Posts

UP launches Jess Santiago’s book ‘Usapang Kanto’

Jess Santiago, iconic progressive singer and multi-awarded poet, sings one of his most beloved songs “Laging Ikaw” at the launch of his book “Usapang Kanto” at the University of the Philippines Main Library last August 28.

A collection of ‘Koyang’ Jess’ columns in various publications written as poems, the book contains about 200 pieces that comments on important social issues at the time of their writing.

“Usapang Kanto” was among the several books launched by UP’s Sentro ng Wikang Filipino as part of its observance of Buwan ng Wika this month. (Video by Raymund B. Villanueva with Joseph Cuevas)

PISO LANG ANG LAYO NATIN

Ni Jess Manuel Santiago

Piso ang layo natin sa isa’t isa
kuwarenta’y singko hanggang Monumento
Monumento hanggang Cubao, trenta’y singko
bente naman mula Cubao hanggang sa inyo
Dalawang piso, sabihin pa, kung babalikan.

 

Piso lamang ang layo mo sa akin
Pero ito’y kahapon pa, Tumaas na
ang pasahe’t gayon pa rin ang gana ko
Kaya ngayon, sa paghaba ng kalsada’y
kailangang habaan din ang oras ko
ng pagkayod sa pabrika. Dahil dito,
Hahabaan din ba natin ang pasensya?
Hahabaan din ba natin ang pagitan
ng sa gayo’y madalang na ang pagkikita?

 

Hamo, Mahal, pag nadalaw kita riyan
Pag-uusapan natin ang mga bagay na ito
At ang marami pang mga bagay-bagay
Hindi tayo magtitiis habambuhay.