Posts

Habang sila ay nagsasalo-salo

Ni George Tumaob Calaor

May salo-salo sa gusali ng pangulo

may litson may birthday candle pang ibino-blow…

habang sa kabiserang banda ng bansang Pilipino

nagkukumahog sa pangamba ang mga tao…

muling ipapatupad ang ECQ

nang walang karampatang pag-aaviso…

tiyak maraming sikmura ang sa gutom ay mangungulo!

Ina…

may sanggol kang mangungulit ng gatas sa iyo…

Ama…

may asawa’t mga anak kang umaantabay sa pasalubong mo…

Mag-aaral…

malinaw pa ba ang iyong paningin

sa mga aralin sa online class mo—

may load pa ba ang internet mo—

mababasa mo pa ba ang modyul mo?

Manggagawa…

sapat pa ba ang kinikita mo—

kumusta na ang trabaho?

Magsasaka…

berding uhay ng ginintuang butil pa ba

ang kumakaway sa palayan mo?

May salo-salo sa gusali ng pangulo

may litson birthday candle nito’y ibino-blow…

sa Canlubang, Laguna

ang Pangalawang Pangulo

ng PAMANTIK-KMU…

pinagbabaril

at sa tinamo

ng tamang walo!…

marahas na binawian

ng buhay ito!

#DutertePalpak

#OUSTDUTERTENOW

Mga gwardiya ng Hacienda Yulo, nanutok ng baril sa magsasaka

Sinubukang pasukin ng mga guwardiya ang isang pamayanan sa Calamba, Laguna mula Agosto 22 hanggang 24. Armado ng armalayt at shotgun, sinubukang harangin ng kababaihan at nakatatandang magsasaka ang mga guwardiya na humantong sa panunutok at pagbabantang pamamaril.

Ang Hacienda Yulo ang 7,000 ektaryang nasa mga syudad ng Calalmba, Cabuyao at Sta. Rosa sa naturang probinsiya na taniman ng tubo na dating pagmamay-ari ng Pamilyang Yulo. Kahit napasailalim na ito sa land reform, ibinenta pa rin ito sa Ayala Land Inc.

Nananawagan ang Amihan, ang pambansang pederasyon ng kababaihang pesante sa Commission on Human Rights ng agarang imbestigasyon sa insidente.

(Bidyo ng Kasama Timog Katagalugan-Kilusang Magbubukid ng Pilipinas)