Hustisya, ipinanawagan para sa yumaong sanggol ng isang detenidong pulitikal
Hustisya ang panawagan ng iba’t ibang progresibong grupo para sa tatlong-buwang sanggol na si Baby River Emmanuelle na namatay dahil sa sakit na pnuemonia noong October 9. Ang sanggol ay inihiwalay sa kanyang ina na si Reina Mae Nasino , isang detenidong pulitikal, isang buwan pa lamang ng ito ay ipanganak.
Matatandaan na Abril pa lamang ay hinihiling na ng grupong Kapatid na palayain na si Nasino dahil ito ay nagdadalan-tao. Subalit hindi ito pinaboran ng korte. At nang ipanganak ang sanggol ay humiling naman sila ng isang taong pagsasama ng mag ina upang maalagaan ng husto at mapa-suso ito dahil sa mahinang pangangatawan ng bata.
Nagtipon at nagsagawa ng indignation rally ang iba’t ibang progresibong grupo sa Commission of Human Rights ngayong araw, Oktubre 14, upang ipanawagan ang hustisya para kay Baby River at upang kundenahin ang naging hakbang ng BJMP-Manila sa pagpapaikli ng oras ng dalaw ni Reina Mae Nasino sa lamay ng kanyang anak.