Posts

Sa unahan ang lugar ng uring manggagawa laban sa imperyalismo

Ni Nuel M. Bacarra

Naranasan kong magpa-ampon sa piketlayn ng mga manggagawa noong 1987. Naantala ang padaláng pera sa akin at wala akong ibang masulingan kundi ang welga ng mga kababaihang manggagawa sa isang patahian sa may E. Rodriguez Ave. sa Quezon City. Tumulong ako sa mga nagwewelga na makahingi ng tulong sa taumbayan sa pamamagitan ng solisitasyon at pag-hawak ng collection box para sa mga dyip na dumaraan. Ang malilikom ay dagdag-panggastos sa gastusin sa piketlayn. Ilang araw din akong pabalik-balik doon. Nakikitulog at nakikikain na rin.

Naroon din palagi ang mga organisador na mga taga-komunidad ng kalapit na Barangay Damayang Lagi. Sa pakikipagtalakayan ng mga resident sa mga manggagawa, may ganito silang datos na inihapag: Sa pag-aaral sa isang paggawaan ng tela, ang sahod ng isang manggagawa sa loob ng walong oras na pagtatarabaho ay katumbas lamang ng isang hagod ng paggupit ng tela. Kaya ang mahigit pitong (7) oras at 58 minuto ng pagtatrabaho ng manggagawa, sa totoo, ay wala nang bayad at buong-buo nang tubo ito ng kapitalista.

Itong inhustisyang ito ang pilit inililihim ng mga kapitalista at mga nakikinabang sa ganitong pagsasamantala.  Ito rin ang buod ng usapin kumbakit marapat na magkaisa’t lumaban ang uring manggagawa.

Ang manggagawang Pilipino

Ang kilusang paggawa ay lumitaw noong huling bahagi ng ika-18 siglo at sa maagang bahagi ng ika-19 na siglo sa Europe, partikular sa United Kingdom sa panahon ng rebolusyong industriyal. Ang mga magsasaka sa agrikultura at mga manggagawa sa cottage industry ay dumanas ng dislokasyon dahil sa mekanisasyon at industriyalisasyon at nang ilipat ang mga paggawaan sa mga pook industriyal na dinumog ng mga nawalan ng trabaho para sa hanapbuhay at dahil pagdagsang ito, binarat din ang sahod. Kung nais nating mabasa sa isang malikhaing obra ang kanilang abang kalagayan, iminumungkahi ko ang nobelang “Tale of Two Cities” ni Charles Dickens.

Sa Pilipinas, ang ekspresyon ng kilusang paggawa ay hininang ng unang welga noong Mayo 1, 1903 sa pamumuno ng Union Obrera Democratica, ang kauna-unahang pederasyon ng mga manggagawa sa bansa. Maraming libong manggagawa ang dumalo sa rali ng Internasyunal na Araw ng Paggawa na nag-giit ng kagalingan para sa mga manggagawa, at dahilsaklot ang Pilipinas ng kolonyalismong Amerikano noon, doon na rin sila unang nanawagan ng “kamatayan sa imperyalismong US!”

Kung gayon, hindi bago, manapa’y istorikal, ang islogang ito ng mga manggagawang Pilipino. Isa rin ito sa mga nais ilihim ng mga tumutuligsa at maang-maangang nagtatanong kunwari kung bakit nagra-rali sa Embahada ng US ang mga manggagawa tuwing Mayo Uno.

Sa ating kapanahunan, ang mga Export Processing Zone (EPZ) sa bansa ang kongkretong ekspresyon ng dikta ng imperyalistang sa ekonomya sa bansa at salamin din ng pagpapaka-tuta ng diktadurang US-Marcos. Dalawang buwan matapos ang deklarasyon ng Batas Militar, inilabas ng diktador na si Marcos ang Presidential Decree No. 66 na kumandili sa mga dayuhang korporasyon para sa pagtatayo ng mga EPZ.

Para mailako ito sa mga dayuhan, ang mga korporasyon ay walang babayarang buwis sa lokal na gobyerno, wala ring taripa na ipapataw sa importasyon ng mga materyal para sa konstruksyon, walang buwis sa pagluluwas ng produkto; mababa ang sahod ng mga manggagawa (noon ay ₱24 sa maksimum kada araw sa pabrika ng Ford) at kailangang may mataas na kasanayan at higit sa lahat, bawal ang welga.

Hindi nagpatali rito ang uring manggagawa sa Bataan Export Processing Zone. Itinirik ng mahigit 10,000 manggagawa ang talong araw na welga noong Hunyo 1975 na direktang kumprontasyon sa diktaduryang Ferdinand Marcos Sr. Lumundo sa welga ang mga kilos protesta para tutulan ang pagtanggal sa 54 manggagawa ng InterAsia Container Industries, isang joint venture ng gobyerno sa korporasyon ng Mitsubishi.

Walang nagawa ang korporasyon, maging ang gobyerno. Para protektahan ang tubo ng mga korporasyon na milyong dolyar ang nalulugi kada araw dahil sa welga, bumigay sila sa makatarungang iginigiit na isyu ng mga manggagawa.

Noong Agosto 8 ng taong iyon, dalawang buwan matapos ang welga, naglabas ang gobyernong Marcos ng batas na bawal na ang mga pangkalahatang welga dahil diumano, sagka ito sa pambansang interes, Nagpakalat ng kwento na armado ang mga mangagawa at may planong magpasabog ng bomba at mga asasinasyon noong siya ay dumalaw sa kanyang mga tagasuporta sa Washington. Pagsapit ng Setyembre, halos 80 lider manggagawa ang inaresto kabilang si Felixberto Olalia.

Ang mga manggagawa at mga tauhan ng panunupil ng kanilang karapatan. (N. Bacarra/Kodao)

Ang laban sa imperyalismo

Malakolonyal at malayudal ang Pilipinas dahil nakakubabaw sa lahat ng aspeto ng lipunang Pilipino ang kontrol ng imperyalismo—sa ekonomya, pulitika, kultura at militar.

Sa kongkreto, ang imperyalismong US ang siyang pangunahing dahilan ng pagkabansot ng ekonomya ng bansa, ng pasimo ng estado at ng saligang suliranin ng sambayanan. Ang bangis ng pananalasa nito ay ginagampanan ng gobyerno bilang pinaka-maasahang galamay nito.

Ang mga laban kaugnay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at ang pagpapalayas sa mga base militar ng US sa Clark Air Base sa Pampanga at sa Subic Naval Base sa Olongapo ay mga kongretong tagumpay laban sa imperyalismong US.

Sa kasalukuyan, kinakaladkad ng US ang Pilipinas sa paghahamon ng gera sa China, gamit ang isyu ng mga kalabisang ginagawa ng huli sa West Philippine Sea (WPS) sa mga inaangking teritoryo nito. Litaw na litaw ang galaw ng imperyalismong US sa pamamagitan ng mga base militar nito sa bansa para gawing himpilan ng mga tropa nito at ng ginagawang mga ehersisyong militar na Balikatan. Magtatapos sa Mayo 9 ang pinakamalaking Balikatan na nilalahukan ng iba’t ibang bansa sa direksyon ng US.

Kung kaya, sa pangunguna rin ng mga manggagawa, kinukondena ng iba’t ibang sektor ang pagmamalabis ng China sa WPS sa ginagawa nitong pambobomba ng tubig sa mga Pilipinong Coast Guard. Noong Abril 9, kinalampag ng mga iba’t ibang sektor ang konsulado ng China sa Makati. Sinundan din ito ng porum sa UP Diliman na nagpapaliwanag sa pagkaipit ng Pilipinas sa girian ng dalawang imperyalistang bansa. Isinasangkalan ng US ang isyu ng diumanong napipintong paglusob ng China sa Taiwan na 376 kilometro lamang sa Batanes.

Malinaw ang tindig ng mga manggagawa laban sa kanilang mga kaaway sa uri. (N. Bacarra/Kodao)

Pagpapalakas muli ng gapos ng US sa Pilipinas

Mula nang maupo ang anak ng diktador na si Ferdinand R. Marcos Jr. sa poder, apat na base militar pa ng US ang inaprubahan nito para itayo sa estratehikong lugar sa Hilagang Luzon at sa Palawan sa ilalim ng kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement. Hinarap ito ng mga progresibong organisasyon sa pamamagitan ng mga kilos protesta. Kaya lalong nagiging agresibo ang galaw ng China sa WPS.

Kaalinsabay, pinapalutang muli ang pagbuhay sa BNPP sa tabing ng panganib ng pagbagsak ng mga planta ng kuryente sa bansa. Sakaling maging operasyunal ito, lilikha ito ng elementong plutonium na sangkap para sa paggawa ng mga armas nukleyar. Kung gayon, panibagong isyu itong magsasa-panganib sa taumbayan. Kung talagang nanganganib ang suplay ng kuryente ng bansa, dapat mamuhunan ang gobyerno sa mga sustenableng pagkukunan ng enerhiya. Ang Pilipinas ay ikalawa sa US sa pinakamalaki ang potensyal sa geothermal energy pero iilan ang ganitong planta sa bansa.

Ang mga dambuhalang imperyalistang kapangyarihang ito ay nagbabangayan dahil nais nilang pagkakitaan ang rekurso ng bansa para sa kanilang kapakinabangan, Sa adyenda ng US, malaking negosyo ang gera tulad ng proxy war nito sa Ukraine at Israel.

Kung binubuhay ng imperyalismong US ang usapin ng pagpaparami ng mga base militar nito sa bansa at ang plantang nukleyar, at sinasakop ng China ang bahagi ng exclusive economic zone natin, mas lalong dapat palakasin ng mga progresibong pwersa sa pamumuno ng uring manggagawa ang laban kontra sa imperyalismong US at China.

Ang mga uring manggagawa, kung gayon, ang may pinaka-mahabang memorya sa tunay na kasaysayan ng Pilipinas bilang tau-tauhan ng imperyalismo. At hindi lamang sa kanilang gunita nananatili ang kaalamang ito kundi buhay ito sa kanilang kolektibong pagkilos upang lagutin ang pinakamalaking dahilan ng kanilang kaapihan. Mula sa unang Mayo Uno sa Pilipinas noong 1903, kabayanihang tunay ang aking nasaksihang protesta sa Embahada ng US noong nakaraang Miyerkules. #

Bayani

ni Amado V. Hernandez, Pambansang Alagad ng Sining (Literatura)


Ako’y manggagawa: butil ng buhangin
sa daa’y panambak, sa templo’y gamit din;
buhay ko’y sa Diyos utang nga marahil,
ngunit ang palad ko’y utang din sa akin.
Alam ko ang batas: “Tao, manggagaling
sa sariling pawis ang iyong kakanin.”

Hubad ang daigdig nang ako’y sumilang
at pikit ang mata ng sangkatauhan:
dahilan sa aki’y kaharia’t bayan
ang nangapatayo sa bundok at ilang,
aking pinasikat sa gabi ang araw
at tinanlawan ko ang diwa’t ang buhay.

Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma,
ako ang nagbagsak sa palalong Troya;
ang mga kamay ko’y martilyo’t sandata –
pambuo’t panggiba ng anumang pita!
Kung may kayamanan ngayong nakikita,
paggawa ko’y siyang pinuhunan muna!

Ako’y isang haring walang trono’t putong,
panginoong laging namamanginoon,
daming pinagpalang binigyan ng milyon
ay ako’t ako ring itong pataygutom;
sila ay sa aking balikat tumuntong,
naging Mamo’t Nabod ang dati kong ampon!

Sambundok na ginto ang aking dinungkal,
kahi’t na kaputol, di binahagihan!
ang aking inani’y sambukiring palay,
nguni’t wala akong isaing man lamang!
ang buhay ng iba’y binibigyang-buhay
habang nasa bingit ako ng libingan!

Ang luha ko’t dugo’y ibinubong pawa
sa lupang sarili, nguni’t nang lumaya,
ako’y wala kahi’t sandakot na lupa!
Kung may tao’t bayang nangaging dakila,
karaniwang hagda’y akong Manggagawa,
nasa putik ako’t sila’y sa dambana!

Kung kaya sumulong ang ating daigdig,
sa gulong ng aking mga pagsasakit;
nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis,
madaling nag-akyat-manaog sa langit;
saliksik ang bundok, ang bangin at yungib,
ang kailaliman ng dagat, saliksik!

Ang mga gusali, daan at sasakyan,
ay niyaring lahat ng bakal kong kamay;
sa tuklas kong lakas – langis, uling, bakal,
naghimala itong industria’t kalakal;
nguni’t lumawak din naman ang pagitan
ng buhay at ari… nasupil ang buhay!

Ang mundo’y malupit: ngayo’t ako’y ako,
nakamihasnan nang dustain ng mundo
gayon pa ma’y habang ang tao ay tao,
gawa ang urian kung ano’t kung sino;
batong walang ganda’y sangkap ng palasyo,
sanggol sa sabsaba’y naging isang Kristo.

Tuwi na’y wal’in man ako ng halaga,
iyan ay pakanang mapagsamantala;
ang ginto, saan man, ay gintong talaga,
ang bango, takpan man, ay di nagbabawa;
itakwil man ako ng mga nanggaga,
walang magagawang hadlang sa istorya!

Kung di nga sa aki’y alin kayang bagay
ang magkakasigla at magkakabuhay?
Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunan!
Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan?
Walang mangyayari pag ako ang ayaw,
mangyayaring lahat, ibigin ko lamang!

Sa wakas, dapat nang ngayo’y mabandila
ang karapatan kong laong iniluha,
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
at kung ayaw ninyo’y ako ang bahala
sa aking panata sa pagkadakila…
Taong walang saysay ang di Manggagawa!

= = = =

Ang tulang ito ay nagwagi sa 30 kalaban sa timpalak-panitik sa Malolos, Bulacan, sa pagdiriwang sa Unang Araw ng Mayo noong 1928. Inampalan: Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda at Iñigo Ed. Regalado. Ayon kay Senador Claro M. Recto, ito ang “pinakamahusay na tulang Tagalog sa paksang paggawa.” (Tala mula sa blog na ‘Mga Tulang Manggagawa’)

Si Ka Amado ay makata, manunulat, mamamahayag, guro, bilanggong politikal at lider-obrero. Minsang siyang ibinilanggo ng kolonyalistang Amerikano sa pagiging kasapi ng Kilusang Komunismo sa bansa at sa kanyang pagtutol sa imperyalismo.

‘Ayudang sapat para sa Lahat,’ panawagan sa Mayo uno 2021

Hindi nangyari ang orihinal na planong paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Liwasang Bonifacio dahil sa panggigipit ng mga pulis, subalit naidaos naman ito sa Welcome Rotonda, Quezon City. Pangunahing panawagan ng mga manggagawa sa taong ito ang pagbibigay ng sapat at nakabubuhay na ayuda para sa lahat sa gitna ng pinaka-mahabang lockdown sa buong mundo dahil sa pandemya.

Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, bagaman ayuda ang kanilang pangunahing panawagan, patuloy pa ring ipinaglalaban ng uring manggagawa ang tunay na kalayaan at demokrasya ng bansa. Nanawagan sila ng pagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto dahil sa kapabayaan nitong tugunan ang pangangailangan ng lahat ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

Palagian namang pinapaalalahanan ng mga organisador ng aktibidad ang social distancing sa naturang protesta dahil sa COVID-19. (Bidyo ni Jo Maline mula sa kuha nina Jek Alcaraz, Joseph Cuevas, at Jo Maline)

Labor feds unite, vow to hold biggest rally in decades

Labor federations vowed to hold their biggest Labor Day protest on Tuesday after agreeing to jointly march against President Duterte’s failed promise to end contractualization.

In a press conference in Manila Friday, Kilusang Mayo Uno (KMU) and Nagkaisa Labor Coalition said as many as 60,000 workers in Metro Manila and 150,000 all over the country will march as one on May 1.

“The growing frustration, disappointment and dissatisfaction of workers over President Rodrigo Duterte’s failure to fulfil a promise have only bonded workers,” KMU and Nagkaisa said.

Long rivals, the federations have formed an alliance after Duterte turned on his promise to end labor only contracting and issue an executive order ending the practice.

KMU and Nagkaisa said their joint May 1 protests are an “historic first.”

“This year’s commemoration of Labor Day will be different. It will be a national day of solidarity and action of leaders, members, allies and supporters of Nagkaisa and KMU and all citizens who have been frustrated over the injustices committed against workers and the Filipino people and government’s continued inaction and negligence,” Nagkaisa and KMU said in a joint statement.

“For two years, we participated in labor summits called for by ( the Department of Labor and Employment), dialogued with the President three times, drafted an Executive Order (EO) on contractualization, negotiated with him through five drafts—all to no avail,” KMU and Nagkaisa said.

The groups said they also intended to engage Congress on the issue but were stopped when informed by Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development chairperson Senator Joel Villanueva that Congress will act based on Malacañang’s ”signal”.

“Now that a directive by way of an EO that would declare direct hiring as the norm has been shelved, the Senate might just follow this lead,” the federations said.

“We are utterly frustrated. Despite our desire to continue sitting at the negotiating table and follow reason, the President has decided on retaining business-as-usual, by siding with local and foreign investors who have no respect for security of tenure,” the groups added.

“(Duterte) has agreed to the false ‘win-win solution’ of (the Department of Trade and Industry) that encourages manpower agency regularization and not direct hiring with the principal employers,” Nagkaisa and KMU said.

In an April 19 press briefing, DOLE secretary Silvestre Bello III said the President will no longer sign an EO but will instead certify as urgent a pending bill in Congress ending contractualization.

KMU earlier said legislators would only ensure such laws would be watered-down and mangled.

Nagkaisa and KMU said protesters will start marching from various points as early as six o’clock in the morning and will converge at Morayta Street at about 10 am before proceeding to Mendiola Tuesday. # (Raymund B. Villanueva)

Labor day rallies call on Duterte to end contractualization

LABOR and activist groups led the 35,000-strong International Labor Day rally in Manila last May 1 that called on the Rodrigo Duterte government to fulfill its promise to end labor-only contracting of Filipino workers, among other demands.

Drawing strength from recent victories of various mass campaigns such as successful labor strikes and occupation of vacant government housing units, the Kilusang Mayo Uno (KMU, May 1 Movement)-organized event drew a total of 100,000 workers and activists across the Philippines in the biggest Labor Day mobilization in years.

KMU said the event was part of the preparations for the centennial celebrations of Russia’s Great October Revolution of 1917 led by V.I. Lenin.

Here is a short video of Manila’s Labor Day 2017 rally. (ILPS-Philippines)

 

LARAWAN: International Labor Day 2017

Welcome Rotunda to Mendiola, Manila
May 1, 2017