Posts

Batas na gawing modelo at holiday ang kaarawan ni Marcos, tinututulan

Nagprotesta ang mga progresibong grupo at mga dating biktima ng batas militar sa Bantayog ng mga Bayani, Setyembre 11, bilang pagtutol sa pagsasabatas na gawing modelo at holiday ang kaarawan ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law, tahasang pagsalaula sa kasaysayan ang batas laluna sa mga lumaban at nagpatalsik sa dating diktadura. Ipinapakita din nito anila na walang pinag-iba ang kasalukuyang rehimen ni Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos pagdating sa paglapastangan sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan.

Hindi na kaylanman sa batas militar: Hanguin ang mga aral

(Repost)

Ito ay panayam kay Crisanta Gorospe, isang negosyante at magsasaka sa Mexico, Pampanga. Siya ay pinaghinalaan na sumusuporta sa mga NPA noong panahon ng batas militar at madalas na nire-raid ng mga sundalo ang kanilang bahay.

Mexico, Pampanga
September 17, 2014