Posts

KODAO ASKS: Katanggap-tanggap ba ang desisyon ng Korte Suprema sa mga petisyon kontra Terror Law?

Sa bisperas ng Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao, naglabas ng desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa ligalidad ng Anti-Terrorism Act.

Nagbigay ng saloobin ang ilang mga grupong nagpetisyon kontra dito kung saan sinabi ng Korte na iligal ang ilang probisyon nito subalit konstitusyunal ang naturang batas.

Panayam kay Cristina Palabay ng Kodao Productions

Panayam kay Cristina Palabay ng Karapatan ni Jola Diones-Mamangun ng Kodao Productions hinggil sa desisyon ng Korte Suprema na ipinagbabawal na ang paglabas ng mga warrant of arrests mula sa mga husgado ng Quezon City at Manila na walang kinalaman sa kanilang nasasakupan.

Mga grupo nagtipon sa harap ng Korte Suprema bago ang ikalawang oral argument ng Anti-Terror Law

Nagtipon ang mga human rights advocate mula sa iba’t ibang grupo sa harapan ng Korte Suprema bago ang ikalawang oral argument ng Anti-Terror Law, Pebrero 9, 2021.

Kanilang inihayag ang pagtutol sa naturang batas at suporta mga abogadong humarap sa oral arguments ngayong hapon laban sa anila ay delikadong batas.

Protesta inilunsad sa pagsisimula ng oral arguments kontra terror law

Nagsama-sama ang iba’t-ibang grupo na tutol sa RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act sa Padre Faura sa Maynila ilang oras bago simulan ang oral arguments nito sa Korte Suprema, Pebrero 2.

Kaugnay ito sa 37 petisyon kontra sa nasabing batas na ayon sa mga aktibista ang pinakamaraming petisyon sa kasaysaysan ng mga batas sa Pilipinas.

Mariin nilang tinututulan ang terror law at sinabi na malaking banta ito sa pagpapahayag ng mamamayan laluna sa paglaban ngayon sa tiraniya.