Posts

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on APEC 2015 (Part 3/3)

ITANONG MO KAY PROF
TUNGKOL SA APEC
October 22, 2015

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND UP Dilimam.

Mga tanong para kay Prop. Jose Maria Sison:
(Part 3/3)

7. Ano ang naghihintay sa kabataang Pilipino kung magtatagumpay ang programang ito ng APEC sa pamamagitan ng K to 12?

JMS: Sa pagsunod sa neoliberal na patakaran sa paaralan, babawasan ng gobyerno nang malaki ang gugulin sa edukasyong publiko at itutulak ang pribatisasyon sa edukasyon. Tumitindi ang operasyon ng mga pamantasang estado, mga kolehiyo at ibang mga paaralang publiko, at maging ng mga pribadong paaralang umano’y “non-profit,” para gawing napagkakakitaang mga negosyo, na kadalasa’y sa pakikipagtuwang sa malaking negosyo. Nauuwi ito sa pilipit na mga prayoridad na akademiko, mas matataas na tuition, paglabag sa mga karapatang guro at mag-aaral, at pasahol na kawalan ng panlipunang katarungan.

Para dagdagan ang sariling kakayahan sa kompetisyon at ganansya, nagtutuon ang mga kolehiyo at unibersidad sa mga programang mas maganansya at tinatapyas iyong itinuturing na nga kurso o paksang marhinal o kaya’y hindi kritikal (tulad ng sa humanities). Ikinukomersyo ang mga lupain nila, gusali, resulta ng mga pananaliksik at ibang mga rekursong kaalaman. Isinisiksik ang mas maraming kurso sa isang taon at bumabaling sa trimester para mas mabilis ang pagpapagradweyt. Sinasagad nila ang mga mag-aaral at guro sa pagtataas ng tuition at padadagdag ng pasaning trabaho, sa pamamagitan ng mas istriktong mga rekisito sa mga ipinagkakaloob (grant) at ipinauutang (loan), at sa paglimita ng sahod at benepisyo ng mga guro at ng mga hindi-nagtuturong kawani.

8. Ano ang panawagan ng International League of People’s Struggles sa mamamayang Pilipino kaugnay ng APEC meeting sa Pilipinas sa Nobyembre?

JMS: Ang International League of Peoples’ Struggle ay nananawagan sa mamamayan ng lahat ng bansa laluna sa rehiyong Asya-Pasipiko na ilantad at labanan ang mga opensibang neoliberal sa pangunguna ng US na lingid na nakaabang sa loob at paligid ng APEC. Partikular tayong nananawagan sa mamamayang Pilipino na mag-organisa at kumilos sa mga pulong pag-aaral at aksyong protesta para tumulong sa lubusang paglalantad ng mga susing pulong ng APEC sa Manila at ibang mga lungsod sa Pilipinas, at pati ng maaasahang kalalabasan ng mga ito. Sadyang isinabay ng ILPS ang Fifth International Assembly sa APEC 2015 para labanan ito sa balangkas ng temang, “Para sa makatarungang lipunan sa daigdig, palakasin ang pagkakaisa ng mamamayan at patindihin ang pakikibaka laban sa imperyalistang pandarambong, krisis at digma”.

Sadyang nananawagan tayo sa kabataang Pilipino na ipagpatuloy na ilantad at labanan ang iba’t ibang pakanang “repormang” neoliberal sa edukasyon, at ipaglaban ang sistema ng edukasyon na tunay na makabayan, syentipíko at makamasa kaugnay ng pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo, at pamamahalang batay sa mga karapatang demokratiko. Kabilang sa mga atas ng kilusang kabataan-estudyante sa Pilipinas ang magsilbing kilusang propaganda para sa pambansang kasarinlan at demokrasya, malalim na makisalamuha sa hanay ng masang manggagawa at magsasaka, at abutin ang mga kababayan nila na nag-aaral at nagtatrabaho sa ibayong dagat, at magpahayag din ng pakikiisa sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ugnayan sa mga katapat nila sa anti-imperyalistang pandaigdigang kilusang kabataan.###

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on APEC 2015 (Part 2/3)

ITANONG MO KAY PROF
TUNGKOL SA APEC
October 22, 2015

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND UP Dilimam.

Mga tanong para kay Prop. Jose Maria Sison:

1. Ano po ba ang ibig sabihin at layunin ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC?

JMS: Ayon sa mga pahayag ng APEC mismo, ito ay nagtataguyod ng kooperasyong ekonomiko sa hanay ng mga bayan ng malawak na rehiyong Asya-Pasipiko. Binubuo ito ng 21 myembrong-estado na sumasaklaw sa tatlong bilyong mamamayan o 60 porsyento ng daigdigang ekonomya. Sinasabi na napakalaking kolektibong potensyal para sa kaunlarang sosyo-ekonomiko at entre-estadong kooperasyon.

Gayunman, ipinapakita ng rekord ng APEC mula sa pagkatatag nito noong 1989 na pangunahing isinusulong nito ang oryentasyong malaking negosyo, adyendang neoliberal, at mga mayor na direksyong pampatakaran ay ang pagpapasulong pangunahin sa dominanteng mga interes ng mga imperyalistang bayan sa pangunguna ng Estados Unidos at Hapon. Kasang-ayon sa pasimunong-US na Bretton Woods Agreement at Washington Consensus, agresibong itinulak ng APEC sa higit sa kalahati ng mundo ang mga susing sangkap ng globalisasyong neoliberal–liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon.

2. Sa inyo pong pagtingin bakit pumayag ang Pilipinas maging host ng APEC 2015?

JMS: Umiikot sa mga miembrong-estado ng APEC ang pagiging punong abala sa taunang summit ng APEC. Gusto rin ng rehimeng Aquino ang ganitong papel para sa propaganda nitong Pilipinas na raw ang may pinakamalaki ang tantos ng paglaki ng ekonomiya sa Asya-Pasipiko. Bunga naman ito ng hot money o portfolio investments na pumapasok sa pinansyal na palengke ng sapi at bono at hindi nagbubunga ng mga planta at pagtaas ng produksyon. Umaabot ito sa 65 porsyento ng kabuaang daloy ng salapi sa Pilipinas sa mga taong 2011 hanggang 2014.

3. Mula sa voluntary at non-binding framework noong itinatag ito noong 1989, ano na po ang itinakbo ng APEC at lumalabas na tunay na katangian nito matapos ang tatlumpu’t anim na taon?

JMS: Mula noong 1989, nagsilbi na ang APEC bilang plataporma upang ikoordina ang mga interes ng mga bayang imperyalista, buuin ang consensus (kapag hindi lubusang malutas ang mga alitan) sa hanay nila lalo na sa malayang kalakalan, pamumuhunan at pinansya, at akitin pang lalo ang mga bayang ‘di maunlad sa bitag ng neoliberalismo. Bilang isang orihinal na kasapi, parating ginagamit ng US, ang kanyang impluwensya para apihin at itulak ang ibang mga bayang kasapi tungo sa pangangayupapa at sa gayo’y mapanatili ang pangkalahatang dominansya.

Paimbabaw na nagbubuo raw ang APEC ng consensus na kunwa’y boluntaryo at walang obligasyon sa hanay ng mga kinatawan ng mga gobyerno sa pamamagitan ng mga taunang pulong. Gayunman lingid na kumikilos ang APEC Business Advisory Council at CEO Summit bilang daluyan ng makapangyarihang lobby ng malalaking korporasyon.

4. Ano po ang dapat na maunawaan ng mamamayan sa tema ng APEC 2015 na “Building Inclusive Economies, Building a Better World”?

JMS: Ang tema ng APEC ngayong taon, “Pagbubuo ng Mapanaklaw na mga Ekonomya, Pagbubuo ng Mas Mabuting Daigdig ay umuulit lamang sa mapanlinlang na mantrang lampas-2008 na Adyenda sa Reporma ng Mapanaklaw na Paglaki ng World Bank, na ginaya din ng Asian Development Bank.

Gayunman, sa likod ng mga islogang tulad ng “pagdemokratisa ng bunga ng paglaki ng ekonomya”. “pagtataguyod ng paglahok ng SME sa mga pamilihang global,” “ pamumuhunan sa tao” at “pagbubuo ng matitibay na mga komunidad” ang nasa tuktok ng mga bagay sa agenda ng APEC 2015 sa integrasyon ng ekonomya ng rehiyon ay patuloy pa ring umiikot sa balangkas na neoliberal o pinabilis na panghuhuthot at pagsasamantala ng mga monopolyong kapitalista at pampinansya sa mga mamamayan at bayan sa rehiyon.

5. Paano nagiging arena ng interes ng Estados Unidos sa isang banda at Tsina naman sa kabilang banda ang negosasyong nagaganap sa APEC?

JMS: May kompetisyon ang Trans Pacific Partnership (TPP) ng US at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ng ASEAN at 6 na bansang kabilang ang Tsina para mapili ng APEC bilang pangunahing padron ng Free Trade Agreement in the Asia Pacific (FTAAP). Nauna na ang paglagda sa TPP na hindi kasali angTsina. Posibleng pagtibayin ng APEC ang pinaghalong FTAAP na bahagi’y TPP at bahagi’y RCEP, at sa gayo’y magiging balangkas sa kooperasyon at kompetisyong US-Tsina sa dakong ito ng mundo.

Mahalagang arena ang APEC kapwa ng patuloy na sabwatan at ng patinding alitan ng dalawang kapangyarihang imperyalista, ang US at ang Tsina, sa kapinsalaan ng mas mahihina at mas maliliit na bayan. Patuloy na tinatamasa ng blokeng pinangungunahan ng US (kabilang ang Hapon, Canada at Australia) ang pamamayagpag sa buong mundo. Nilagdaan na ang TPPA at patuloy na isinasagawa ng US ang estratehikong pagbaling sa East Asia.

Sa kabilang banda, pinalalakas ng Tsina ang sariling posisyon sa pagsisimento ng mas malapit na ugnayan sa pulitika at ekonomya ng Russia, India at ibang mga estado sa South at Central Asia sa loob ng lumalawak na Shanghai Cooperation Organization, at sa global na saklaw sa pamamagitan ng bagong lunsad na BRICS Development Bank. Nagpasimuno rin angTsina sa pagtatayo ng Asian Infrasructure Investment Bank (AIIB) kaugnay ng pagsasagawa ng New Silk Road at Belt.

6. Ano ang kaugnayan ng islogang “Investing in Human Capital Development” sa programang K to 12 ng gubyernong Benigno Aquino?

JMS:Sa ilalim ng islogang “Namumuhunan sa Pagpapaunlad ng Kapital na Tao (Investing in Human Capital Development),” itinutulak ng APEC ang mga sistema ng higit na integradong sistemang edukasyonal at skills-training na nagdidiin sa agham at teknolohiya, pag-enroll sa iba’t ibang bansa, sa papel ng ICT o information and communications technology, at “pinahusay na kooperasyon ng mga tagapagbigay ng edukasyon at mga tagapag-empleyo.

Sa ilalim din ng islogang “Building Sustainable and Resilient Communities,” ginagamit ng APEC ang umano’y mga adhikaing “pleksibilidad, sustenebilidad at seguridad sa pagkain” para bigyang-katwiran ang mas mahigpit na integrasyon at pag-uugnay ng mga ekonomyang Asia-Pacific. Itinutulak nito ang higit na paghihigpit sa ugnayan ng global na produksyon at suplay na kontrolado ng mga TNC, ang konektibidad ng imprastuktura na itinutulak ng mga korporasyon, at ibang mga pakanang kooperasyon sa rehiyon. Ginagamit ang seguridad sa pagkain at pag-angkop sa klima upang bigyang-katwiran ang korporadong kontrol sa mga rekursong dagat at kostal sa pamamagitan ng tinaguriang mga inisyatibang “Green Economy” at “Blue Economy”.

Sa ilalim pa ng islogang “Nagtataguyod ng Paglahok ng SME sa mga Pamilihan ng Rehiyon at Daigdig,” nilalayon ng APEC na higit na mabitag ang mga SME sa umano’y panrehiyong integrasyon ng ekonomya at FTAAP na mga pakanang imperyalista, gawing sweatshop ang pinakamatagumpay na mga empresa na pagluluwas ang oryentasyon pero dependyente sa mga angkat na bagay na kontrolado ng mga TNC (bilang mga sangkap ng umano’y global value chain, at isabotahe ang independyenteng pambansang industriyalisasyon).

(Photo by Pinoy Weekly)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on APEC 2015 (Part 1/3)

(Photo from Bulatlat.com)

ITANONG MO KAY PROF: Tungkol sa Eleksyong Presidensyal sa 2016 (PART 2/2)

TUNGKOL SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL SA 2016
Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP

PART 2/2
September 4, 2015

4. Ano ang mga paninindigang ikinasisiya ninyo o ng PKP at maaaring itaguyod sa plataporma ng isang partido o kandidato sa pagkapresidente?

JMS: Tanyag ang programa para sa demokratikong rebolusyon ng bayan ng PKP at mababasa ang paninindigan nito sa mga kasalukuyang isyu sa Ang Bayan. Kasiyasiya sa akin ang kandidato o partido na paborableng tumutugon sa mga sumusunod na kagustuhan ng sambayanan.

Una, Itaguyod ang pambansang soberaniya at teritoryal na integridad.

Ikalawa, Igalang ang mga karapatang-tao at pairaling lubos ang demokrasya.

Ikatlo, Muling igiit ang soberanya sa ekonomya at pangalagaan ang pambansang patrimonya.

Ikaapat, Isagawa ang pambansang industriyalisasyon bilang pangunahing sangkap sa pagpapaunlad ng ekonomya at bilang susi sa paglutas sa kawalang trabaho, karukhaan at kawalang pag-unlad.

Ikalima, Isakatuparan ang reporma sa lupa bilang demokratkong karapatan at katarungang panlipunan, at bilang paraan sa paglaya ng mga walang lupang magbubukid, pagpapadaloy ng kapital, pagsusulong sa pag-unlad ng kanayunan at paglikha at pagpapaunlad ng lokal na pamilihan.

Ikaanim, Pagbutihin ang mga kondisyon sa pasahod at pamumuhay ng mga manggagawa, pangalagaan at paunlarin ang lahat ng maaring hanapbuhay, at itaas ang pamantayan sa pamumuhay ng sambayanan

Ikapito, Palawakin ang mga serbisyong panlipunan, lalo na sa edukasyon, kalusugan at pabahay, at paunlarin ang mga pampublikong kagamitan tulad ng transport, tubig at elektrisidad.

Ikawalo, Itigil ang korupsyon at lahat ng anyo ng katiwalian at parusahan ang mga may kagagawan; itigil ang sistemang pork barrel at padaluyin ang mga pondo ng publiko sa binalak na pagpapaunlad ng ekonomya, pagtatayo ng mga imprastruktura at pagpapalawak ng mga serbisyong panlipunan.

Ikasiyam, Bawasan ang gastos militar at padaluyin ang natipid sa pagpapaunlad ng ekonomya at mga serbisyong panlipunan.

Ikasampu, Itaguyod ang makabayan, demokratiko, siyentipiko at progresibong sistema ng edukasyon at kultura.

Ikalabing-isa, Ipanindigan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lahat ng larangan ng aktibidad na panlipunan at labanan ang diskriminasyon batay sa sari.

Ikalabing-dalawa, Tiyakin ang matalinong paggamit ng likas na yaman at pangangalaga sa kapaligiran.

Ikalabingtatlo, Igalang ang mga karapatan ng mga pambansang minorya sa sariling pagpapasya at pag-unlad.

Ikalabing-apat, Ipagpatuloy ng gobyernong Manila ang usapang pangkapayapaan sa NDFP at kumpletuhin ang sa MILF.

Ikalabing-lima, Sundin ang indepenyenteng patakarang panlabas at likhain ang pinakamahigpit na pakikipagtulungan sa lahat ng mga kalapit na bansa para sa layunin ng internasyunal na pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad.

5. Ano ang magagawa ng PKP o ninyo bilang tagapangulong tagpagtatag ng PKP para ipakita na nasisiyahan o hindi sa posisyon ng isang partido o kandidato sa pagkapresidente tungkol sa mga isyu?

JMS: Maari kong puriin sa publiko ang pagtaguyod o pagtanggap ng alinmang partido o kandidato sa alinman sa 15 kagustuhan ng sambayanan na aking binanggit. At maaari kong punahin ang pagtanggi sa alinman sa mga kagustuhang iyon. Maaari kong paghambingin sa isa´t isa ang mga partido at mga kandidato tungkol sa pagtanggap o pagtanggi ng mga kagustuhang ito. Hindi ako makakapagsalita para sa PKP sa panayam na ito, subalit masusundan ninyo ang mga palagay at paninindigan nito sa eleksyon kung pupuntahan ninyo ang website: www.philippinerevolution.net. ###

ITANONG MO KAY PROF: Tungkol sa Eleksyong Presidensyal sa 2016

PART I

TUNGKOL SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL SA 2016
Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP
September 4, 2015

1. Sa pangkalahatan, ano po ang palagay ninyo sa mga eleksyong itinatanghal ng kasalukuyang naghaharing sistema? Tinutulutan ba nito ang pagpapahayag ng kapasiyahang pampulitika ng mga mamamayan at nagbubunga ba ito ng paghalal ng mga opisyal na lulutas sa mga suliranin ng mga mamamayan? Maiiba ba ang 2016 na eleksyong presidensyal sa mga nakaraang halalan?

JMS: Ang mga eleksyong itinatanghal ng kasalukuyang naghaharing sistema ng malalaking komprador at panginoong maylupa na masunurin sa imperyalismong US ay hindi lubusang nagpapahayag ng kapasiyahan ng mga mamamayan at hindi rin nakakapaghalal ng mga opisyal na makakapaglutas sa mga saligang suliraning kaugnay ng paghaharing dayuhan, lokal na pyudalismo at burukrata kapitalismo

Dominado ang mga eleksyon ng mga pampulitikang personalidad at partido na kinatawan ng malalaking komprador at panginoong maylupa, at sa totoo nagpupwera sa mga makabayan at progresibong kinatawan ng mga manggagawa at magsasaka. Kabilang sa mga paraang pampwera ang pagmamatyag at iba pang pananakot ng pulis at militar; mga kampanya ng paninira sa mga pahayagan, iskwelahan at simbahan; kakulangan sa perang pangkampanya; at pagmanipula sa sistema sa pagboboto sa halalan, elektroniko man ito o hindi.

Tiyak na hindi maiiba ang darating na eleksyong presidensyal sa mga nakaraang halalan at maiiiba lamang ito sa ilang aspeto, gaya ng wala pang katulad sa laki ng pondong publiko sa pangangampanya at panunuhol sa mga lokal na opisyal; at antemanong pagprograma ng resulta ng eletronikong sistema para sa eleksyon. Kung gayon, maraming kinakabahan na si Mar Roxas ang mananalo bilang presidente sa pamamagitan ng pandaraya. Tanyag ang mapang-uyam na pagyayabang ni Aquino na ang tanging kailangan ay likhain ang ilusyon na umarangkada siya pataas sa poll survey at bahala na ang mga mekanismo sa pandaraya sa eleksyon.

2. Itinataguyod pa ba ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang patakarang ituring ang eleksyon bilang komedyang di-makatotohanan at hindi nag-eendorso ng alinman sa mga partido at kandidato? Gayunman, bakit nais ng ilangmga partido at kandidato na makuha ang pahiwatig o hayag na endorso ng PKP at ninyo bilang pangulong tagapagtatag ng PKP?

JMS: Ipinapakita ng lahat ng mga pahayag at publikasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas tungkol sa mga eleksyon na itinuturing ng rebolusyonaryong partidong ito ng uring manggagawa na komedyang di makatotohanan ang eleksyong itinatanghal ng mga reaksyonaryong uri para likhain ang ilusyon ng demokrasya at linlangin ang mamamayan.

Hindi lumalahok ang partido sa mga ganitong eleksyon at hindi rin nag-eendorso sa mga reaksyonaryong partido at kandidato at kahit na sa makabayan at progresibong maliliit na partido na puedeng tatakang komunista ng kanilang mga kalaban.

Ilang partido at kandidato ang aktibong nagnanais ng lantad o lihim na endorso ng PKP dahil sa malaking rebolusyonaryong baseng masa nito. Itinuturing nilang higit na malaki pa ang baseng ito kaysa mga botanteng kasapian ng Iglesia ni Kristo. Sa totoo, ang baseng masa ng PKP kung mahihikayat sa batayang nagkakaisang hanay, ay maaring maging mas malaki pang swing vote na pabor o kontra sa alinmang partido o kandidato.

Kung minsan, may mga partido at kandidato na nagnanais na kunin ang aking endorso o pagsuporta dahil sa aking makasaysayang panunungkulan bilang pangulong tagapagtatag ng PKP. Subalit ang PKP at mga namumunong organo nito ang siyang nagpapasiya tungkol sa mga eleksyon at sa paglalapat ng patakarang nagkakaisang hanay. Laging maingat at maayos kong sinasabi na hindi ako bilang indibidwal kundi ang PKP ang siyang nagpapasiya . Gayunman, bilang indibidwal, malaya akong nagpapahayag tungkol sa eleksyon nang hindi nagsasalita para sa PKP o alinmang ibang organisasyon.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks, 2016 National Elections and ISIS (PART 3/3)

PART 3/3
August 7, 2015

Panayam ng Kodao Productions sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP kay Prof. Jose Maria Sison, Tagapagnulo ng International League of People’s Struggle (ILPS) hinggil sa peace talks, presidential elections at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

On International Solidarity

1. Ano po ba ang ibig sabihin ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS?

JMS: Ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ay pangkat ng mga kontrarebolusyonaryo na inarmasan at sinanay ng CIA at ibang Western intelligence agencies para umastang mga Islamic fundamentalists at malulupit na jihadists para guluhin, panghinain o ibagsak ang mga estado sa Middle East na tutol sa mga patakaran at kilos ng US, Zionistang Israel at NATO sa rehiyon.

2. Bakit po sila gumagawa ng matitinding karahasan sa mga mamamayan ng Iraq, Syria at sa border malapit sa Turkey? Ano po ba ang gusto nilang mangyari sa pagsakop nila sa ilang bayan sa Iraq at Syria?

JMS: Ang matitinding karahasan sa mga mga mamamayan ng Iraq, Syria at sa border malapit sa Turkey ay may tangkang hindi lamang panghinain at ibagsak ang mga estadong hindi masunurin sa US kundi bigyang daan at dahilan ang US na salakayin at bombahin ang mga naturang estado at magtayo ng isang puppet state.

3. Parang taong 2013 ay nagsimula ng maging matunog ang pangalang ISIS sa daigdig at ngayon ay mas lumaki na ang saklaw ng kanilang kapangyarihan sa Iraq at Syria, at naghahasik na rin ng takot sa mga katabi pang bansa. Paano po kaya mapapatigil ang mga karahasang ginagawa nila — kasama na ang pananakop ng mga bayan, pagkidnap, pagtorture, pagpugot ng ulo, pangre-rape at pagmasaker, sa maraming inosenteng sibilyan sa Iraq, Syria at Turkey?

JMS: Parang lumalaki at lumalawak ang ISIS dahil sa tuluy-tuloy na pagsuplay ng armas, pagkain, mga sasakyan at iba pa sa kanila ng US, UK, Saudi Arabia, Turkey at iba pang sponsor nila. Pero sa totoo nanghina na ang ISIS sa lugar ng mga Sunni sa Iraq dahil sa mga kabangisan nila. Dahil sa tulong ng US at Turkey nakakapanggulo sila sa Syria. Pero mabisang linalabanan at tinatalo sila ng mga Kurdo sa Rojava. Ang tanging paraan para patigilin ang karahasan ng ISIS ay gapiin sila sa larangan ng digmang bayan.

4. Ano po ang mensahe ng ILPS sa huling insidente na kinasangkutan ng isang IS suicide bomber sa masaker sa Suruc, na pumatay sa 30 kabataang aktibista at mahigit 100 ang nasugatan?

JMS: Kinondena ng ILPS ang masaker ng 31 kabataang aktibista at pagsugat sa higit na isandaang kabataan sa pamamagitan ng suicide bomber ng ISIS na sadyang pinalusot o pinapasok ng mga militar ng Turkey na may kontrol sa loob at paligid ng bayan ng Suruc. Nanawagan ang ILPS na gumawa ang mga member-organisation at mga alyado nito ng mga pahayag at kilos protesta para ihantad at kondenahin ang sabwatan ng Turkey at ISIS.

Maraming salamat sa panayam na ito. Prof. Sarah Raymundo.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks, 2016 National Elections and ISIS (PART 2/3)

PART 2/3

ITANONG MO KAY PROF
AUGUST 7, 2015

Panayam ng Kodao Productions sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP kay Prof. Jose Maria Sison, Tagapagnulo ng International League of People’s Struggle (ILPS) hinggil sa peace talks, presidential elections at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

On 2016 Presidential Elections

1. Nasa moda na po ng election para sa 2016 ang mga pulitiko sa bansa. Sa tingin po ba ninyo may pag-asang ibibigay sa mamamayang Pilipino ang susunod na presidente mula kina Binay, Mar Roxas, Poe at Duterte? Ano po ang inyong masasabi sa mga kakandidatong ito sa pagkapangulo kung sakali?

JMS: Lahat ng kandidatong binanggit mo ay hindi pa naglalahad ng masaklaw at malaman na programa para itaguyod ang pambansang kasarinlan, demokratikong kapangyarihan ng mga anakpawis, hustisya sosyal, kaunlaran sa pamamagitan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisayon at makabayan at progresibong kultura. Kung gayon, hindi pa sila nagbibigay ng malinaw na patutunguhan ng mga mamamayang Pilipino.

2. Meron po ba kayong susuportahang kandidato para sa pagkapangulo? Ano po ang mga criteria na dapat taglayin ng susunod na pangulo ng Pilipinas?

JMS: Wala pang malinaw na batayan ninumang makabayan at progresibo para suportahan ang alinman sa mga kandidato. Dapat isaalang-alang at tupdin ng kandidato bilang kriterya ang mga puntong nabanggit ko na dapat taglayin ng isang programang makabayan at progresibo. Si Duterte pa lamang ang naghuhudyat sa publiko na nais niyang magbuo ng coalition government na kabibilangan ng mga makabayan at progresibo at isasagawa niya ang mabilis at seryosong peace negotiations sa NDFP.

3. Ano po ang mensahe ninyo sa sambayanang Pilipino sa darating na eleksyon sa 2016?

JMS: Ang payo ko sa mga botante: Piliin ang kandidatong pinaka-makabayan at pinaka-progresibo. Kung ang kandidatong ganito ay hindi mananalo o kung mananalo man subalit balusabas pala, dapat handa ang mamamayang Pilipino na labanan ito kapag nasa poder na. Tama lamang na may mga pwersang rebolusyonaryo ng bayan. Magkakaroon sila ng dahilan na ipagpatuloy at isulong ang armadong rebolusyon.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks, 2016 National Elections and ISIS (PART 1/3)

PART 1/3

ITANONG MO KAY PROF
AUGUST 7, 2015

Panayam ng Kodao Productions sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP kay Prof. Jose Maria Sison, Tagapagnulo ng International League of People’s Struggle (ILPS) hinggil sa peace talks, presidential elections at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

JMS: Makabayang pagbati sa inyo, Prof. Sarah Raymundo. Maraming salamat sa paanyayang makipanayam sa inyo.

On Peace Talks

1. Ano po ang masasabi ninyo sa patuloy na paghahanap at paghuli sa mga NDFP Peace Consultants ng gubyernong Aquino, kagaya ng pag-aresto at pagditene kay Maria Concepcion Araneta-Bocala, isang JASIG holder mula sa Panay nitong August 1?

JMS: Walanghiya talaga ang rehimeng Aquino at mga alipuris nitong militar. Wala silang respeto sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees kung saan nakasaad na huwag manmanan, huwag arestuhin at huwag ibilanggo ang mga consultants ng NDFP. May document of identification si Kasamang Concepcion Araneta-Bocala bilang patunay na may safety and immunity guarantees. Dapat hindi siya minanmanan, hinuli at ibinilanggo.

2. Marami din pong nakapansin na walang sinabi si Pnoy sa kanyang huling SONA hinggil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP. Ano po ang komento ninyo dito?

JMS: Palatandaan ito na walang interes si Aquino sa peace negotiations sa pagitan ng GPH at NDFP. Wala namang interes si Aquino sa pagiging presidente kundi manilbihan sa kanyang mga bos na Kano at mga kapwa niyang malalaking komprador at asendero, lalong magpayaman sa pangungurakot bilang pork barrel king at manupil sa mga makayaban at progresibong pwersa.

3. Parang lumiliit na rin po ang pag-asa sa natitirang panahon ni Pnoy sa Malacañang para sa muling paghaharap ng GPH at NDFP, ano po ang epekto nito sa NDFP?

JMS: Totoong maliit na ang panahon para magharap ang mga negotiating panel ng GPH at NDFP. Sa tingin ng NDFP, mas mabuti pang hintayin ang susunod na presidente. Kung intelihente at hindi kasingbobo ni Aquino, makikipagnegotiate dahil lalala ang krisis ng sistemang mundial ng kapitalismo at ng lokal na naghaharing sistema at dahil lalong lalakas at lalawak pa ang mga pwersang rebolusyonaryo sa darating na taon.

4. Sa inyong pananaw ano rin po ang epekto ng pagpatay kay Kumander Parago o Leoncio Pitao sa buong rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng CPP?

JMS: Galit ang masang Pilipino na pinaslang ng mga pasista ang isang taong marangal at may sakit. Martir at bayani si Ka Parago. Inspirasyon siya ng buong rebolusyonaryong kilusan na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Lalong determinado na lumaban ang mga kadre at mandirigmang sinanay at pinamunuan niya sa nakaraang 37 taong pagkilos.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on China and US aggression in the Philippines

Itanong mo kay Prof
June 9, 2015

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, Chairperson, International League of People’s Struggle (ILPS) hinggil sa usapin ng panghihimasok ng mga bansang China at Amerika sa kalupaan ng Pilipinas. Si Prof. Sarah Raymundo ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ang pangunahing tagapagpadaloy at tagapagtanong.

Mga Tanong:

1. Ano po ang pahayag ng International League of People’s Struggle o ILPS hinggil sa mainit na usapin ng panghihimasok ng bansang Tsina at Amerika sa mga teritoryong saklaw ng pag-aari ng Pilipinas?

JMS: Maalab na makabayang pagbati sa iyo, Professor Raymundo.

Binabatikos at linalabanan ng International League of Peoples’ Struggle o ILPS ang panghihimasok ng Tsina sa West Philippine Sea, ang mga reklamasyon na ginagawa ng Tsina sa Kalayaan group of islands na malapit sa Palawan at ang pag-okupa ng Tsina sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc na malapit sa Zambales.

Binabatikos at linalabanan din ng ILPS ang rotational deployment ng US forces sa ilalim ng Visiting Forces Agreement at pagtatayo ng mga US military base sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

2. Matagal ng tumututol ang mamamayang Pilipino sa patuloy na panghihimasok ng US sa maraming usapin sa ating bansa. Subalit binibigyang depensa ng pamahalaan na ang mga kasunduang sinang-ayunan ng Pilipinas at US kagaya ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay pagtiyak na walang agresyong magaganap mula sa labas ng bansa. Ano po ang inyong pagtingin sa bagay na ito? Talaga po bang maaasahan natin ang US ngayong ang Tsina ay patuloy na inaari ang ilang teritoryong pandagat ng Pilipinas?

JMS: Hindi maasahan ang US na ipagtanggol ang Pilipinas sa agresyon ng Tsina. Mas malaki ang interes ng US sa pakikipag-ugnayan sa Tsina kaysa sa Pilipinas. Mulat sapul alam ng US ang mga reclamation na ginagawa ng Tsina sa Kalayaan pero hindi tumutol ang US.

Ang mismong US ay matagal nang imperyalistang mapanghimasok sa Pilipinas. Matagal nang nauna sa Tsina sa agresyon sa Pilipinas. Kunwari tagapagtanggol ang US sa Pilipinas. Bantay salakay ang US. Gusto lang niya na ipataw ang mga interes sa Pilipinas. Lumilitaw na ang US at Tsina ay magkasabwat sa paghati at pagdomina sa Pilipinas.

3. Sa inyo pong pananaw, maipagwawagi ba ng mga progresibong grupo at mga tagapagtaguyod ng integridad at soberanya ng Pilipinas ang laban nito sa agresyong Tsina? Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa ng isang maliit na bansa na lumaban at nagtagumpay sa panghihimasok ng malalaking bansa.

JMS: Malakas at makatarungan ang posisyon ng Pilipinas sa balangkas ng UN Convention on the Law of the Sea. Maliwanag na sa Pilipinas ang 12 nautical miles na territorial sea, 200 nautical miles na exclusive economic zone at 150 pang nautical miles na extended continental shelf. Dapat manalo ang inihapag ng Pilipinas na kaso laban sa Tsina sa International Tribunal on the Law of the Sea. Pero sinabi na ng Tsina na hindi susunod sa desisyon ng tribunal kung pabor sa Pilipinas.

Wala mang sapat na barko, eroplano at missile ang Pilipinas para labanan ang panghihimasok ng Tsina, puedeng magkaisa ang sambayanang Pilipino at puedeng inasyonalisa at wakasan ang mga empresa ng estado at mga korporasyon ng Tsina sa loob ng Pilipinas. Marami ring bansa ang susuporta sa makatarungang layunin ng sambayanang Pilipino.

4. Ano po ang inyong mensahe sa sambayanang Pilipino hinggil sa ating topic ngayon sa ating podcast?

JMS: Pinakaimportante ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino para ipagtanggol ang pambansang soberanya at integridad sa teritoryo. Mainam na itinayo ang kilusan ng mga Pilipinong nagkakaisa para sa pambansang soberanya.

Kapag malakas at matibay ang pagkakaisa, mapangyayari natin ang nasyonalisasyon ng mga empresa ng mga dayuhang kaaway at ang pagpapatupad ng pampulitika at ekonomikong soberanya at ang pag-unlad ng ekonomya sa pamamagitan ng pambansang industryalisasyon at reporma sa lupa.

5. Ano po ang inyong mensahe sa darating na June 12, Araw ng Kalayaan?

JMS: Nasa kamay ng sambayanang Pilipino ang pagtataguyod ng pambansang independensiya, integridad sa teritoryo, demokrasya ng bayan, tunay na pag-unlad, hustisya sosyal, kapayapaan at pakikipagkaibigan sa lahat ng bayan.

Dapat may kapasyahan at katatagan tayong lumaban sa mga imperyalista, mga asendero at mga bulok na opisyal na nakikipagsabwatan sa mga imperyalista para yurakan ang mga pambansa at demokratikong karapatan ng mga mamamayan. Maraming salamat.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks – GPH and NDFP & GPH and MILF

Panayam ni Ms. Sonia Capio ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, NDFP Chief Political Consultant hinggil sa kalagayan ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP at GPH at MILF.

April 9, 2015

Mga Tanong para sa peace talks sa pagitan ng GPH at NDFP at GPH at MILF

1. Ano po ang update sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP? Matutuloy pa rin po ba ito bago pa matapos ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino?

JMS: Patuloy na handang makipag-usap ang NDFP. Pero ang GPH ang hindi handa. Kung gayon, nagiging malabo na ang resumption ng formal talks ng GPH  at NDFP.  Sabi ng Malakanyang na nakabuhos ang atensyon nila sa pagtutulak ng BBL at paghahabol ng peace with  MILF.

Hanggang ngayon walang maliwanag na negotiating panel at chairman ng GPH para makipag-usap sa NDFP.  Lumilitaw na sa buong panahon  ng rehimeng Aquino wala talagang interes sa peace talks kundi paggamit ng dahas laban sa kilusang rebolusyonaryo.

2. Ano po ang inyong masasabi sa usapang pangkapayapaan sa pagitan naman ng GPH at MILF? Tila nagkahati-hati po ang mga pananaw ng mga nasa pamahalaan at matindi ang mga banggaan sa usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang kawastuhan kung dapat pa bang ituloy ang pakikipag-usap nila sa MILF o hindi na.

JMS: Sa loob at labas ng GPH, lumakas ang sumasalungat sa BBL dahil sa Mamasapano at constitutional issues. Tiyak na maraming susog ang gagawin sa Kongreso, laluna sa Senado, hanggang sa posibleng ayaw na ng MILF ang lalabas na final draft ng BBL.

Kahit tanggapin ng MILF ang anumang BBL na aprubahan ng Kongreso, may mga magdadala pa rin ng constitutional issues sa Korte Suprema. Baka mauuntol ang BBL hanggang maubos na ang termino o buhok ni Penoy Bugok.

3. Ano po ang inyong pagtingin sa Bangsamoro Basic Law o BBL?

JMS: May constitutional issues na nakasalang sa  Kongreso ng GPH. Hanggang ngayon, walang pinal na anyo ng BBL dahil susugan nang susugan pa yan sa Kongreso. Habang wala pang pinal na anyo ng BBL, mahirap mangahas ng opinion ng pagkatig o pagtuligsa sa kabuuan ng BBL.