Posts

Black Friday Protest laban sa ‘dayaang Duterte Magic’ sa Halalan 2019

Isang Black Friday Protest ang isinagawa ng mga progresibong grupo para tutulan ang anila’y naganap na malawakang dayaan at karahasan noong eleksyon ng Mayo 13.

Ayon sa Youth Act Now Against Tyranny, hindi katanggap-tanggap sa kabataan ang resulta ng halalan kung kailan ang mga nominado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karamihan ng mga nananalo. Tiyak na maisusulong lamang ng mga ito ang mga pakana ng pangulo tulad ng ng pederalismo, ayon pa sa mga kabataan.

Para naman sa election watchdog na Kontra Daya, ang eleksyong 2019 ang isa sa pinakamalalang automated elections sa nakalipas na dekada, hindi lamang umano sa maraming pumalpak na vote counting machines, mga sirang sd cards at delay sa transmission ng resulta kundi automated na rin ang paraan ng pandaraya. Kontrolado ng Malacañang ang Commission on Elections sa anumang kahihinatnan ng bilangan, ayon sa grupo.

Itinuring ng Bagong Alyansang Makabayan na isa sa pinakamarumingsa kasaysayan ang naganap na halalan noong Mayo 13. Ginamit umano ng pamahalaan ang tinaguriang “Duterte Magic” para maghasik ng pandaraya, takot at karahasan sa mamamayan upang ipanalo ang mga kandidato nito lalo na sa Senado. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)

Protesta ng mga aktibista kontra sa malawakang pandaraya sa halalang 2019

Nagtungo sa Commission on Elections o COMELEC ang iba’t-ibang grupo para magprotesta kaugnay sa naganap na dayaan sa nakaraang eleksyon noong Mayo 13.

Ayon sa Bayan Muna, dapat ipaliwanag ng COMELEC kung bakit madaming pumalya at nagka-aberya na precint count optical scan o PCOS machine sa ibat-ibang presinto. Marami ring reklamo ng vote buying, pananakot at paninira laban sa mga progresibong partylist at kandidato.

Nais nila na managot ang COMELEC dahil sa kapalpakan nito sa pangangasiwa ng eleksyon. Hinayaan din umano nito na makapamayagpag ang administrasyon at magbuhos ng rekurso ng taumbayan para manalo lalo na sa Senado.

Nauna namang nagprotesta ang mga kabataan sa Philippine International Convention Center o PICC noong Mayo 13 dahil sa napaulat na paninira ng PNP sa mga progresibong partylist. Iniulat na namamahagi ng babasahin ang ilang pulis sa mga botante na laban sa mga nasabing partylist. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)

‘Just making people laugh’

“They are shallow. I was just trying to make people laugh. They should not listen to us if they don’t like it.” Candidate Ronald dela Rosa, reacting to condemnations on his statement “The fastest way to learn Kapampangan was to kiss Pampanga women on the lips” in a campaign sortie in Central Luzon last February.

Cartoon by Mark Suva/Kodao

On candidates’ honesty

“Walang isang kandidato diyan na hindi nagsisinungaling, kaya hindi dapat nagiging issue ang honesty ngayon.” (There is no single candidate who does not lie, so honesty should not be an issue now.)–Davao City Mayor Sara Duterte, defending her Hugpong ng Pagbabago (HNP) candidates accused of dishonesty and corruption.

(Cartoon by Mark Suva/Kodao)

Makabayan endorses Senate bets based on several unities

Inindorso ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o MAKABAYAN ang siyam na kandidato na lalahok sa halalan sa Mayo 2019. Ginanap ang aktibidad noong Marso 3 sa Quezon City Sports Club.

Bukod sa natatanging kandidato ng partido na si Atty. Neri Colmenares, inindorso nila sina Bam Aquino, Grace Poe at Nancy Binay. Kasama din sina Atty. Florin Hilbay, Atty. Chel Diokno, dating senador Serge Osmeña, dating Rep. Erin Tañada at Samira Gutoc.

Batay sa napagkaisahan sa MAKABAYAN, itataguyod ng mga kandidato ang mga sumusunod na plataporma:

1.Pagsuspinde o pagbasura ng probisyon sa excise tax ng TRAIN Law

2. Paglaban sa Charter Change at mga katulad na makasarili at kontra-Pilipinong amyenda sa Konstitusyon

3. Pagtaguyod ng karapatang pantao at due process para sa lahat 4. Pag-giit ng ating soberanya at karapatan sa West Philippine Sea

5. Pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines. (Bidyo ni: Maricon Montajes /Kodao)