Posts

Trillanes: ICC receives Duterte video admitting to mass murder

The International Criminal Court (ICC) has acknowledged receipt of a video showing former President Rodrigo Duterte admitting funding a death squad, former Senator Antonio Trillanes IV announced.

“Na-acknowledge na po ng ICC ang pagtanggap ng video. Pakiramdam ko malapit nang makamit ang hustisya,” Trillanes said on his social media accounts Tuesday, October 17. (The ICC has acknowledged receiving the video. I feel justice is near.)

Trillanes said his group Magdalo has submitted to the ICC a video showing Duterte publicly admitting that he used confidential and intelligence funds to conduct extra-judicial killings (EJKs) on his constituents in Davao City when he was still a mayor.

In a 18-second clip of an interview Duterte gave to controversial cult leader Apollo Quiboloy over the SMNI channel last week, Duterte said, “Ang intelligence fund, binili ko, pinapatay ko lahat. Kaya ganoon ang Davao. Iyong mga kasama ninyo, pinatigok ko talaga. Iyon ang totoo.” (The intelligence fund, I bought (used) it, I had them all killed. That is why Davao is like that. Your colleagues, I really had them murdered. That is the truth.)

With his latest admission, Trillanes said the charges against Duterte “…is truly an open-and-shut case.”

In the video, Duterte was referring to his so-called Davao Death Squad when he was city mayor in 1988 to 1998, 2001 to 2010, and from 2013 to 2016.

Duterte ordered a similar nationwide killing spree through the Philippine National Police when he became president in 2016 that reportedly resulted in tens of thousands of deaths.

Various mass murder and crimes against humanity complaints by Trillanes’ Magdalo, the group of families of victims of Duterte’s drug war Rise Up for Life and For Rights and lawyer Jude Sabio have been filed before the ICC since 2017.

The ICC said its investigation cover EJKs committed by Duterte and his cohorts from November 2011 to March 16, 2019, a day before the Philippine government withdrew from ICC’s founding treaty, the Rome Statute.

The ICC has rejected various appeals submitted by the Philippine government to discard the complaints and is expected to issue a warrant of arrest against Duterte and fellow respondents such as former police chief and now Senator Ronald dela Rosa. 

Trillanes called on the government of Ferdinand Marcos Jr. to finally allow ICC investigators into the country, “…in order to make ex-president Rodrigo Duterte accountable for his crimes against humanity.” (Raymund B. Villanueva)

ITANONG MO KAY PROF: Duterte, ICC, NTF-ELCAC, SONA at Eleksyong 2022

Panayam ng Kodao Productions, sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo, kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa mga isyu ukol kay Pangulong Duterte, International Criminal Court (ICC), National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), State of the Nation Address (SONA), at Eleksyong 2022.

ITANONG MO KAY PROF

Duterte, ICC, NTF-ELCAC, SONA at Eleksyong 2022

July 12, 2021

Prof Sarah: Isang maganda at mapagpalayang araw sa lahat ng ating tagapakinig. Nagbabalik ang Itanong Mo Kay Prof!

Usap-usapan ang pagtakbo muli ni Duterte sa pusisyong Vice-President sa halalan 2022. Si Sara Duterte naman ang Presidente sa tambalang ito. Simula nang sumingaw ang ganitong usapan, napakaraming mamamayan ang nagugulat, nababahala, nagagalit, at marami-rami na rin ang mga kritiko mula sa oposisyon, kilusang progresibo, samahan ng mga abogado, periodista, educador, taong-simbahan at kabataan ang nagpahayag ng kritikal na suri rito.

Sabi nga ng mga kritiko, kapit-tuko si Duterte sa kapangyarihang ginamit lang naman niya para sa korapsyon, karahasan at sukdulang pagpapahamak sa ekonomiya at mamamayan sa gitna ng pandemya.

Makakasama natin muli si Professor Jose Maria Sison, Chairperson Emeritus ng ILPS at Chief Political Consultant ng NDF upang mapagusapan at masuri ang usaping ito at iba pang kaugnay na usapin katulad ng imbestigasyon ng International Criminal Court kay Duterte, ang Peace Talks at CASER, at ilan sa mga sikat na personahe na tatakbo bilang presidente sa 2022. Maalab na pagbati, Prof. Sison!

Prof Sison: Maalab na makabayan pagbati sa iyo Prof. Sarah Raymundo at sa lahat ng ating tagapakinig.

Mga Tanong

  1. Prof Sison, ano po ang masasabi ninyo sa pagtakbo raw ni Pangulong Duterte sa 2022 eleksyon bilang vice president? At may nauulinigan din na tatakbong presidente naman si Sara Duterte. Ano ang inyong opinion sa bagay na ito?

JMS: Garapal na kasakiman ng iisang pamilya na kandidatong presidente at bise president sina Sara Duterte at Rodrigo Duterte. Nais nilang magpanatili ng dinastiya. Dating pamantayan na sa isang partido ang nagtatambal na kandidato para sa tungkuling presidente at bise presidente ay galing sa magkaibang rehiyon. Ang dalawang sakim na Duterte ay galing sa iisang pamilya. Pambihira talaga. Naiilang pati ang mga alyado nila. Sabi nila political incest.

  • Hindi pa klaro kung sino sino nga ba ang tatakbong presidente sa 2022. Pero may nakapagsabi na tatakbo daw si Senator Manny Paquiao at Manila Mayor Isko Moreno. Ano ang inyong masasabi hinggil dito, Prof Sison? Sa tingin niyo ba may pag-asa ang mamamayan sa dalawang ito?

JMS: Malalakas ang dalawang posibleng kandidato na binanggit mo, sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao. Malayong matitinong lider ang dalawang ito kaysa sa mga Duterte.  Maasahan sila ng mga mamamayan. Mas malaki rin ang following nila kung ihambing sa following ng mga Duterte.  Imbento lamang ng mga bayarang poll survey firm at troll army ang umano’y mataas na popularity rating ng mga Duterte.

Dahil sa napakaraming krimen na gawa ni Duterte laban sa sambayanang Pilipino, kaunti  na lang ang sumusunod kay Digong Duterte. Itinuturing siyang traidor at bentador ng West Philipine Sea sa Tsina, berdugo at mamatay-tao, mandarambong at manggagantso. Pero kontrolado niya ang Comelec at bilangan ng boto sa halalan ng 2022.

  • Ang International Criminal Court (ICC) ay handa ng mag-imbestiga sa Pilipinas hinggil sa mga kinakaharap na kaso ng paglabag sa karapatang tao ni Duterte sa mamamayan. Inisnab ito ni Duterte. Sinasabing hindi naman na tayo kasapi ng ICC kaya walang dapat harapin sa kanila. Ano ang inyong paliwanag sa bagay na ito Prof Sison?

JMS: Maliwanag sa Tratado ng Roma na nagbuo ng International Criminal Court na saklaw pa rin nito ang mga krimeng gawa ni Duterte habang myembro pa ang Pilipinas sa tratado kahit na umalis pa ang Pilipinas sa tratado.  Isa pa, kahit na maging presidente ang anak niya at siya ay maging bise presidente at haharangin nila ang warrant of arrest, puedeng lagyan na ng ICC ng emcumbrance ang mga bank account at investments ni Duterte sa abroad para managot sa mga damage claims ng mga biktima.

Kung maging presidente at bise ang dalawang Duterte sa pamamagitan ng pandaraya tulad ng ginawa sa midterm elections noong 2019, tiyak na magkakagulo sa Pilipinas at  mapapatalsik sila mula sa kapangyarihan tulad ni Marcos noong 1986. Kung mapipigil nila ang posibilidad na ito, lulubha ang krisis sa ekonomiya at pulitika ng naghaharing sistema at lalagablab ang armadong rebolusyon ng sambayanang Pilipino hanggang maibagsak ang mga Duterte. Puede pang habulin si Duterte ng people’s court ng kilusang rebolusyonaryo kung mailagan nya ang ICC at justice system ng reaksyonaryong gobyerno.

  • Ang National Task Force – End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) ang nagpapatupad ng Executive Order 70. Grabe ang ginagawa nilang red tagging sa mga indibidwal at organisasyon. Kayo Prof Sison ay kasama rin sa nilalagyan ng sungay ng mga ito at ikinakalat inyong larawan hindi lamang sa Kamaynilaan kundi maging sa mga probinsya. Ano po ang inyong masasabi sa kanila?

JMS: Mga militarista at pasista, mga mamatay tao at mga magnanakaw ang nasa National Task Force-ELCAC.  Sila ang mga tunay na terorista.  Nagrered-tagging sila sa mga indibidwal at organisasyon na pumupuna at sumasalungat sa mga krimen ng rehimeng Duterte. Pagkatapos pinapatay at inaagawan ng ari-arian ang mga biktima ng red-tagging. 

Antemano bilyun-bilyung piso ang pondo ng task force. Pinagnanakawan ito ni Duterte at mga heneral niya sa ngalan ng surveillance, intelligence, psywar, arrest, combat operations at pakunwaring community development. Walang auditing. Yong red-tagging at murder operations ng task force ay para takutin ang masa, kontrolin ang takbo at resulta ng halalang 2022 at mangurakot ng pondo ng bayan.

  • Marami po ang nananawagan na buwagin ang NTF-ELCAC at ibaling na lamang ang bilyon bilyong pondo nito sa ayuda sa mamamayan. Sa kasalukuyan Prof Sison ay lugmok pa rin sa kahirapan ang marami nating kababayan. Marami ang walang trabaho, nawalan ng trabaho, nabawasan ang kita at nabaon sa utang. Ano ang inyong paliwanag sa bagay na ito, Prof Sison?

JMS: Dapat buwagin ang NTF-ELCAC at ibaling  ang bilyun-bilyong pondo nito sa ayuda sa mamamayan. Makatarungan na gamitin ang pondong ito para makaahon ang marami nating kababayan mula sa kahirapan na bunga ng krisis sa ekonomiya at pandemya.

Lantad ang katotohanan na marami ang walang trabaho, nawalan ng trabaho, nabawasan ang kita, nabaon sa utang at hindi makaagapay sa implasyon o pagtaas ng presyo ng mga batayang pangangailangan sa pagkain at iba pa. Sukdulang lumala at lumaganap ang kahirapan sa Pilipinas dahil sa patakarang neoliberal, korapsyon, militarisasyon at pagiging pabaya ni Duterte sa pandemya.

  • Malapit na ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte. Ito na po ang huling taon ng kanyang administrasyon. Sa limang taong nakalipas, may ilang natutuwa sa kanyang pamumuno pero mas marami ang nagagalit at humihingi ng hustisya sa maraming paglabag sa karapatang-tao, kawalan at kapos na ayuda sa panahon ng pandemya, kawalan ng subsidyo para sa mga magsasaka, kawalan ng hanapbuhay sa maraming kababayan at marami pang KAWALAN. Ano ang inyong masasabi sa nakalipas na limang taon ni Duterte, Prof Sison?

JMS: Sa pagiging presidente, maraming malalaking krimen na ginawa ni Duterte bilang traidor, tirano, mamamatay-tao, mandarambong at manggagantso.

a. Traidor siya at papet ng dalawang imperyalistang kapangyarihan. Hinahayaan niya ang US sa pagiging dominante pa rin sa ekonomiya, pulitika, militar at kultura sa Pilipinas dahil nagbibigay ng armas na panupil sa mga mamamayan. Bentador siya ng West Philippine Sea sa Tsina at kasabwat siya ng mga kriminal na Tsinong sindikato sa pagpuslit at pagkalat ng illegal na droga.

b. Nagkunwari si Duterte na laban siya sa illegal drugs at nag-utos sa pagpaslang ng higit sa 33,000 drug suspects. Pero ginawa niya itong paraan para maging supremo ng mga drug lord, kumita ng malaki, manakot sa publiko at gawing  kriminal, korap at pribadong utusan  ang mga pulis.

k. Nagkunwari rin siyang Kaliwa at sosyalista at nangakong palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal, magkaroon ng seryosong peace negotiations at sumunod sa people’s agenda. Pero hindi nagtagal lumitaw ang pakana niyang sirain ang peace negotiations para magpataw ng terorismo ng estado sa sambayanang Pilipino at magpanatili ng sarili sa kapangyarihan. Pananagutan ni Duterte ang pagpaslang ng maraming tao sa ngalan ng “counter-insurgency” o kontra-rebolusyon.

d. Isa pang dahilan kung bakit  sinira ng Duterte ang peace negotiations. Marahas na tutol siya sa tunay ng reporma sa lupa at pambansang industrialisasyon. Nang malapit nang malubos ang borador ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms, nagpahiwatig na ayaw na niyang matuloy ang peace negotiations. Pusakal na burukrata kapitalista si Duterte at aso siya talaga ng mga imperyalista,malalaking komprador at asendero.

e. Nangako si Duterte na puksain  ang korupsyon sa gobyerno. Lumitaw na siya pala ang pinakagarapal na mandarambong sa pondo ng bayan. At pinalaya pa niya ang mga alyado niyang mandarambong tulad nina Gloria Macapagal Arroyo, mga Marcos, mga Estrada, Enrile, Revilla  at iba pa at pinawalang-saysay ang mga kaso laban sa kanila. Mga kasuklam-suklam na  mga burukrata kapitalista sila lahat.

g. Nangako ng subsidyo sa mga magsasaka. Hindi niya tinupad ito at hinahayaan niyang binabarat  ng mga komersyante ang lokal  produkto sa agricultura at pinaluwagan niya ang pag-angkat ng bigas at asukal. Sinira ni Duterte ang kasarinlan ng Pilipinas sa pagkain.

h. Nangako na itigil niya  ang endo. Hindi niya tinupad ito. Pinipigil pa niya ang pagtaas ng minimum wage samantalang walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga batayang kalakal dahil sa TRAIN law at malaking pagbagsak ng ekonomya sa nakaraang dalawang taon. Dahil sa implasyon at bangkarote ang gobyerno muhing-muhi ang mga mamamayan kay Duterte.

i. Hinayaan ni Duterte na kumalat ang Covid-19 sa Pilipinas sa palagay na kikita siya sa mga Chinese casino at 500,000 na Chinese tourist.  Pagkatapos nangako ng mass testing, libreng panggagamot at ayuda sa mga tao. Hindi tinupad ang pangako at ibinulsa niya ang bilyun-bilyon na inilaan para sa ayuda at pagbili ng bakuna at PPE para sa mga front liner.

l. Dati nang pinalulundag ni Duterte ang utang ng Pilipinas dahil sa korupsyon at military overspending. Sabi pa niyang hindi mapigil ang korupsyon at ipinagmamalaki pa na pinalalamon niya ng pera ang mga heneral. Palaki nang palaki ang depisit sa badyet ng gobyerno at sa foreign trade. Magmula 2016, pinalundag ni Duterte ang utang ng Pilipinas mula 5.9 trillion pesos hanggang 10.9 trillion pesos. Sa huling taon, pinalundag niya ng 2 trillion persos ang utang sa ngalan ng pandemya.

m. Pananagutan ni Duterte ang malubhang krisis ngayon ng naghaharing sistema sa ekonomiya at sa pulitika. Makapal pa ang mukha niyang tumindig  na magiging tunay na kapangyarihan sa likuran ni Sara bilang papet niya. Parang hindi niya alam na sa susunod na taon lalong lulubha pa ang krisis at lalong babalikwas ang masang Pilipino.

  • Meron po ba kayong gustong iwan sa ating mga tagapakinig, Prof Sison.

JMS: Dapat ilantad at kondenahin ang mga mga krimen ni Duterte. Dapat tayong magalit sa mga krimen na ito at sa tiyak na gagawin niyang  pandaraya sa darating na eleksyon para manatili sa kapangyarihan at mahadlangan ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Gawin ng sambayanang Pilipino at mga makabayan at demokratikong pwersa ang lahat na magagawa para labanan at gapiin ang lahat ng pakana at kilos ng pangkating Duterte para manlinlang at manakot sa masa at manatili sa kapangyarihan.

Pag-isipan na rin kung ano ang dapat nating gawin sa 2022 at sa anim na taon na susunod sa halalan, para sa pagsusulong ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Prof Sison: Maraming salamat at paalam  sa inyo Sarah at sa lahat ng ating  tagapakinig.

Prof Sarah: Extro. Maraming-maraming salamat Prof. Sison para sa malaman at komprehensibong pagtalakay sa mga kasalanan sa mamamayan ni Duterte sa nakaraang limang taon. Nilinaw ni Prof Sison na walang silbi ang  pagtakbo ni Duterte, gayundin ng kanyang anak na si Sara Duterte, kundi ang matakasan ang mga kaso at krimen na patuloy na namemerwisyo sa mga mamamayan. Kaalinsabay ng pagnanais ng mga Duterte na paghariin ang impunity o ang kawalan ng pananagutan at kaparusahan para sa mga makapangyarihang gumagawa ng krimen laban sa mamamayan ay ang patuloy na pagkamal ng kita są pusisyon sa gubyerno.

Sinumang kumalaban sa kapangyarihan ni Duterte ay nararapat lamang na tahasang kondenahin at umagapay sa malawak na kilusan ng mamamayan na nagsasabing, Wakasan Na ang tiraniya sa bansa. Parusahan ang presidenteng kapit-tuko sa kapangyarihan.

Muling sumasainyo, ito po si  Sarah Raymundo, guro ng Unibersidad ng Pilipinas at aktibista ng Bagong Alyansang Makabayan. Tandaan po natin Ang pagpili ng maka-mamamayan at makabayang mga kandidato na matapang na tutunggali sa tiraniya ay nararapat lang sabayan ng bawat mamamayan ng pakikipagkaisa sa pagbubuo at pagpapalakas ng malawak na kilusang masana nagsasabing “Duterte, wakasan na!”

End

On the proposed ICC investigation on the mass killings in the Philippines:

“Crimes against humanity are crimes against all. No one is exempt or invincible, no matter how arrogant the omnipotence, the depth of impunity for brazen acts, and the deception of the pretense at remedies. This should be a wake up call to those who are fast asleep while thousands they have silenced are still in mourning.”

Atty. Edre U. Olalia, President, National Union of Peoples’ Lawyers

PH withdrawal from ICC to worsen impunity, groups say

By RONALYN V. OLEA
Bulatlat.com

MANILA — As the Philippines withdrawal from the International Criminal Court takes effect today, rights groups warned of escalating human rights abuses and further impunity.

Senatorial candidate and long-time human rights lawyer Neri Colmenares slammed President Rodrigo Duterte’s “self-serving” move. In his speech March 14 at the Integrated Bar of the Philippines (IBP), Colmenares said Duterte intends to evade accountability for his crimes against poor Filipinos.

The ICC has the jurisdiction to prosecute individuals for the crimes of genocide, crimes against humanity, war crimes, and crimes of aggression.

Duterte announced the country’s exit from the ICC after the tribunal started its preliminary examination of the charge of crimes against humanity filed against the President. Two complaints were filed against Duterte — one by Jude Sabio, lawyer of self-confessed Davao Death Squad member Edgar Matobato, and another by the National Union of Peoples’ Lawyers, counsel of families of victims of extrajudicial killings.

READ: Why kin of drug war victims charged Duterte for mass murder before ICC

Still, Colmenares explained that the withdrawal has no impact on the pending complaints filed against Duterte.

He cited Article 127 Rome Statute of the ICC stating that “a State shall not be discharged, by reason of its withdrawal, from the obligations arising from this Statute while it was a Party to the Statute.” The Rome Statute further states that a State’s withdrawal shall not affect any criminal investigations and proceedings which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective.”

Colmenares said the ICC has jurisdiction over Duterte because domestic laws provide the Philippine president immunity from suit.

For its part, human rights alliance Karapatan underscored Duterte’s “double-talk” with regard to the ICC.

“Duterte previously denied ordering extrajudicial killings, only to admit to it in several live telecast. He has also expressed willingness to subject himself to investigation under the ICC, but withdrew the country from the Rome Statute. This government has denied perpetrating human rights violations while persecuting human rights advocates and silencing the voices of victims and their kin who counter the State’s repeated denials,” Roneo Clamor, Karapatan deputy secretary general, said in a statement.

“The Duterte government is run by pathological liars and militarists who are corrupt to the core, able to subvert laws and mechanisms to evade accountability,” Clamor said.

In a separate statement, NUPL President Edre Olalia said that with the Philippines’ exit from the ICC, “victims will again be deprived of an alternative arena for redress.”

In lieu of the ICC, Olalia said other means of exacting accountability could be explored, such as the creation of a special tribunal sanctioned by the United Nations or through people’s tribunals. #