Posts

Labor Rights Defender Network inilunsad

Inilunsad kamakailan ang isang network para matulungan ang mga manggagawa sa pagtatanggol sa kanilang karapatan at seguridad. Nagtipon ang mga abugado, propesor, taong simbahan, labor rights advocatea at iba pa para buuin ang Labor Rights Defender Network (LaRD).

Ayon sa LaRD, sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte, lalong tumindi ang paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa. Kabilang na dito ang pagpaslang sa 43 lider manggagawa at labor rights advocates, pambubuwag sa mga unyon at welga, red-tagging at ilegal na pag-aresto sa mga union organizer.

Iniulat din ng LaRD na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may lumalalang rekord kaugnay sa paglabag sa karapatan sa trabaho at mag-unyon. Kahanay na nito ang ilang mga bansa sa Africa at Asia-Pacific.

Layunin din ng LaRD na tipunin ang pinakamalaking network ng iba’t-ibang grupo para itaguyod ang maayos na sahod at dignidad sa paggawa ng mga manggagawa. (Music: News background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)