong umupo si Aquino sa Palasyo, 6,092 na ang migranteng manggagawa ang lumilipad araw-araw. Umaabot na rin sa 12 hanggang13 milyong Pilipino ang nasa ibayong dagat upang makipagsapalaran. Katumbas ito ng 30 porsyento ng lakas-paggawa ng Pilipinas.
St. Peter Parish Church
Coomonwealth Avenue, Quezon City
April 27, 2015