Posts

Ang pighati ng maralita sa pagpaslang kay ‘Karletz’

Pighati ang nadarama ng mga maralitang lungsod sa pagpanaw ng pangkalahatang kalihim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY. Nananawagan sila ng katarungan para sa pagpaslang kay Carlito Badion na anila’y mga ahente ng estado ang malamang na may kagagawan. Bago ang kanyang kamatayan, napilitan si ‘Karletz’ na umuwi sa Silangang Bisayas dahil sa sunod-sunod na banta sa kanyang buhay mula sa militar at pulisya. Ani ng kanyang mga kapwa maralita, martir si Karletz sa kanilang pakikibaka para sa pabahay at katarungang panlipunan. (Music: Isang Minutong Katahimikan ni Erickson Acosta)

Sitio San Roque: Bigas hindi dahas

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City ng isang maikling programa. Ito ay matapos na pagdadamputin at ikulong ang 21 na residente ng nasabing lugar dahil sa isinagawa nilang kilos-protesta.

Naganap noong Abril 1 ang kilos-protesta ng mga residente ng Sitio San Roque na myembro ng Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SaMaNa). Ang panawagan ng grupo ay bigyan sila ayuda. Simula pa noong Marso 15, pagsisimula ng lockdown, wala pa ring nakukuhang tulong ang mga nagprotestang residente mula sa pamahalaan.

Kinundena ng KADAMAY ang nangyaring marahas na dispersal. Ang mga myembro rin nila mismo sa Sitio San Roque ay nananawagan din ng tulong mula sa gobyerno. Binigyang-linaw din nila na hindi nila myembro ang mga nagprotestang residente.

Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Arrem Alcaraz, Joseph Cuevas, Sanafe Marcelo, Jo Maline Mamangun, at Reggie Mamangun

Music: News – AShamaluevMusic.
Music Link: https://youtu.be/0uoc-FiwMD4

Si Nanay Inday at ang mga kababaihan sa mga urban poor area

Ngayong buwan ng mga kababaihan, nagbigay ng pahayag si Estrelieta “Nanay Inday” Bagasbas, Vice Chair ng KADAMAY National at tagapangulo ng KADAMAY sa barangay San Roque, hinggil sa nararanasan ng mga kababaihan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa kanya, iba’t ibang mga pasakit at sakripisyo ang pinapasan ng mga kababaihan sa maralitang lunsod bunsod ng mga mapanupil na patakaran ng administrasyong Duterte.

Ilan sa mga ito ay ang demolisyon, pagtataboy sa kanilang mga kabuhayan, atbp.

Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao

Kadamay: Unjust policies force poor to occupy housing sites

Urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) marched to Mendiola yesterday to urge President Rodrigo Duterte to a dialogue in order for them to show proof that hundreds of housing units are unoccupied in Bulacan Province.

Instead of distributing government housing units to poor beneficiaries, the National Housing Authority only choose families who can pay exorbitant rates, Kadamay said.

Hundreds of Kadamay members occupied several housing projects in Bulacan last week, a move aimed at bringing the issue to Duterte’ attention, the group said. (Video by Divine Miranda/Featured photo by Romie Malonzo) Read more

Kadamay holds Kalbaryo 2016

To dramatize their sufferings as a result of the government’s “anti-poor” housing programs, members of the Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) held its annual procession from Quiapo to Mendiola, Manila last March 22.

Kadamay condemned Benigno Aquino’s government’s failure to solve the housing crisis for the urban poor.

They also scored what they call are unjust wages and lack of social services that would allow them to build better communities.

Kadamay’s “Kalbaryo” is annually staged during Holy Week with participants dramatizing their sufferings by carrying crosses with political demands.

Urban poor hold annual procession (contributed video)

Carrying a cross made by acclaimed Filipino artist Toym Imao, urban poor group KADAMAY (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) performs a Lenten tradition to deplore the lack of livelihood and housing that they suffer. From Plaza Miranda fronting the Quiapo Church they passed by Sta. Cruz before proceeding to Mendiola.