Posts

Mensahe sa sambayanang Pilipino sa okasyon ng Araw ng ‘Kalayaan’

Bagong Alyansang Makabayan

Sa ika-126 na anibersaryo ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, nananawagan ang Bayan sa mamamayan na ipaglaban ang tunay na kalayaan laban sa imperyalismo, partikular sa dominasyon ng imperyalismong US sa Pilipinas. Hindi tunay na malaya ang Pilipinas. Ang US ang nananatiling pinakamalaking banta sa soberanya ng Pilipinas ngayon habang ito’y sangkot sa inter-imperyalistang bangayan laban sa Tsina at nag-uudyok ng digmaan sa pamamagitan ng pinalawak na presensiyang militar ng US sa bansa. Ang US ang pangunahing imperyalistang kapangyarihan sa Pilipinas, habang ang Tsina ay isang umuusbong na imperyalistang kapangyarihan at kasalukuyang karibal ng US. Sa pagitan ng dalawang imperyalistang kapangyarihan na nagtatagisan para sa dominasyon sa rehiyon, ang imperyalismong US ang may mas malalim na ugat at mas malaking impluwensya sa Pilipinas sa ekonomiya, politika, kultura at militar. Ang US ang may mahabang kasaysayan ng kolonyalismo at neo-kolonyalismo sa ating bansa.

Sa ating kasaysayan, ang US ang nag-udlot sa pagtatatag ng isang malayang estado ng Pilipinas nang sakupin ng US ang Pilipinas sa pagsisimula ng ika-20 siglo. Pinigilan ng US na makamit ng mga Pilipino ang kanilang pinaghirapang tagumpay laban sa kolonyalismong Espanyol. Nangako ang US na tutulungan tayo laban sa kolonyalismong Espanyol ngunit ang talagang nais nito ay sakupin ang Pilipinas at bilhin ang kolonya mula sa Espanya sa halagang $20 milyon bilang bahagi ng Kasunduan sa Paris. Hindi kailanman naging interesado ang US sa soberanya ng Pilipinas, kundi sa pang-ekonomiya at pampulitikang interes lamang ng imperyalismo.

Ang US ay nagsagawa ng brutal na pananakop sa mga isla, na nagdulot ng pagkamatay ng hindi bababa sa 200,000 sibilyang Pilipino. Pagkatapos ng pagbibigay ng nominal na kalayaan noong Hulyo 4, 1946, ang Pilipinas ay nanatiling isang neokolonya ng US na nagtaguyod sa 2 sa pinakamalalaking base militar ng US sa buong mundo.

Ang ekonomiya ng Pilipinas, ang sistemang politikal nito, ang patakarang panlabas at ang establisyamentong militar ay lahat nasa ilalim ng malakas na impluwensya ng US. Ang rehimen ng neoliberalismo na ipinatupad ng US ay nagdulot ng pagkabansot ng ekonomiya. Pinagpatuloy nito ang semi-pyudalismo bilang batayang panlipunan ng imperyalismo. Nanatili tayong isang ekonomiyang nakatuon sa pag-export, umaasa sa pag-import, at nakaasa sa utang – isang tambakan ng mga surplus na produktong imported at labis na kapital habang ang ating pambansang ekonomiya ay nananatiling atrasado at hindi nakakamit ang katayuang industriyalisado. Ang pamamahala ng US sa kolonyal at kalaunan ay neo-kolonyal ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling mahirap at hindi maunlad ang ating bansa.

Ngayon ay pinalawak ng US ang presensyang militar nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng hindi bababa sa 9 na forward military bases sa tinatawag na Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Ito ay nagposisyon ng mga kagamitang militar kabilang ang mga Tomahawk missiles at spy drones ng US habang nagsasagawa ng mga military exercises sa hangaring magpalakas ng kapangyarihan sa rehiyon. Ang malawakang deployment ng mga pwersa at kagamitan ng militar ng US sa Pilipinas ay naglalayong udyukan ang Tsina na pumasok sa mas matinding tunggalian militar katulad ng ginawa ng US sa Russia, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng NATO sa Ukraine. Samantala, ang “ayudang” militar ng US ay ginagamit sa isang US-inspired counter-insurgency program na ipinatutupad ng iba’t ibang presidenteng sunud-sunuran sa US at nagreresulta sa matinding paglabag sa karapatang pantao at pandaigdigang makataong batas.

Ang US ay kasalukuyang nahaharap sa kabiguan na makamit ang tagumpay militar sa Ukraine matapos tanggihan ang negosasyon ng kapayapaan noong 2022. Ang US ay nahihiwalay din sa politika dahil sa walang kapararaang suporta nito sa Israel sa patuloy na genocide sa mga Palestino. Sa buong modernong kasaysayan, saanman sangkot ang US, mayroong kaguluhan at digmaan. Ito’y totoo para sa mga bansa tulad ng Vietnam, Libya, Iraq, at Afghanistan. Hindi maaaring maging tagasuporta ng genocide at tagaudyok ng digmaan ang US sa isang bahagi ng mundo at titignan bilang mabuting tagapagligtas sa kabilang bahagi. Tiyak na ayaw natin na gamitin ang Pilipinas ng US sa isang proxy war laban sa Tsina.

Ang rehimeng Marcos ay nagpapakita ng sarili bilang tagapagtanggol ng soberanya ng Pilipinas kahit na pinapayagan nito ang walang hanggang presensiyang militar ng US sa bansa sa pamamagitan ng hindi pantay na mga kasunduan tulad ng Visiting Forces Agreement at EDCA. Inilagay nito ang patakarang panlabas ng Pilipinas sa ilalim ng patakarang panlabas ng US, sa maling paniniwala na ang pambansang interes natin ay katulad ng imperyalistang interes ng US. Pinapayagan ni Marcos na gamitin ang Pilipinas bilang tuntungan ng US upang itaas ang tensyon sa Tsina, sa halip na agresibong isulong ang diplomatikong solusyon sa alitan sa West Philippine Sea, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng arbitral ruling sa ilalim ng UNCLOS.

Tinututulan natin ang mga agresibong aksyon at ilegal na pag-angkin ng Tsina sa mahigit 90% ng South China Sea. Higit na tinututulan namin ang paggamit ng US sa ating lehitimong isyu sa Tsina bilang dahilan para sa mas malaking interbensiyong militar ng US sa rehiyon, na nagtutulak sa Pilipinas papalayo sa mapayapa at diplomatikong resolusyon ng alitan, at papalapit sa armadong komprontasyon na nagsisilbi sa imperyalistang layunin ng US sa rehiyon. Noon at lalo na ngayon, ang US ang pangunahing pwersang lumilikha ng kaguluhan sa rehiyon.

Nanawagan ang Bayan sa sambayanang Pilipino na ilantad at tutulan ang imperyalismo, pangunahin ang imperyalismong US, at ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya sa Pilipinas. Nakikiisa kami sa mga mamamayan ng mundo na lumalaban sa makinarya ng digmaan ng US, mula sa Palestina hanggang sa Pilipinas. Pinaparangalan namin ang lahat ng ating mga bayani na nakipaglaban para sa tunay na kalayaan laban sa kolonyalismo, mula sa mga rebolusyonaryo ng Katipunan hanggang sa mga rebolusyonaryo ng kasalukuyang pakikibaka. #

BAYAN to BBM: Do not let PH be another Ukraine

‘US puppet Zelensky led his country to war against Russia’

Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) urged President Ferdinand Marcos Jr. to protect the Philippines from becoming another Ukraine, a casualty in another proxy war by the United States of America (USA) against its rivals.

In a statement on President Marcos’ meeting with Ukranian counterpart Volodymyr Zelensky on Monday, the group said it is against the national interests of the Philippines to be drawn into a shooting war between the USA and China in the manner that Ukraine is a “mere pawn” between the rivalry between the North American superpower and Russia.

Marcos met with Zelensky at Malacanan Palace on June 3 when the latter thanked the Philippine government for its pro-Ukraine statements since the start of the conflict in February 2022.

Zelensky followed Marcos to Manila after their mutual attendance at the Shangrila Dialogue in Singapore to seek stronger support for Ukraine in its ongoing and long-drawn war against Russia.

The European head of state also invited Marcos to attend a pro-Ukraine event to be held in Switzerland in the future.

Marcos for his part told Zelensky his government would extend whatever it could to Ukraine.

Bayan however said the US-controlled North Atlantic Treaty Organization (NATO) is to blame for the war between Ukraine and Russia.

“NATO expansion in Ukraine was among the factors that escalated the conflict,” Bayan said.

The Minsk Agreement of 1991, co-signed by Russia, Belarus and Ukraine, dissolved the former Union of Soviet Socialist Republics (USSR) and stipulated assurances from the US, NATO and Western powers that former Warsaw Pact member countries would not be made NATO members that would threaten Russia along its borders.

NATO however has added 16 new member states since then, many of which border with Russia and have undergone political turmoil seen as encouraged by Western powers such as the US.

Zelensky’s government has applied for NATO membership that analysts said was among the reasons for Russia’s offensive against Ukraine.

Bayan said US and China are engaged in a similar inter-imperialist rivalry with the West Philippine Sea (WPS) as battle ground.

“We should by now learn from the experience of Ukraine. We should be wary of being a US pawn, and should reject all attempts at making the Philippines a US military outpost,” Bayan president Renato Reyes said.

“If the Ukraine experience teaches us anything, US war provocations and escalation of tensions will not be in our national interest. The Filipino people demand an end to US bases and troops and China’s aggressive actions,” Reyes added.

Bayan said the WPS should be immediately demilitarized and all forms of imperialist domination should end.

The group said the Philippines must stand up to China in the latter’s aggression in the region but must also reject US war provocations and escalation of conflict. # (Raymund B. Villanueva)

Ang laban sa VFA ay pagtutol sa imperyalismo

Ni Nuel M. Bacarra

Dalawampu’t limang taon lamang ang buhay ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng US at Pilipinas. Nagtapos ito nitong Mayo 27. Ito ay isang “kasunduan” sa pagitan ng mga punong ehekutibo ng dalawang bansa. Bagamat niratipika ito ng Senado ng Pilipinas, hindi ito pinagtibay ng Senado ng US.

Ang VFA ay isang kasunduan para sa paghimpil subalit relyebuhang presensya ng mga sundalong US sa bansa. Ibig sabihin lamang, lagi’t laging may presensya ng tropang militar ng US dito sa bansa. Siniguro ng kasunduang ito ang hurisdiksyon ng US sa mga sundalo nito na may krimeng ginawa sa bansa. Lisensya ito na nagbabasura sa sistema ng hustisya ng bansa sa usapin ng mga krimen ng sundalong US laban sa mga Pilipino.

Ang kasunduang ito ay napatunayang lubusang kilíng sa mga banyaga sa kaso ng brutal na pagpatay kay Jennifer Laude ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noong Oktubre 2014, sa Olongapo City, Zambales at sa paggahasa kay Suzette “Nicole” Nicolas ni Lance Corporal Daniel Smith noong Nobyembre 1, 2005. Ito ang larawan ng tagibang na relasyon na mas iniligtas ang kriminal kaysa gawaran ng pabor na husga ang biktima. Subalit ang pilit na itinatago rito ay ang pagiging sunud-sunurang “pyesa” ng Pilipinas sa kabuuang laro ng imperyalismong US sa buong mundo.

Base militar ng US ang buong bansa

Hindi dapat malinlang na ang siyam na lugar sa bansa ngayon ay mga lugar lamang ng kooperasyon sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Mga base militar ito ng US at aariin ito nang walang anumang kompensasyon at walang akses ang mga Pilipino tulad ng mga base militar ng US noon sa Clark, Subic at iba pang lugar. Kung saan may pagsasanay militar ang US, naroon ang mga sundalong Kano na ibig sabihin lamang, ang buong Pilipinas ay tila magiging base militar ng dayuhang imperyalista.

Nitong Pebrero, may kabuuang 568,000 pasilidad ang US sa mahigit 4,790 na mga lugar sa buong mundo. Binubuo ito ng mga base militar, kampo para sa pagsasanay, instilasyon ng komunikasyon at iba pa. Kabilang dito ang 750 base militar ng US sa 80 bansa at mga teritoryo nito, Hindi ito katapat ng  52 base militar ng Russia na nakapakat sa mga bansang dating saklaw ng Unyong Sobyet at 29 naman mga base militar ng China. Samantala, naka-istasyon ang 173,000 tropang militar ng US sa 159 na bansa.

Mayroon nang panukalang badyet ang US sa 2025 na $9.9 bilyon para sa programang Pacific Deterrence Initiative na kapapalooban ng mga konstruksyong militar, suportang operasyong lohistikal at mga aktibidad kaugnay ng ballistic missile defense.

Kaya, handang-handa ang US para hamunin ang anumang bansa ng gera. Ginagamit ng US ang gera para sa ambisyong maging solong pinakamakapangyarihang bansa. Nakapagparami ng base militar ang US matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, noong panahon ng Cold War at sa umanong gera kontra-terorismo. Sa ngayon, ito ang pangunahing taga-suplay ng mga kagamitang pandigma sa proxy war nito sa Ukraine at Israel. Magpaparami pa ng saklaw ang US, hangga’t may mga bansang lumalaban kontra sa okupasyon at agresyon at mga bansang naglulunsad ng rebolusyon laban sa imperyalismo.

Nang-uupat ito ng gera para magnegosyo at itambol ang lakas nito upang paluhurin ang mga bansa sa kontrol nito. Ang gera sa Ukraine ay sulsol nito upang hamunin ang Russia at lumpuhin ang rekurso para mapahina ang militar na kapabilidad ng Russia. Ginagamit nito ngayon ang usapin ng mapanghamong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) gamit ang Pilipinas bilang pain sa paghahamon ng gera. Minomobilisa ng US ang ibang bansa tulad ng Japan at France na pumasok sa kasunduan sa Pilipinas para magkaroon ng tipong-VFA na kasunduan tulad ng planong Philippines-Japan reciprocal access agreement.

Modernisasyon?

Sa mga ganitong imperyalistang maniobra ng US, tango lamang ng tango ang Pilipinas sa bawat naisin ng amo nito. Ang napakalinaw na patakarang panlabas ng bansa ay ang pagsandig sa US para ipagtanggol ang bansa sa mga butangerong bansa tulad ng China sa WPS.

Sa bawat kasunduang pinapasok ng gubyerno ng Pilipinas sa ibang bansa, laging dehado ang sambayanang Pilipino. Sa ngayon, ni walang anunsyo ang dalawang kapulungan ng konggreso kung ano ang kahihinatnan ng VFA kahit na nitong Lunes, May 27, ay 25 taon na ito na siyang panahon na dapat lamang itagal ng kasunduan.

Napatunayang pabor lamang ang kasunduang ito sa mga sundalong US kahit sentensyado sa krimen nilang nagawa sa mga Pilipino tulad ng mga Smith at Pemberton. Bagamat may mga pagsasanay-militar sa mga Balikatan, ni wala pang kumakasa sa pambobomba ng tubig ng Tsina. Sa ngayon ang mga mangingisda, kabataan, guro at iba pa ay matagumpay na pumalaot sa WPS mula sa Zambales ang humamon sa Tsina kung mang-aaresto nga ito batay sa naunang anunsyo.

Hindi ang VFA ang behikulo sa modernisasyon. Sa mahigit pitong dekada ng pagkakaroon ng mga kasunduang militar sa US, palasak na itinatambol ang modernisasyon ng AFP. Ang ipinangangalandakang ranggo ng Pilipinas na ika-34 sa pinakamalakas na militar sa 145 bansa sa buong mundo ay dahil pa sa dami ng sundalo at reserba nito dulot ng mataas na porsyento ng kawalang-trabaho sa bansa. Subalit bagsak ito sa usapin ng mga modernong kagamitan at kakayahang makidigma.

Walang bagong kagamitang militar iaabuloy ang imperyalismong US sa AFP kundi yaong mga laspag na, pinaglumaan at di nakatutugon sa pangangailangan. Mula 1951, atrasado at luma na ang inaabot ng antas ng kagamitang militar ng AFP. Binibili ng gubyerno ng Pilipinas ang ipinagmamalaki nitong kagamitan mula sa Israel, India, Turkiye, South Korea at hindi sa US. Hindi rin mainam na sa US bumili ng mga tunay na modernong kagamitan dahil mananatili sa military nito ang kontrol sa mga missile at fighter jets tulad ng F16.

Larawang kuha ni N. bacarra/Kodao

Wakasan ang VFA

Mangangailangan ng dambuhalang pagkilos ng maamamayan para sa pagbasura sa VFA. Lantaran ang pakikialam ng US sa usaping internal ng Pilipinas. Ginamit ang VFA para sa operasyon noong 2015 sa Mamasapano sa panahon ng rehimeng Aquino II na sangkot ang mga sundalong US. Gayundin sa pagwasak sa Marawi City sa panahon ni Duterte dahil sa grupong Maute. Sa ngayon, kinakaladkad nito ang bansa sa planong pangge-gera sa Tsina na siyang layunin ng mga ehersisyong Balikatan sa WPS at sa iba pang estratehikong lugar sa Pilipinas.

May matibay na dahilan upang labanan ang lahat ng tagibang na kasunduang militar sa iba’t ibang bansa partikular sa US. Pero hindi lamang ito ang kailangang pagtuunan ng pansin at direksyon ng paglaban. Ang inahin ng VFA at ng iba pang kasunduang militar na pinasok ng Pilipinas ay ang Mutual Defense Treaty ng 1951. Hangga’t nananatili ito, magsususon-suson lamang ang mga kasunduang militar dahil sa pagiging papet na republika sa US.

Hindi makakawala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa banta ng panloob na seguridad ng bansa laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kapwa ito at ang agresibong aksyon sa WPS ng China ay di kayang harapin ng AFP dahil sa pagkasanay nitong umasa ng ayuda mula sa imperyalismong US.

Hindi pagtulong kundi pagsilo na maging palaasa ang bansa ang dulot ng mga kasunduang militar sa dayuhang kapangyarihan. Buladas ang ipinangangalandakang modernisasyon para sa AFP. Kailangang wakasan na ang paniniwala sa mga na ito. Iisa ang layon nito, ang bitagain ang bansa sa imperyalistang kontrol sa pagkakanulo ng mga nagsipagrelyebong rehimeng siláw sa kapangyarihan at yaman.

Mayaman ang karanasan ng mamamayang Pilipino sa pakikidigma sa dayuhan. Pero ang tagumpay ng bayan ay laging inaagaw ng dayuhang kapangyarihan na nagkukunwaring tagapagligtas ng bansa dahil sa marupok ang pampulitikang paninindigan ng naghaharing uri. Kung gayon, ang laban kontra sa VFA at sa anumang patakarang ipinapataw ng dayuhan ay dapat iangat sa usapin ng pandaigdigang laban sa imperyalismo na komprehensibong sasaklawin ang ekonomiko, pulitikal, kultural at militar na aspeto ng lipunang Pilipino. #

25 years of the VFA: Surrender of sovereignty, increased military intervention, and grossly unequal relations

by Renato M. Reyes, Jr.

May 27, 2024 marks 25 years of the RP-US Visiting Forces Agreement. The VFA is the legal framework for the treatment of US military personnel “temporarily” in the Philippines for various “approved” activities. More importantly, it is among the many unequal military agreements imposed by the US on the Philippines from the 1951 Mutual Defense Treaty, the 1947 Military Assistance Pact and the 1947 Military Bases Agreement. After the VFA, the US would also impose the 2002 Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) and the 2013 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). These agreements are important pillars of continuing imperialist domination of the Philippines as a US neo-colony.

After the RP-US Military Bases Agreement ended in 1991, and the Philippine Senate rejecting a new bases treaty, thousands of US troops in the major bases in Clark and Subic were effectively removed from the Philippines. But this was only for a short time, as the US sought to regain its military foothold on Philippine soil. The Ramos regime negotiated with the US a Status of Forces Agreement and and Acquisition and Cross-servicing Agreement (SOFA-ACSA). The negotiations matured into what is now the VFA, signed during the Estrada regime and ratified by the Senate on May 27, 1999 amid widespread protests.

The VFA covers the treatment of erring US troops “visiting” the Philippines. It deals with issues of jurisdiction, custody and what happens when an American soldier is convicted. While it was being deliberated, proponents of the VFA said that the agreement would modernize the AFP, help improve our defense capacity and address security issues.

During the Senate ratification of the VFA in 1999, Bayan had warned that the proposed treaty would lead to the return of US bases in the Philippines and that the pact was an affront to our national sovereignty. The VFA allows the entry of an unlimited number of US troops, engaged in unspecified activities, deployed in unspecified areas, for an unlimited duration of time. The “unli” character of the VFA was intentional as it sought to give the widest latitude for the actual stationing of US troops on Philippine soil even without a formal basing agreement.

The US claims that there are no troops permanently stationed in the Philippines because under a rotational deployment, a batch of US troops would be in the Philippines for only a few months, and then replaced by another batch of US troops. Even if rotational, the reality is that there is not a day when there are no US troops present in the Philippines. Furthermore, the Philippine government has no means to determine if US troops are not permanently stationed in the Philippines because US forces do not go through regular immigration procedures.

The VFA does not specify the activities US troops may engage in. This has resulted in US troops participating in counter-insurgency operations in active war zones.

Since the VFA does not specify how many US troops can enter the Philippines, thousands of US troops have engaged in large-scale war games in the country. The large-scale war games are a form of power projection, a show of force by the US aimed at its rivals in the region.

Because the VFA was purposely vague as to the scale and duration of US military presence in the country, some 500-600 US Special Forces personnel under Joint Special Operations Task Force- Philippines were permanently stationed in Mindanao after 2002.

Unlike the RP-US Military Bases Agreement, the VFA does not specify the areas where US troops may “visit” and conduct activities. It opens the entire country to US war games and makes the Philippines a military outpost of a foreign superpower. Unlike the RP-US MBA, the VFA has no expiry date, and is in effect indefinitely unless one party notifies the other of its intent to terminate the agreement.

The VFA exempts US forces from passport and visa requirements. US vessels and aircraft are also exempted from paying landing or port fees, navigation or overflight charges, or tolls or other use charges, including light and harbor dues. Philippine authorities cannot conduct quarantine inspection of US vessels to ensure there are no quarantinable diseases present. The Philippines likewise cannot inspect US vessels and aircraft that are possibly carrying nuclear weapons.

To further highlight the gross inequality between the US and the Philippines, the VFA was ratified by the Philippine Senate as a treaty, but was not ratified as such by the US Senate. It was merely considered a treaty through a certification by the US embassy. This goes against the constitutional provision that “foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate… and recognized as a treaty by the other contracting State.’

The VFA epitomizes the grossly unequal relations between the US and the Philippines, cementing our status as a US neo-colony and tying our foreign policy to US imperialist interests and dictates.

Permanent presence and direct combat involvement

After the 9-11 attacks, the US embarked on its “global war on terror”, invading Afghanistan and Iraq, causing massive death and destruction. The US then labeled the Philippines as the “second front” in the “war on terror” and for the first time, US troops conducted large-scale military exercises in provinces like Basilan and Sulu, supposedly against the Abu Sayyaf. Some 1,300 US forces would be initially deployed in areas where they would be involved in armed hostilities.

As the International Solidarity Mission in 2002 found out, US forces joined combat patrols supposedly against the Abu Sayyaf, resulting in the shooting in Basilan of Buyong-buyong Isnijal by a US solider during a raid on Isnijal’s house. The government claimed Isnijal, who was also arrested, was a suspected Abu Sayyaf member.

The “war on terror” in the Philippines was called “Operation Enduring Freedom-Philippines” and was used to justify the stationing of 500- 600 US Special Forces personnel in Mindanao for a period of at least 14 years. For the first time since US bases were kicked out, the US military had a permanent foothold on the Philippines even without a basing agreement. The VFA was used as the legal framework for this permanent military presence. In his visit to the Philippines in February 2023, US Defense Secretary Lloyd Austin went to Camp Navarro in Zamboanga to visit some 100 US soldiers stationed there – proof that the US military never left Mindanao after first arriving in 2002.

US forces were involved in the the botched Mamasapano operation in 2015 that resulted in the death of 44 Filipino SAF troopers as well as Filipino civilians and in the destruction of Marawi in 2017 during operations against the Maute group.

In the Mamasapano incident, at least 6 Americans were involved in the planning, training, intelligence gathering, and in the execution of the mission. At least one of the Americans tried to give orders to Filipino commanders during the operation. When the target of the operation Jukifli Marwan was killed, proof of his death was given to the American FBI waiting in General Santos City, and not to Philippine authorities. This incident exposes who are really calling the shots in these so-called joint operations with the US forces.

In the Marawi Siege of 2017, the US provided aerial surveillance and targeting, electronic eavesdropping and communications assistance during the operations. Marawi was flattened as a result of sustained military operations by the AFP with support from the US.

There would be other documented instances where US operations led to the deaths of Filipino civilians. There were no criminal liabilities in the deaths resulting from these operations.

In February 4, 2008, US forces were said to be embedded in an AFP unit that conducted a military operation in Maimbung, Sulu that resulted in the deaths of seven civilians. This included two children, two teenagers, a pregnant woman and an off-duty soldier. This incident was documented by the Commission on Human Rights.

On April 18, 2012, a US boat from the Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) collided with a local fishing vessel killing one fisherman and injuring another.

On January 17, 2013, the USS Guardian ran aground in the Tubbataha Reef, a protected area and UNESCO World Heritage Site, causing damage to the coral reef. After public outrage, the US was forced to pay $1.97 million for the damage its ship caused.

Criminal cases

The VFA became even more controversial when its provisions on jurisdiction and custody were tested in actual criminal cases. These cases again highlighted the gross inequality between the US and the Philippines as special treatment were accorded the erring US soldiers.

In the Subic rape case of 2005, US Marine Daniel Smith was charged with rape, but for the duration of the trial, was held in the US embassy, not in a Philippine facility. Upon his conviction, he was brought to the Makati City Jail but was later on transferred back to the US embassy on the grounds that his conviction was still under appeal. This was done under the Romulo-Kenney Accord which was later on struck down by the Supreme Court. The SC however did not order the immediate transfer of Smith to the Makati City Jail and merely asked the DFA and the US embassy to negotiate a appropriate detention facility based on provisions of the VFA. The complainant in the rape case would later recant her testimony and move to the US, while Smith would be acquitted by the Court of Appeals and released from his detention facility at the US embassy. It was believed that the complainant was pressured to recant her testimony.

The VFA would be invoked again in the murder of transwoman Jennifer Laude in 2014, with US serviceman Joseph Scott Pemberton being charged with murder. Laude was found drowned to death leaning on a toilet bowl. The US sought to take custody of Pemberton even if he was being charged in a Philippine court — in what was another affront to our sovereignty. Pemberton could no longer be held in the US embassy after the SC ruling on Smith, and was instead held at the US-controlled JUSMAG facility inside Camp Aguinaldo.

After his conviction for homicide, Pemberton was held in a special jailhouse in the ISAFP compound in Camp Aguinaldo, constructed especially for him by the US embassy. In September 2020, Pemberton would be granted absolute pardon by then president Rodrigo Duterte. This follows an earlier phone conversation between Duterte and then US president Donald Trump over the issue of the VFA termination, COVID vaccines and US military aid.

Duterte earlier threatened to terminate the VFA but later withdrew the termination after the US promised more military aid and possibly COVID vaccines.

Sham modernization

The VFA was touted as key to the AFP’s modernization as its ratification provided the incentive for the US to focus military aid to the Philippines. The modernization of the AFP and the presence of the US in the country, were seen as deterrents to foreign aggression especially from rising power China.

The technical and logistical benefits from the Balikatan and the VFA are small, as admitted by some military officials. Former Commodore Rex Robles has described these benefits as being in the “nice to have” category. Navy whistleblower Lt. Sg. Nancy Gadian meanwhile says the benefits are limited to the use of firearms and night-vision goggles. The high-end equipment are exclusively used by the US and are not transferred to the Philippine military.

What the Philippines receives in bulk are Excess Defense Articles. The EDAs are second-hand or antiquated military equipment which cannot be considered as indispensable for the Philippines. The Federation of American Scientists in an article said that “not wanting to pay the costs of storing or destroying the surplus, the (US) Department of Defense dispenses most of it for free or at deep reduction through the excess defense articles (EDA) program.” Receiving EDA’s will not modernize the AFP. This was true during the time of the US bases, and this remains true today. Among the ships procured by the Philippines in 2011 was a decommissioned Hamilton-class cutter from the Vietnam War era, later named as BRP Gregorio del Pilar. Ironic, considering that del Pilar died fighting the American colonizers as he defended Tirad Pass.

After 25 years of the VFA, the Philippines had not developed a credible external defense posture. It is in the interest of the US to keep the AFP backward and dependent on US military surplus, because this provides the US added leverage to dictate policies on the Philippines. The existence of the VFA also did not prevent China from taking control of Scarborough Shoal in 2012.

What is true is that US military aid is used to commit widespread human rights violations and violations of international humanitarian law in course of the Philippine government’s counter-insurgency drive. US military aid funds state terrorism, carried out through the US-inspired counter-insurgency and counter-terror programs under a so-called whole-of-nation approach.

Photo by Davao Today.

US VFA led to EDCA and other VFA’s

With the VFA allowing permanent US military presence in the Philippines, the US would now need a legal framework for the construction of facilities that would serve as bases for the US troops. On April 28, 2014, the US and the Philippines signed the Enhanced Defense Cooperation Agreement which they claimed was an implementation of the MDT and the VFA, and thus did not require Senate ratification.

The executive agreement allowed the construction of US military facilities, use of existing Philippine military and civilian facilities and the prepositioning of weapons in these facilities. As in US war games, access to and control over weapons, equipment and facilities are exclusively with the US as Philippine troops are reduced to being perimeter guards of the US bases.

The VFA and EDCA taken together complete the requirements for the return of US bases and permanent US military presence in the Philippines. US justification for their presence here have also evolved through the year. In the 50’s it was the “Cold War, in the 2000s the “war on terror and now the threats from China. What is certain is that the drive for permanent US military presence has more to do with defending US national security and economic interests more than anything.

After the US VFA, American allies and junior partners have sought to secure the same type of agreement to allow their military to join US-led war games. The Philippines now has a VFA with Australia, ratified in 2007. Japan is seeking a similar VFA which it hopes to negotiate this year. And just recently, France said it would also be seeking a VFA so its troops can participate in military activities in this part of the world. The Philippines will become the playground and laboratory of foreign troops seeking to expand imperialist interests in Asia, which are not at all identical with Philippine national interests.

Continuing opposition

Bayan and various progressive groups have waged a consistent opposition to the VFA throughout its 25-year existence. We have called for the abrogation of the VFA and all unequal military agreements including the MDT and the EDCA. Our perpetual dependence on the US has made us backward and underdeveloped. The benefits from these agreements are grossly one-sided – in favor of the US imperialist agenda of becoming a Pacific power. There is no other just option but to scrap these agreements.

The US motive for the VFA is no different from the US motive in supporting Israel’s genocide in Gaza, or US wars in Afghanistan, Iraq in Libya. The US is an imperialist monster bent on imposing its interests on oppressed nations and people’s of the world. The VFA and US military presence here will never be benevolent, and will never be without major social costs including human rights violations, environmental destruction (Tubbataha incident) and prostitution.

The world has seen what US militarism has done in Palestine, Afghanistan, Iraq, LIbya, Vietnam and in the US proxy war in Ukraine. The US is provoking more conflict here in Asia through its rivalry with China. Anywhere the US is involved, there is always war and conflict. The VFA is part of the US preparation for war.

The VFA has taught us that Philippine sovereignty can only be upheld by Filipinos, not by any foreign government, and that our national interests are not identical to US imperialist interests. There is no mutual benefit nor mutual interests between an imperialist superpower and its neo-colony. Now more than ever, oppressed peoples from Palestine to the Philippines, must stand up to stop the US war machine. Junk the VFA, uphold national soverignty and fight for genuine freedom against US imperialism. #

Ang kinang ng isang maikling tula ng pagmamahal sa litanya ng pang-aapi’t pagsasamantala

Ni Nuel M. Bacarra

How Do I Love Thee? (Sonnet 43)

By Elizabeth Barrett Browning

How do I love thee? Let me count the ways.

I love thee to the depth and breadth and height

My soul can reach, when feeling out of sight

For the ends of being and ideal grace.

I love thee to the level of every day’s

Most quiet need, by sun and candle-light.

I love thee freely, as men strive for right.

I love thee purely, as they turn from praise.

I love thee with the passion put to use

In my old griefs, and with my childhood’s faith.

I love thee with a love I seemed to lose

With my lost saints. I love thee with the breath,

Smiles, tears, of all my life; and, if God choose,

I shall but love thee better after death.

Ang unang linya ng sonetong How Do I Love Thee? (Sonnet 43) ni Elizabeth Barrett Browning ay ganito: “How do I love thee? Let me count the ways.” Ang sumunod na isang-dosenang linya ay pawang litanya ng pagmamahal sa kanyang irog. Hindi nakapag-tatakang popular pa rin ang tulang ito sa lahat ng mangingibig mahigit isa’t kalahating siglo na ang nakakaraan.

Mapalad ang mga iniibig. Sila ang taga-tanggap ng mabubuti’t magaganda sa mundo. Kabaligtaran naman kapag ang isang tao ang kinasusuklaman. Sambot niya ang lahat ng ngitngit, uyam, poot, at suklam, ito man ay karapat-dapat o hindi.

Ang kaso ng isang politiko at isang botante ay isang halimbawa. Sa panahon ng eleksiyon, tila isang pursigidong mangingibig ang isang kandidato sa panliligaw ng ating mga boto. Subalit ang pag-ibig ng isang nahalal ay nasusukat lamang kapag naluklok na siya sa pwesto.

Kung kaya, ihambing natin ngayon ang noong manliligaw na si Bongbong Marcos ngayong nabigyan siya ng pagkakataon kung paano niya patunayan ang kanyang mga pangako dalawang taon na ang nakakaraan.

1. Presyo ng bilihin

Bukod  sa ipinangakong gagawin kung manalo sa eleksyon, ang presyo ng bigas ay napako rin sa antas na pang-dalawang kainan na lamang tayo sa isang araw sa halip na tatlo. O baka nga may katulad ko rin noon na ang almusal ay mumog, kanin at itlog, minsan talong ang ulam sa tanghalian at tulog ang hapunan. At hindi na kailangang amyendahan pa ang Rice Liberalization Law. Ibasura na dapat ito antimano. Hubarin na ang maskara na hindi ito para sa mamamayan kundi pagpasok sa buslo ng neoliberal na patakaran ng pag-asa sa importasyon. Tiba-tiba rito ang mga kasabwat na importer at treyder ng gubyerno. Pero madali pa ring lusutan ito dahil halos tuwing Martes kada linggo ay may pataw na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo. Ito ang produktong kapag tumaas, bitbit din ang presyo halos ng pangunahing produkto. Magtatambol naman ang gubyerno ng pagbaba na ₱0.50 kada litro, Pero sa sunod na linggo, ₱1.25 naman ang itaas. At muling ipaghihiyawan na “regulated” na yan dahil may gera sa Ukraine at ngayon sa Israel kaya apektado ang suplay ng produktong petrolyo. May kasunod itong panghimagas na pagtaas ng singil ng Meralco.

2. Produkto ng magsasaka

Ramdam ng mamamayan ang pangunguna ng Pilipinas bilang pinakamalaking taga-angkat ng bigas sa buong mundo. Ito na ang patakaran kapalit ng dapat ay pagpapaunlad ng lokal na produksyon. May budget para sa irigasyon, pero walang tubig na dumadaloy sa mga palayan. Atrasado ng apat na taon ang ayuda mula sa Rice Farmers Financial Assistance o walang kundisyong tulong sa mga magsasaka mula sa execss tariff collection ng gubyerno. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ang ₱12.79 bilyon noong 2022 at ang para sa 2023 na halos ₱20 bilyon mula sa excess tariff revenue collection ay di pa naipamamahagi. Nauna pa rito ang pinagsamang halaga na halos ₱7.60 bilyon para sa 2020-21 na ‘di pa rin naibibigay. Ang sibuyas ay ₱15/kg sa bukid pero nasa merkado na halos ₱60 – ₱80 na. At ito ang modelo ng iba pang produkto ng mga magsasaka.

3. Sahod ng manggagawa’t kawani

Sa kabila ng pag-igting ng paggigiit ng manggagawa para sa taas-sahod o legislated wage increase, nakapakong maigi sa starvation level ito. Ang kailangang sahod ng isang manggagawa para mabuhay ay dapat nasa ₱1,208 para sa isang 5-kataong pamilya na malayo sa kasalukuyang pambansang abereyds na ₱441 kada araw, ayon sa Ibon Foundation. Sa National Capital Region (NCR), ang minimum na sahod ay ₱610. Kaya ang mga manggagawa ay nagiging kakumpetensya pa ng mga walang trabaho na dumidiskarte na rin para may dagdag kita. Ang huling pagtaas ng sahod sa NCR ay noong Hulyo 2023. Mayroong hinihilot sa Senado na ₱100 taas-sahod na nasa ikatlong pagbasa na pero may pasiklab ang mababang kapulungan na dalawang panukala para sa isang ₱150 at isa pang ₱350 para raw sa umento sa sahod. Tandaan, eleksyon na uli sa isang taon. Iginigiit naman ng mga organisadong karaniwang kawani ng gubyerno ang ₱33,000 na entry-level salary.

4. Charter Change

Bagamat may paghupa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang usapin ng ChaCha, hindi kailangang mabulaga ang taumbayan na maaaring ibuwelo muli ang pagratsada nito. (Lalo pa’t may bagong liderado sa Senado na pumalit sa dati na ibinunyag ang presyur mula sa mga kampon ni Marcos para palusutin sa mataas na kapulungan ang kasuklam-suklam na sayaw na ito.) Salik sa paghupang ito ang pagtutok ng mga pulitiko sa darating na eleksyon. Ang pagbago sa Konstitusyon kapag di nilabanan ng mamamayan ay magbubunsod sa bansa sa ibayong kontrol ng dayuhan sa mga aspetong panlipunan at iba pang probisyon na pawang pabor sa mga malaking burgesya komprador at panginoong maylupa. Ang nais isingit sa Konstitusyon ay ang linyang “Unless otherwise provided by law” na pagkapon sa konstitusyon. Iniinda, partikular ng konggreso, ang papalaking bilang ng mga protesta ng mga progresibong pwersa laban sa ChaCha dahil naisisiwalat nito ang kiling sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mga panukala ng pagbibigay 100% pag-aari ng lupa at negosyo sa larangan ng edukasyon, masmidya, yutilidad at iba pa.

5. Pambobomba sa komunidad

Noong 2018 sa panahon ni Duterte, sa bisa ng Memorandum Order 32 at E.O. 70, integrado na sa “kontra-insurhensyang” programa ng gubyerno ang pambobomba na ipinagpatuloy naman nang maupo si F. R. Marcos Jr. sa poder. Inutil ito sa layong pagparalisa sa operasyon ng New People’s Army o paggapi mismo dito dahil mas ang mga sibilyang komunidad ng mga magsasaka at pambansang minorya ang nabubulabog at biktima nito. Sa ulat ng Karapatan, sa unang taon ng rehimeng Marcos Jr., 23,391 indibidwal ang apektado ng pambobomba. Ginawa ito para diumano sa “kapayapaan at seguridad” at sa pambansang saklaw. Bawat pagbomba, tuliro ang mga komunidad at lalong nasasapanagnib ang kanilang buhay maging ang kabuhayan nila. Kontra ito sa internasyunal na makataong batas at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Malaking badyet rin ang winawaldas ng gubyerno para rito.

6. Pagpapanatili ng NTF-ELCAC

Kibit-balikat lang ang tugon ng rehimeng Marcos sa desisyon ng Korte Suprema na ang red-tagging ay banta sa buhay, kalayaan at seguridad. Patay-malisya ito sa mga kilos protesta na nananawagan na buwagin na ang NTF-ELCAC, ang ahensyang lugod na lugod sa panre-red tag na bumiktima na ng libu-libong buhay na pangunahin ay mga kritiko at aktibistang kritikal sa gubyerno. Malaki diumano ang papel ng ahensya sa pagpapalaya sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapasuko sa masang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan, na ayon sa tagapagsalita ng Philiippine Army, ay nasa “survival mode” na. Mula nang itayo ito, naging karaniwang tunguhin ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga konsultant sa usapang pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines at sa iba pa, pagdukot sa mga aktibista, huwad na pagpapasuko, at iba pa.  Ang testimonya ni Jonila Castro, isang tagapagtanggol ng kapaligiran na biktima ng pagdukot kasama ni Jhed Tamano, ay mga buhay na halimbawa ng kabulukan ng NTF-ELCAC na biktima. Si Castro ay isa sa mga delegado ng Pilipinas bilang saksi at para sa isiwalat ang kabuktutan ng ahensyang ito sa katatapos na International People’s Tribunal sa Belgium. Hinaharap ni Castro ngayon ang gawa-gawang kaso na ginagawa rin sa iba pang mga aktibistang target ng NTF-ELCAC.

7. Kabuhayan ng mga tsuper at opereytor

Masaker sa kabuhayan ang taguri ng mga drayber at opereytor sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Naobligang palawigin ang itinakdang palugit nito ng presidente mismo nang ilang ulit dahil na rin sa paglaban ng sektor at sa kawalang-kahandaan ng gubyerno matapos ang pitong taong implementasyon ng programa. Walang mahusay na koordinasyon ang mga ahensyang imbwelto dito kaya walang maiharap na matinong plano kaugnay ng rasyunalisasyon ng mga ruta at paano haharapin ang malawakang dislokasyon ng malaking bilang na mawawalan ng trabaho. Ibubulid sila ng gubyerno sa kawalang-trabaho at sa ibayong pagpapatibay ng kontrol ng dayuhan at malalaking burgesya kumprador na ang tunguhin ay pribatisasyon at korporatisasyon.

8. Demolisyon at kawalan ng social housing

Tuluy-tuloy ang demolisyon. Kapag may malaking negosyong itatayo sa isang lugar, asahan na ang mga demolisyon. Paboritong lugar ang Sityo San Roque sa Quezon City na aabot ng 20,000 pamilya, maging sa Beinte Reales sa Valenzuela,  sa Sugbo at sa Dabaw. Kaya sa mga ganito, bagay na bagay ang kasabihan na “huwag tutulug-tulog at baka magkasunog.” Aasa pa ba ang maralitang tagalunsod sa programang pabahay sa ilalim ng programang 4PH (Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program)? Pangako man o pangarap ang isang milyong pabahay sa mga maralita kada taon ng panunungkulan niya, na katulad rin lamang ito ng pangako na ₱20 kada kilo ng bigas. Nais niyang buhayin ang dating programa ng magulang niya na Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services o BLISS. Iwinagayway ni BBM ang proyekto sa Naic, Cavite at sa San Fernando, Pampanga. At malamang sa hindi, hanggang dito na lang ito uli. Tulad ng maralita sa lunsod na nangangarap ng kahit paano ay may masisilungang bahay, subalit mangangailangan ang gubyerno ng libu-libong ektarya ng lupaing publiko para rito. Ito ang panganib na idudulot din ng ChaCha ni Marcos. Kapag niratsada ito, goodbye pabahay dahil ang lupa ay aariin kundi man ng dayuhan, o ng tulad ng mga Villar. Hangga’t umiiral ang buktot na pamamahala sa gubyerno, korupsyon at ang dinastiya sa pulitika, suntok sa buwan ang proyektong pabahay.

9. Korupsyon at agawan ng pwesto sa gubyerno

Ito ay eksaktong kumbinasyon ng ekonomya at pulitika ng nasa poder. Negosyo ang pamamalakad sa gubyerno. Matapos mamuhunan para sa halalan, kukubra na ng tubo. Bida lagi ang korupsyon taun-taon at kibit-balikat lamang ang tugon sa trilyong pisong napupunta lamang sa korupsyon. Tama! Nakalista lamang sa ilalim ng korupsyon. Walang napapanagot. Dito rin maiuugnay ang bangayan sa pulitika ng “team unity” na halos isang taon pa lang ay “team hiwalayan” na at maging ang pagiging maka-China at maka-US ng mga Marcos. Isang taon pa lang, tila ramdam na kaagad ang paghahanda sa para sa eleksyon sa 2028. Ang agawan sa kapangyarihan ay laro ng agawan sa kaban ng bayan. Tama, maging ang nangyaring rigodon sa Senado kahapon lamang.

10. Pagka-tuta sa US

Ang ngalan ng ama at ng anak ay kapwa tuta ng US. Kailangan ng dagdag na base militar ng US, ensigida, dinagdagan ng apat pa. Ganito ang kongretong larawan ng isang relasyong tagibang na puro tango sa among imperyalista. Kapag sa kapritso ng US, etsa-pwera ang kapakanan ng mamamayan. Gera ang tunguhin ng galaw ng US kontra sa Tsina na ibinubugaw dahil pain ang Pilipinas bilang sabik na biktima. Tuloy ang paghahamon ng gera ng US sa Tsina sa pamamagitan ng serye ng mga Balikatan. Tuloy ang daloy ng mga angkat na produkto dahil ito ang nais ng amo. Palawakin at paigtingin pa ang ang mga malakihang kontra-mamamayang opensiba laban sa NPA dahil banta ito sa istabilidad ng imperyalistang pangingibabaw sa bansa. Baguhin ang Konstitusyon ng Pilipinas para maluwag na makapagpapasok ang US ng mga armas nukleyar saan man naisin nito sa bansa.

11. Palpak na tugon sa El Niño

Simula’t sapul, ang El Niño ay sinasalubong ng kainutilan ng gobyerno. Ang pinakasimpleng paraan na ginagawa ay ang pamumudmod ng ayuda na bagamat nakatutulong kahit paano, ginagawa ito ng mga pulitiko bilang puhunan sa pulitika. Hindi ito inihaharap bilang suliraning pangkapaligiran, walang alternatibo para harapin ang kakapusan ng pagkain at pagkalugi ng mga magsasaka. Todo-larga ang operasyon ng mga minahan, ng mga proyekto sa reklamasyon, habang walang mekanisasyon sa agrikultura o pagpapaunlad ng teknolohiya. Ang sistema ng pagmomonitor sa pinsala nito ang siya nang pinakamataas na antas ng pagharap sa problema.

Larawan ang makatang si Browning at ang politikong si Marcos Jr. ng dalawang mukha ng bagol—isang nagmamahal at isa namang walang malasakit sa nasasakupan. Kung anong kislap ng isa ay siya namang kalawang ng kabila. Ang pagmamahal ay may kaakibat na sakripisyo, kabutihang-loob at malasakit samantalang ang nangingibaw sa galit at pagkamuhi ay ibayong pagpapahirap, kapabayaan at pagiging makasarili. Ang una ay may kaakibat na suporta ng masa habang ang huli ay aani ng paglaban ng taumbayan dahil sa pang-aapi’t pagsasamantala. #

Tribunal’s guilty verdict ‘world’s judgement on war crimes in the PH’

The guilty verdict on President Ferdinand Marcos Jr., former president Rodrigo Duterte, and the Philippine government, as well on President Joseph Biden and the government of the United States of America (USA) is the world’s judgements on their war crimes in the Philippines, human rights group Karapatan said.

Following the conclusion of the International People’s Tribunal (IPT) held in Brussels, Belgium last May 17 and 18, Karapatan said it welcomes the quasi-judicial body’s judgement as an opportunity to exact and accountability from the respondents.

“With this verdict from the IPT, we have judgment from some of the world’s best legal minds and the weight of international public opinion to back the victims’ continuing quest for justice and an end to impunity,” Karapatan said.

READ: Tribunal finds Marcos, Duterte, Biden ‘guilty’ of war crimes

“For years, the Filipino people have suffered a range of human rights violations as well as violations of international humanitarian law, from political killings, massacres, enforced disappearances and bombings of civilian communities,” it added.

Karapatan the IPT verdict puts on center stage the inutility of domestic redress mechanisms to exact justice and accountability in the Philippines for human rights violations and violations of international humanitarian law committed by the Duterte and Marcos Jr. regimes,.

It said it hopes the decision will lead to independent investigations under the auspices of the United Nations Human Rights Council and other competent bodies from the international community.

Juror explains verdict

In a 10-page, the tribunal found “a steady rise in cases of abduction and enforced disappearance perpetrated by GRP (Government of the Republic of the Philippines) forces against activists.”

The decision, signed by an international panel of jurors that included former legal counsel to Nelson Mandela, Prof. Lennox Hinds, was greeted with applause by more than 200 observers in Brussels.

The jurors said they heard demands for justice from expert witnesses, direct victims such as anti-Manila Bay reclamation project Jonila Castro, as well as family members of deceased victims of the US-directed counterinsurgency operations. 

“We found substantial and compelling evidence of widespread extrajudicial killings, civilian massacres, enforced disappearances, indiscriminate bombings, and other gross violations of international humanitarian law,” Séverine de Laveleye, member of the Belgian Parliament and IPT juror, said.

“The atrocities and anti-people policies and actions of Mr. Duterte appear to persist and intensify under the current Marcos Jr. administration,” de Laveleye added.

Elaborating on the basis of the guilty verdict, Laveleye said: “Our decision is founded on the comprehensive examination of the evidence presented. The testimonies of the witnesses, many of whom have shown tremendous courage by coming forward, played a crucial role in shaping our understanding of the systemic abuses perpetrated under these regimes with the tacit support of the US.”

“Ample chance were given to the respond to the charges but have failed to reply or have refused to provide witnesses, and have therefore deemed to have waived their rights,” lead juror Lennox Hinds noted.

“The evidence presented was credible and consistent,” said Hinds, adding the victims shared an inability to seek justice in the Philippines due to neglect of the judicial process and harassment and intimidation by authorities. 

Abduction survivor Jonila Castro at IPT 2024. (Supplied photo)

Survivors elated

Castro, who personally narrated her and Jhed Tamano’s ordeal during the trial, said the Marcos Jr. government has not departed from the US-inspired fascist and anti-people policies of the Duterte regime.

“We want to stop the pattern of killings, abductions, and fake surrenders — we want the government to stop equating activists as combatants, and to surface all missing activists. We demand to hold state forces accountable,” Castro said.

In the Philippines, Eco Dangla, another abduction and torture survivor said he welcomes the IPT’s verdict, saying Marcos violates human rights as worse as Dutere.

“In his two years in office, there have been nine victims of abductions in Central Luzon, including Pangasinan, alone,” Dangla said.

“While five of us have been surfaced (Castro,Tamano, Dangla, and Jak Tiaong), four remain missing,” Dangla pointed out.

Progressive party list coordinators Ma. Elena Pampoza and Elgene Mungcal went missing in July 2022 in Tarlac Province while peasant organizers Norman Ortiz and Lee Sudario were abducted in September 2023 in Gabaldon, Nueva Ecija.

Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) also welcomed the verdict it said affirms its condemnation of the grave human rights abuses under the Marcos government.

“The IPT verdict will counter the disinformation narratives peddled by Marcos in his junket foreign trips that his government is committed to upholding human rights,” BAYAN secretary general Raymond Palatino told Kodao.

“We also assail the role of the Biden government in enabling impunity as it coddles the Marcos government and legitimizes the use of fascist means in suppressing dissent. US military aid is responsible for the brutal attacks of state forces targeting critics, including those who are against the intensified military presence of the US in the country,” he added.

BAYAN said the IPT documents will be discussed among people’s organizations and in communities across the country as part of their campaign to pursue justice and accountability. The IPT verdict will be shared with various institutions such as Congress, courts, local governments, churches, and schools, the group said.# (Raymund B. Villanueva)

Tribunal finds Marcos, Duterte, Biden ‘guilty’ of war crimes

The International People’s Tribunal (IPT) found President Ferdinand Marcos Jr., former president Rodrigo Duterte, the Government of the Philippines as well as President Joseph Biden and the Government of the United States of America (USA) guilty of war crimes in Philippines.

In an hour-long presentation of its verdict in Brussels, Belgium Saturday afternoon (local time), the IPT said the respondents are guilty of willfully killing civilians, intentionally directing attacks against civilians and property, as well as using indiscriminate means and methods of warfare that cause injury or unnecessary suffering.

Aside from causing widespread, long-term and severe damage to the natural environment, the Manila government’s military operations cause displacement of the civilian population, impede humanitarian aid, and commit acts or threats of violence and terror among civilians, the IPT said.

“These acts constitute serious violations of treaty and customary international law applicable in armed conflicts. In view of the foregoing factual and legal findings, the tribunal unanimously finds the defendants…guilty of all crimes and charges, including war crimes and violations of the International Humanitarian Law (IHL) alleged in the indictment,” the IPT’s panel of jurors declared.

The Tribunal added that the respondents are guilty of willful killing of New People’s Army (NPA) fighters already rendered hors d’combat (French for “unable to fight”). It also found them guilty of torture and other forms of cruel, degrading and inhuman treatment as well as “outrages against personal dignity and humiliating and degrading treatment and desecration of bodies of slain NPA fighters.”

In addition, the Philippine armed forces also “committed abduction and enforced disappearance, the arbitrary arrest and detention and deliberate attacks against civilians merely suspected of having links with a belligerent party, including the filing of trumped-up charges, red-tagging, terrorist labeling and designation, threats and harassments and intimidation,” the Tribunal said.

The jurors said the prosecutors proved with “clear, convincing, credible, consistent and relevant evidence” their allegations, leading to a unanimous verdict.

The Tribunal said it heard oral evidence from victims and families, expert witnesses and resource persons. It also read affidavits, letters, written statements, reports, publications, resolutions, and similar documents, as well as saw photographs and images, watched and heard audio-video recordings in the course of its two-day deliberations that started last Friday.

“[There were] 15 witnesses in the proceedings, eight in person and seven through video depositions, who delivered in clear and coherent manner. Eleven were victims, families or colleagues while four were experts or resources persons who testified on the context, nature and scale of IHL and human rights violations,” it said.

Policy and practice

The IPT cited the massacre of the Fausto family in Negros Island, the massacre of Tumandok tribespeople across Panay Island, and the killing and persecution of the Save Our School tribal school volunteers across Mindanao as examples of the “willful killing of civilians by GRP (Government of Republic of the Philippines) forces.”

READ:

  1. Mission reports AFP responsible for Fausto massacre, other killings
  2. Gov’t troops massacre 9 Tumandok in Panay
  3. ‘Chad Booc and 4 others were massacred’ – Save Our Schools Network

It said that the Armed Forces of the Philippines (AFP) uniformly claimed the victims were NPA fighters and planted evidence to bolster their canard.

The IPT also said that government air strikes and use of heavy ordnance in various places across the country were “indiscriminate.”

Many captured NPA fighters, including those already rendered hors d’combat have been summarily executed as a “matter of practice,” the jurors added, citing the cases of the five recently killed in Bilar, Bohol and of the 22-year old Jevilyn Cullamat

READ:

  1. Rep. Cullamat pays tribute to martyred daughter; condemns desecration of remains by gov’t soldiers
  2. NDFP peace consultant Randall Echanis murdered
  3. Group reports continuing surveillance on wounded journalist

“That these happened in various regions has rendered this as a matter of policy for state armed forces…The scale and frequency of these practices indicate they were deliberate and undertaken as a matter of policy by the GRP,” the jurors said.

The Tribunal also found the defendants guilty of “sustained nationwide attacks against individuals and organizations led by the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict through red-tagging campaigns and terrorist proscription.

Victims of such vilification campaigns often end up dead like NDFP peace consultant and peasant leader Randall Echanis, or permanently disabled such as paralegal and community journalist Beandon Lee, the jurors said.

The jurors also noted that there has been a steady rise of abduction and enforced disappearance under Marcos Jr. and his government, such as in the case of Jonila Castro and Jhed Tamano, as well as Dexter Capuyan and Gene Roz Jamil de Jesus last year.

The witnesses gave “astoundingly credible detail” of the systematic nature of the abductions,” the Tribunal said.

Witnesses to include former Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat whose daughter, slain NPA fighter Juvilyn, was desecrated by government soldiers. (IPT photo)

“The lack of genuine investigations into these cases and the impunity that characterize these cases all point to to the GRP as the author,” it said.

The Philippine government could not rely on its national laws to violate IHL and human rights, it said, also noting the lack of genuine police investigations or reports of violations, “even passing the blame on the victims.”

US equally guilty

The Tribunal said Biden and the US government are similarly guilty of the said war crimes and human rights violations.

It said the US places large resources at Manila government’s disposal, including USD1.14 billion worth of military equipment.

Presidents Marcos and Biden at the White House in 2023. (Malacanang photo)

The US is also building military facilities across the country and sends thousands of troops to train the AFP and participate in war games called the Balikatan, the Tribunal noted.

It added that the Philippine counter-insurgency strategy is adopted from US doctrine.

“The US is responsible for directing, training and operating the GRP…[playing an] indispensible role in the atrocities,” he tribunal said.

International jurors and prosecutors

IPT 2024 was presided by a panel of international jurors of lawyers, parliamentarians, professors, and a Bishop.

Julen Arzuaga Gumuzio is a Basque politician, writer and lawyer, member of the Euskal Herria Bildu coalition in the Basque Parliament since 2012. He is part of the European Association of Democratic Lawyers.

Lennox Hinds is founder of the National Conference of Black Lawyers and former counsel for the African National Congress. He currently teaches in the Criminal Justice Program at Rutgers University.

Suzanne Adely is a founder of the Middle East, North Africa Labor Solidarity Network in the United States. She is a long-time member of Al-Awda-NY, the National Lawyers Guild, and the Defend the Egyptian Revolution Committee of New York.

Joris Vercammen is a Belgian cleric and archbishop of the Old Catholic Church, active in the Netherlands. Vercammen was elected to the Central Committee of the World Council of Churches in 2006.

Séverine de Laveleye is a Belgian politician active for Ecolo. In 2018 she was elected as a municipal councilor of Vorst for Ecolo and was elected as as a member of the Belgian Chamber of Representatives in 2019.

The prosecutors meanwhile were Belgian human rights lawyer Jan Fermon and his German colleagueRoland Meister.

The jurors said copies of their verdict shall be sent to the Philippine Embassy in Brussels, the US Embassy in Brussels, the European External Action Service, the European Parliament, the International Criminal Court, the International Court of Justice, the United Nations (UN) Human Rights Council, the UN High Commission on Human Rights, the International Committee of the Red Cross/Crescent, the UN Secretary General, and the Permanent People’s Tribunal. # (Raymund B. Villanueva)

Int’l tribunal to try US, Duterte, Marcos Jr’s war crimes in the PH

An International People’s Tribunal (IPT) will be held in Europe on May 17 and 18, Friday and Saturday, to try allegations of war crimes in the Philippines by the United States of America and the Rodrigo Duterte and Ferdinand Marcos Jr. governments.

Co-convened by the Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) and the International Association of Democratic Lawyers (IADL), the IPT is a quasi-judicial forum to investigate and address alleged international humanitarian law violations in the Philippines.

The tribunal will examine violations of the Philippine government’s “means and methods of warfare and the objects and subjects of attack,” the convenors announced.

The violations include extrajudicial and summary killings of civilians and hors d’combat, desecration of remains of combatants, massacre of civilians and other forms of collective punishment, torture, enforced disappearances, mass arrests, indiscriminate firing, indiscriminate aerial bombing of communities and use of white phosphorus bombs, hamletting, (and) terrorist labeling, the IPT said.

The court will also investigate the use of repressive terror laws, assassination of civilians, attacks on schools, fake or forced surrenders, attacks against peace consultants and other forms of suppression, it added.

The complaints to be investigated at IPT 2024.

The IPT said it shall focus on war crimes under both Duterte and Marcos’s counter-insurgency operations patterned after the US National Security Strategy and the US “Counterinsurgency Guide.”

Although not a regular court and is independent from governments and inter-government institutions, the tribunal said it shall follow a structured legal process and the standards of due process and credible evidence.

“The proceedings aim to ensure a fair and impartial process by appointing a diverse panel of expert jurors and providing opportunity for the defendant/s to be heard,” it said.

“While the IPT’s findings are not legally binding, they contribute to the documentation of historical truths and shape international public opinion and could be a basis for future legal action,” the IPT added.

IPT 2018 vs. the Rodrigo Duterte government.

Precedent peoples’ tribunals

People’s tribunals take inspiration from the Russell Tribunal, also known as the International War Crimes Tribunal, which held two sessions in 1967 to expose the war crimes committed against the Vietnamese people.

It was organized by philosophers Bertrand Russell, Jean Paul Sartre, Simone de Beauvoir and other intellectuals.

This was succeeded by the Permanent Peoples’ Tribunal (PPT) that was founded in June 1979 in Italy by law experts, writers, and other intellectuals.

WHAT WENT BEFORE: Int’l tribunal on Duterte’s ‘gross violations’ underway in Belgium

IPT 2024 shall be the seventh on the Philippines stretching four decades:

  • October 30-November 1, 1980: In 1980, the Permanent Peoples’ Tribunal convened its First Session on the Philippines to hear the case against the dictator Ferdinand E. Marcos Sr., at the suite of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the Moro National Liberation Front (MNLF). It was the first international quasi-juridical body to condemn the US-sponsored Marcos dictatorship.
  • August 19, 2005: The series of peoples’ tribunals on the Philippines first took on an international character on August 19, 2005, in Quezon City, Philippines. The IPT 2005 delivered a guilty verdict against former president Gloria Macapagal-Arroyo for gross human rights violations against the Filipino People.
  • March 21-25, 2007: In recognition of the urgency of the appeal of the Initiating Group of Philippine Organizations, the PPT decided to convene the Second Session on the Philippines indicting the US-Backed Arroyo Regime for Human Rights violations, Economic Plunder and Transgression of the Filipino People’s Sovereignty on March 21-25, 2007, in the Hague, the Netherlands.
  • July 16-18, 2015: The IPT 2015 was held in Washington, D.C. to address crimes against the Filipino people by former president Benigno S. Aquino III and the US Government, as represented by then President Barack Obama. The IPT 2015 found that the Aquino regime, with support from the US through military intervention, economic and environmental exploitation, and imposition of neoliberal globalization, committed systematic violations of civil, political, economic, social and cultural rights of the Filipino people.
  • September 18-19, 2018: The IPT 2018 was held in Brussels, Belgium. The tribunal issued a verdict at its conclusion finding former president Rodrigo Duterte and then US president Donald Trump responsible for human rights violations against the people of the Philippines. Experts and victims of human rights violations presented testimonies on poverty, homelessness, the ‘drug war’, political repression, extrajudicial killings, the oppression of women and a range of other issues.
  • May 17-18, 2024: This year, the IPT will once again convene to hear the case of the Filipino people versus the US-backed counterrevolutionary war of the Duterte and Marcos regimes and their violations of International Humanitarian Law.

WHAT WENT BEFORE: Int’l tribunal finds Duterte ‘guilty’ of slaughter and other crimes

IPT 2018.

The IPT said it will be assisted by an international team of prosecutors and will involve the presentation of live and recorded testimonies from witnesses and victims, analyses and opinions by experts, and submission of sworn statements, studies, reports, and other documents.

A panel of jurors, consisting of legal experts and prominent human rights personalities, shall preside over the tribunal who shall be responsible for presenting a summary and preliminary verdict, it added. # (Raymund B. Villanueva)

Ang dalawang siga at ang dalawang tuta

Teksto at mga larawan ni Nuel M. Bacarra

Walang matibay na bakuran kapag naipit sa away ng dalawang naghuhurumentadong lasing sa kapangyarihan. Matatawag na wala sa katinuan na magpasaklolo sa isang matandang siga para lamang ipagtanggol ang iyong bakuran laban sa bagong nagsisiga-sigaan. Lalo namang isang kabaliwan na imbitahan at hayaan ang matandang siga na magtayo ng tambayan sa iyong bakuran at hayaang maghamon ng away.

Bukod pa rito, kapag gumala para maglasing ang matanda, nanganganib na magpaikut-ikot ito sa bakuran at gumawa ng kabulastugan, tulad ng panahon sa Fields Avenue sa may Clark at mga dating tambayan sa ‘Gapo.

Isa itong sinaryo sa kasalukuyan na buong-buong niyayakap ng kasalukuyang rehimen na ‘di alintana ang pagsandig sa imperyalistang kapangyarihan para sa seguridad.

Pakanang Pautang ng China

Sa unang biyahe sa Tsina noong 2016 bilang presidente ni Duterte, naglangis ito sa bagong siga sa pagsasabing, “Panahon na para magpaalam sa Washington.” Nakinabang ang gubyernong Duterte at nakipagkasundo kaugnay sa diumanong pagpapaunlad ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-utang at mga proyekto mula sa Tsina. Nakopo ng rehimeng Duterte ang $255 milyon para sa proyektong Kaliwa Dam at isang pang $62 milyong proyekto para naman sa Chico Dam. Dalawa ito sa 100 kontrata ng pautang ng Tsina sa iba pang bansa.

May katulad na ganitong kontrata rin ang Tsina sa Indonesia, Malaysia, Cambodia at Laos. Mas naging kontrobersyal lamang ito sa Pilipinas dahil sa mga probisyon ng Konstitusyon ng 1987 na nagbabawal ng mga ganitong tagibang na kontrata at dahil na rin sa mga aksyong protesta ng mamamayan na naglantad nito.

Hindi ito simpleng kasunduan para sa proyekto at utang sa Tsina. Buong katusuhang isiningit ng Tsina sa kasunduan ang bahagi ng dispute arbitration at kumpiskasyon ng pag-aari ng Pilipinas sa malayang pag-okupa sa ngayon ng Tsina sa ilang isla sa West Philippine Sea (WPS).

Sa arbitrasyon, anim katao (tatlo mula sa China at tatlo sa Pilipinas) ang magpupulong at magdidesisyon sa mga bagay na ‘di pinagkakasunduan. Subalit kapag may ‘di mapagkasunduan at laging tabla ang botohan ng anim, ang Tsina ay magdadagdag ng isa pa na tao na mula rin sa kanilang panig para sa basagin ang botohan. Tusong hakbang ito na dehado ang Pilipinas. At higit sa lahat, ang arbitrasyon ay gagawin sa Beijing, ang kabisera ng Tsina.

Ang patrimonyal na ari-arian sa konteksto ng kasunduan ay kumpiskasyon ng mga rekurso ng Pilipinas na nangyayari na sa mga lantad sa agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea. Sige-sige ang konstruksyon ng Tsina sa mga pasilidad sa Pilipinas maging sa saklaw ng exclusive economic zone ng bansa.

Ang konsepto ng patrimonyal na ari-arian ng Pilipinas kaugnay sa pautang para sa Chico Dam ay yaong mga ari-arian na hindi para sa pampublikong gamit, serbisyo publiko o pagpapaunlad ng yaman ng bansa. Kung kaya, pwedeng galawin ng China ang depositong gas sa Reed bank ng Pilipinas at iba pang yaman na saklaw ng WPS.

Hindi naman nakawala sa silo ng kontrol ng imperyalismong US ang Pilipinas na pinatunayan ng pag-endorso ni Duterte sa kasunduan sa seguridad ng AUKUS (Australia-United Kingdom-United States) at ang mismong pagpapalawak na mga ehersisyong militar ng US sa mga teritoryo. Ang AUKUS ay kasunduan na nagbigkis sa tatlong malalaking bansang ito para sa ambisyon ng Australia ng pagkakaroon ng submariong nukleyar. Kasunduan ito para palakasin ang teknolohiya gamit ang artificial intelligence. Magtutulak itong lalo para sa karerang nukleyar sa buong mundo sa pamamgitan ng aplikasyon ng teknolohiya ng artificial intelligence para sa digma.

Galaw ng US

Naibuslo nang higit ng US ang Pilipinas sa estratehikong plano nito sa buong rehiyong Indo-Pasipiko gamit ang naratibo ng banta ng Tsina. Binasbasan ng rehimeng Marcos Jr. ang ambisyong hegemonya ng US sa buong mundo sa pamamagitan ng todo-largang pagpapakatuta rito na maliwanag sa mga konstruksyon ng mga base militar sa bansa at ehersisyong Balikatan.

Nang maupo si Marcos Jr., naging siyam na ang base militar ng US sa bansa at naganap ang pinakamalaking ehersisyong militar ng Balikatan na diumano ay kakailanganin ng Pilipinas para sa depensa sa tabing ng diumanong panggigipit at panghihimasok ng Tsina sa WPS. Ang apat na bagong mga base militar ay nasa estratehikong lugar sa Hilagang Luzon na malapit sa Taiwan at sa Palawan na nakaharap mismo sa Tsina.

Masunod lamang ang programa ng Balikatan, isinakripisyo ng rehimeng Marcos ang kapakanan ng mamamayan sa mga lugar ng ehersisyo sa dagat ng pinagsamang tropang militar na Amerikano at Pilipino. Nagbaba ng patakaran na “no sail zone” ang bahagi ng WPS habang may war games tulad ng nangyari sa Zambales at mga probinsya ng Ilocos. Hindi nakalusong sa laot ang mga mangingisda, kaya apektado ang kanilang kabuhayan.

Batid rin ng US ang plano ng Tsina na magtayo ng mga base militar sa estratehikong lugar sa mundo kabilang ang Burma, Cuba, Pakistan, Sri Lanka, Tanzania, at Kiribati na malapit na rin sa Guam na teritoryo ng US.

Sa datos naman noong Hunyo 2023, mayroong mahigit 375,000 aktibong tropang militar ang US na nakapakat sa 66 na lugar sa buong mundo para diumano sa depensa. Noong Setyembre 2023, mayroong 53,246 tropa ng US sa Japan at 24,159 naman ang nasa South Korea, dalawang bansang nasa rehiyon ng Indo-Pasipiko.

Pagsandig sa dayuhan

Ang pag-asa ng rehimeng Marcos Jr. sa US ay palatandaan ng pagkatuta nito sa dayuhang kapangyarihan,partikular sa US. Wala itong kahiya-hiya na makipagkutsabahan sa US para lamang masabing may ginagawa ito patungkol sa agresibong postura ng China. At sa tulong ng propaganda ng US, ipinipinta ito sa mamamayan bilang isang pangangailangan dahil sa direktang pag-angkin ng Tsina sa ilang isla sa WPS at ng bantang pagsakop din China sa Taiwan.

Nakikita rin ang bangayan ng dalawang imperyalistang bansa sa lokal na bangayan sa pulitika sa pagitan ng mga Duterte na tinaguriang maka-Tsina sa isang banda at ng pangkating Marcos naman sa kabila na maka-US. Bagama’t ganito ang tila nagyayari, sa huli pareho silang tuta ng mga imperyalista.

Kailangang-kailangan ng US na makipaggera o manulsol ng gera dahil negosyo itong pagkakakitaan ng limpak-limpak na salapi. Bukod pa sa katotohanang ito, ang US at Tsina, ang mga pinakamalalaking mangungutang din sa buong mundo.

Noong Disyembre 2023, katumabas ng 34.2% ng utang sa buong mundo ay utang ng US na umaabot ng $33.22 trilyon habang ikalawa ang China na may $14.69 trilyon o 15.1% ng kabuuang utang sa daigdig. Tulak rin ito paglaki ng ginagastos ng dalawang bansa sa larangang militar. Ang US pa rin ang nangunguna rito, na mas malaki pa rin ang kabuuang gastos kumpara sa suma ng siyam na bansang nasa unang sampu.

Sa ganitong tunguhin, bilang malakolonyal at malapyudal na bansa ang Pilipinas, na walang kakayahang makidigma, masusumiksik ito sa poder ng US para sa proteksyon kapalit ng mga kundisyong ipapataw ng US sa bansa na tiyak na ang mamamayang Pilipino ang higit na papasan.

Ganito ang padron ng mga nagri-rigodon na mga rehimen sa bansa. Hindi nga kayang gapiin ng mga susun-susong “programa sa kontra-insurhensya” ang mga gerilya ng New People’s Army na gumagamit ng mga katutubong pamamaraan ng pakikidigma at mga ‘di gaanong sopistikadong armas, ang Tsina pa kaya?

Ang mga kasaysayan ng pananakop ng dayuhan sa Pilipinas ay kasaysayan ng paglaban ng mamamayan laban sa mananakop. Hindi maia-asa sa isang dayuhang kapagyarihan ang kaligtasan sa digma. Hindi ang pagkiling sa imperyalismong US laban sa Tsina o pagkiling sa imperyalistang Tsina kontra sa US. Lalaban ang mamamayan sa isang digmaang pinipili niyang ipagwagi hindi dahil sa pagkaladkad ng imperyalistang kapangyarihan at hindi sa pagpapakatuta ng rehimeng Marcos. #

Sa unahan ang lugar ng uring manggagawa laban sa imperyalismo

Ni Nuel M. Bacarra

Naranasan kong magpa-ampon sa piketlayn ng mga manggagawa noong 1987. Naantala ang padaláng pera sa akin at wala akong ibang masulingan kundi ang welga ng mga kababaihang manggagawa sa isang patahian sa may E. Rodriguez Ave. sa Quezon City. Tumulong ako sa mga nagwewelga na makahingi ng tulong sa taumbayan sa pamamagitan ng solisitasyon at pag-hawak ng collection box para sa mga dyip na dumaraan. Ang malilikom ay dagdag-panggastos sa gastusin sa piketlayn. Ilang araw din akong pabalik-balik doon. Nakikitulog at nakikikain na rin.

Naroon din palagi ang mga organisador na mga taga-komunidad ng kalapit na Barangay Damayang Lagi. Sa pakikipagtalakayan ng mga resident sa mga manggagawa, may ganito silang datos na inihapag: Sa pag-aaral sa isang paggawaan ng tela, ang sahod ng isang manggagawa sa loob ng walong oras na pagtatarabaho ay katumbas lamang ng isang hagod ng paggupit ng tela. Kaya ang mahigit pitong (7) oras at 58 minuto ng pagtatrabaho ng manggagawa, sa totoo, ay wala nang bayad at buong-buo nang tubo ito ng kapitalista.

Itong inhustisyang ito ang pilit inililihim ng mga kapitalista at mga nakikinabang sa ganitong pagsasamantala.  Ito rin ang buod ng usapin kumbakit marapat na magkaisa’t lumaban ang uring manggagawa.

Ang manggagawang Pilipino

Ang kilusang paggawa ay lumitaw noong huling bahagi ng ika-18 siglo at sa maagang bahagi ng ika-19 na siglo sa Europe, partikular sa United Kingdom sa panahon ng rebolusyong industriyal. Ang mga magsasaka sa agrikultura at mga manggagawa sa cottage industry ay dumanas ng dislokasyon dahil sa mekanisasyon at industriyalisasyon at nang ilipat ang mga paggawaan sa mga pook industriyal na dinumog ng mga nawalan ng trabaho para sa hanapbuhay at dahil pagdagsang ito, binarat din ang sahod. Kung nais nating mabasa sa isang malikhaing obra ang kanilang abang kalagayan, iminumungkahi ko ang nobelang “Tale of Two Cities” ni Charles Dickens.

Sa Pilipinas, ang ekspresyon ng kilusang paggawa ay hininang ng unang welga noong Mayo 1, 1903 sa pamumuno ng Union Obrera Democratica, ang kauna-unahang pederasyon ng mga manggagawa sa bansa. Maraming libong manggagawa ang dumalo sa rali ng Internasyunal na Araw ng Paggawa na nag-giit ng kagalingan para sa mga manggagawa, at dahilsaklot ang Pilipinas ng kolonyalismong Amerikano noon, doon na rin sila unang nanawagan ng “kamatayan sa imperyalismong US!”

Kung gayon, hindi bago, manapa’y istorikal, ang islogang ito ng mga manggagawang Pilipino. Isa rin ito sa mga nais ilihim ng mga tumutuligsa at maang-maangang nagtatanong kunwari kung bakit nagra-rali sa Embahada ng US ang mga manggagawa tuwing Mayo Uno.

Sa ating kapanahunan, ang mga Export Processing Zone (EPZ) sa bansa ang kongkretong ekspresyon ng dikta ng imperyalistang sa ekonomya sa bansa at salamin din ng pagpapaka-tuta ng diktadurang US-Marcos. Dalawang buwan matapos ang deklarasyon ng Batas Militar, inilabas ng diktador na si Marcos ang Presidential Decree No. 66 na kumandili sa mga dayuhang korporasyon para sa pagtatayo ng mga EPZ.

Para mailako ito sa mga dayuhan, ang mga korporasyon ay walang babayarang buwis sa lokal na gobyerno, wala ring taripa na ipapataw sa importasyon ng mga materyal para sa konstruksyon, walang buwis sa pagluluwas ng produkto; mababa ang sahod ng mga manggagawa (noon ay ₱24 sa maksimum kada araw sa pabrika ng Ford) at kailangang may mataas na kasanayan at higit sa lahat, bawal ang welga.

Hindi nagpatali rito ang uring manggagawa sa Bataan Export Processing Zone. Itinirik ng mahigit 10,000 manggagawa ang talong araw na welga noong Hunyo 1975 na direktang kumprontasyon sa diktaduryang Ferdinand Marcos Sr. Lumundo sa welga ang mga kilos protesta para tutulan ang pagtanggal sa 54 manggagawa ng InterAsia Container Industries, isang joint venture ng gobyerno sa korporasyon ng Mitsubishi.

Walang nagawa ang korporasyon, maging ang gobyerno. Para protektahan ang tubo ng mga korporasyon na milyong dolyar ang nalulugi kada araw dahil sa welga, bumigay sila sa makatarungang iginigiit na isyu ng mga manggagawa.

Noong Agosto 8 ng taong iyon, dalawang buwan matapos ang welga, naglabas ang gobyernong Marcos ng batas na bawal na ang mga pangkalahatang welga dahil diumano, sagka ito sa pambansang interes, Nagpakalat ng kwento na armado ang mga mangagawa at may planong magpasabog ng bomba at mga asasinasyon noong siya ay dumalaw sa kanyang mga tagasuporta sa Washington. Pagsapit ng Setyembre, halos 80 lider manggagawa ang inaresto kabilang si Felixberto Olalia.

Ang mga manggagawa at mga tauhan ng panunupil ng kanilang karapatan. (N. Bacarra/Kodao)

Ang laban sa imperyalismo

Malakolonyal at malayudal ang Pilipinas dahil nakakubabaw sa lahat ng aspeto ng lipunang Pilipino ang kontrol ng imperyalismo—sa ekonomya, pulitika, kultura at militar.

Sa kongkreto, ang imperyalismong US ang siyang pangunahing dahilan ng pagkabansot ng ekonomya ng bansa, ng pasimo ng estado at ng saligang suliranin ng sambayanan. Ang bangis ng pananalasa nito ay ginagampanan ng gobyerno bilang pinaka-maasahang galamay nito.

Ang mga laban kaugnay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at ang pagpapalayas sa mga base militar ng US sa Clark Air Base sa Pampanga at sa Subic Naval Base sa Olongapo ay mga kongretong tagumpay laban sa imperyalismong US.

Sa kasalukuyan, kinakaladkad ng US ang Pilipinas sa paghahamon ng gera sa China, gamit ang isyu ng mga kalabisang ginagawa ng huli sa West Philippine Sea (WPS) sa mga inaangking teritoryo nito. Litaw na litaw ang galaw ng imperyalismong US sa pamamagitan ng mga base militar nito sa bansa para gawing himpilan ng mga tropa nito at ng ginagawang mga ehersisyong militar na Balikatan. Magtatapos sa Mayo 9 ang pinakamalaking Balikatan na nilalahukan ng iba’t ibang bansa sa direksyon ng US.

Kung kaya, sa pangunguna rin ng mga manggagawa, kinukondena ng iba’t ibang sektor ang pagmamalabis ng China sa WPS sa ginagawa nitong pambobomba ng tubig sa mga Pilipinong Coast Guard. Noong Abril 9, kinalampag ng mga iba’t ibang sektor ang konsulado ng China sa Makati. Sinundan din ito ng porum sa UP Diliman na nagpapaliwanag sa pagkaipit ng Pilipinas sa girian ng dalawang imperyalistang bansa. Isinasangkalan ng US ang isyu ng diumanong napipintong paglusob ng China sa Taiwan na 376 kilometro lamang sa Batanes.

Malinaw ang tindig ng mga manggagawa laban sa kanilang mga kaaway sa uri. (N. Bacarra/Kodao)

Pagpapalakas muli ng gapos ng US sa Pilipinas

Mula nang maupo ang anak ng diktador na si Ferdinand R. Marcos Jr. sa poder, apat na base militar pa ng US ang inaprubahan nito para itayo sa estratehikong lugar sa Hilagang Luzon at sa Palawan sa ilalim ng kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement. Hinarap ito ng mga progresibong organisasyon sa pamamagitan ng mga kilos protesta. Kaya lalong nagiging agresibo ang galaw ng China sa WPS.

Kaalinsabay, pinapalutang muli ang pagbuhay sa BNPP sa tabing ng panganib ng pagbagsak ng mga planta ng kuryente sa bansa. Sakaling maging operasyunal ito, lilikha ito ng elementong plutonium na sangkap para sa paggawa ng mga armas nukleyar. Kung gayon, panibagong isyu itong magsasa-panganib sa taumbayan. Kung talagang nanganganib ang suplay ng kuryente ng bansa, dapat mamuhunan ang gobyerno sa mga sustenableng pagkukunan ng enerhiya. Ang Pilipinas ay ikalawa sa US sa pinakamalaki ang potensyal sa geothermal energy pero iilan ang ganitong planta sa bansa.

Ang mga dambuhalang imperyalistang kapangyarihang ito ay nagbabangayan dahil nais nilang pagkakitaan ang rekurso ng bansa para sa kanilang kapakinabangan, Sa adyenda ng US, malaking negosyo ang gera tulad ng proxy war nito sa Ukraine at Israel.

Kung binubuhay ng imperyalismong US ang usapin ng pagpaparami ng mga base militar nito sa bansa at ang plantang nukleyar, at sinasakop ng China ang bahagi ng exclusive economic zone natin, mas lalong dapat palakasin ng mga progresibong pwersa sa pamumuno ng uring manggagawa ang laban kontra sa imperyalismong US at China.

Ang mga uring manggagawa, kung gayon, ang may pinaka-mahabang memorya sa tunay na kasaysayan ng Pilipinas bilang tau-tauhan ng imperyalismo. At hindi lamang sa kanilang gunita nananatili ang kaalamang ito kundi buhay ito sa kanilang kolektibong pagkilos upang lagutin ang pinakamalaking dahilan ng kanilang kaapihan. Mula sa unang Mayo Uno sa Pilipinas noong 1903, kabayanihang tunay ang aking nasaksihang protesta sa Embahada ng US noong nakaraang Miyerkules. #