Posts

Pagpapanagot sa DOH, giit sa National Heroes’ Day

Pinangunahan ng Health Alliance for Democracy at iba pang grupo ang protesta sa harapan ng Department of Health (DOH) sa Araw ng mga Bayani, Agosto 30.

Pangunahin nilang sigaw ay ang pagbibitiw ni DOH Secretary Francisco Duque III dahil sa palpak na pamamahala nito sa ahensya. Binatikos din nila ang maanomalyang pondong winaldas ng DOH na lumabas kamakailan sa ulat ng Commission on Audit ito ay sa gitna ng krisis sa Covid-19 na dinaranas ng mga health workers at mamamayan. (Bidyo ni Carlo Francisco/Kodao)

‘Para sa lahat ng nurse’

“Ang Filipino Nurses United (FNU) ay buong pusong nagpupugay sa lahat ng nurse sa iba’t ibang panig ng mundo ngayong International Nurses’ Day. Saludo kami sa inyong matapang at masigasig na paglilingkod sa mga mamamayang biktima ng COVID-19. Naniniwala ang FNU na responsibilad ng pamahalaan na tiyakin ang inyong kaligtasan bilang mga frontline health workers. Ang laban ng mga nurse para sa kanilang karapatang mabuhay ay laban ng sambayanang Pilipino.”

Maristela Abenojar, RN, MAN
National President, Filipino Nurses United

Jo Maline Mamangun