Posts

LARAWAN: Mamasapano encounter: Gabi ng pagluluksa at pakikidalamhati

Church and peace advocates condole with the families of the PNP-SAF,MILF and BIFF forces whose untimely deaths occurred in Mamasapano, Maguindanao last January 25, 2015.

National Council of Churches in the Philippines
EDSA, Quezon City
January 30, 2015

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 2)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

2. Naglabas po kayo ng mga tanong kaninang umaga para makatulong sa taumbayan sa kanilang pagsusuri sa naganap na engkwentro, marami po dito ay hindi nasagot ni Pnoy sa kanyang pahayag sa telebisyon. Ano po ang inyong masasabi dito?

JMS: Hindi sinagot ni Aquino ang aking mga tanong na inilathala bago siya nagpahayag.
Wala siyang sinabi tungkol sa prinsipal na pananagutan niya, kung bakit sinarili niya at nina Executive Secretary Ochoa at resigned PC chief Purisima ang command responsibility sa proyektong laban kay Marwan at Usman, kung bakit walang alam sa proyekto sina DILG secretary Roxas and PNP central command, kung bakit walang koordinasyon ang SAF sa mga army unit ng AFP at sa MILF alinsunod sa ceasefire agreement, kung bakit malaki ang pakialam ng mga opisyal at militar na Amerikano sa buong proyekto at operasyon at sunud-sunuran si Aquino sa mga bos niyang Kano.

Pahapyaw na sinabi ni Aquino na alam niya ang proyekto at operasyon. Pagkatapos , bumuhos na ang pagsisinungaling niya at pagbibintang niya sa iba. Pero may sapat na pagtanggap siya bagamat unwitting sa pinakamalaking pananagutan sa pagkapatay ng maraming sundalo ng SAF.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 1)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

1. Ano po ang inyong masasabi sa pangkabuuan sa mga ipinahayag ni Pres. Noynoy Aquino hinggil sa naganap na engkwentro sa pagitan ng PNP-SAF at MILF?

JMS: Sa kanyang pahayag sa telebisyon, nagsinungaling si Aquino at umiilag sa katotohanan. Hindi marunong tumanggap ng command responsibility, kahit na may direct responsibility siya. Hindi niya hinarap ang pinakaimportanteng tanong sa kanya: kung bakit isinubo niya sa tiyak na kamatayan ang maraming sundalo ng SAF?

Sa halip, mahaba ang satsat niya tungkol sa mga warrant of arrest, kung gaano kasama sina Marwan at Usman at gaano ring kasama ang mga katulad ng mag-amang Estrada na gustong ipawalang saysay ang peace negotiations sa MILF bago siyang umasta na buwayang lumuluha para sa mga pamilya ng mga sundalong napatay.