Posts

MAYAMOR*

By Tomas Talledo

 

You write poetry but who reads?

They who sends SMS “I luv U ga…mwah”?

They who sit at coffee shops blubbering inanities?

They who sex at the age of fourteen?

 

They’re Plato’s ilks who’ll banish poetry in our people’s republic.

 

You vividly paint the revolution but who stops to see?

The eyeless agents wobbling in graveyard shifts?

The dyslexiacs lost in labyrinth of wikipedia?

The somnambulists in flat cyberscreen?

 

They’re shards of broken mirror who can’t reflect the whole.

 

Still, you write and paint and sing of the coming wise-dom

Of enchanted forests, waterfalls and nourishing rain

Of communal dagsaw, drums and armalites

Of Tumandok people’s protracted war.

 

While we bury our eyes, guts and hearts at comfort zones of indifference.

 

Still, you write and paint and sing of communism

Of food, learning and spirited actions

Of binanog dances, healing and cultivation

that will surface in headwaters of Panay.

 

*A highest salute to painter-poet and companion martyrs in Antique

 

Tugon sa pamanang hamon

Alay kay Maya Daniel ng Antique 7

 

“we stand undaunted/to dark clouds/we fight and we get up/to see our bright day!”—Verse, Maya Daniel

 

Namamatay ang daigdig

Tuwing may pulang makatang pumapanaw

Tumitigil sa pag-inog, ang mundo’y

Hindi humihinga sansaglit.

 

Hindi dumadaloy ang mga ilog

Ang hangi’y hindi umiihip

Ang ulap ay ayaw lumipad

Ang dagat ay hindi dumadaluyong

Walang tumutubo sa lupa

Ang buhangin ay nalulusaw

Walang bulkang sumasabog

Ang mga bato’y nadudurog.

 

Samahan natin silang humimlay panandalian.

At sa gitna ng ating dalamhati…

 

Ating handugan ng awit ang martir

Bayaning aalayan ng bulaklak at berso

Pagpupugayan ng mga talumpati

At palakpakan ng mahaba’t masigabo.

Gawing balada ang pamanang sulatin

Ipatupad ang kanyang habilin

Sa paraang ito natin muling buhayin

Ang damdaming lugmok sa pighati.

 

‘Matapang na tumindig sa unos

Bangon! Lumaban! upang masilayan ang ating bukas.’

 

At tayong naiwan ay tutugon

Matapang na haharapin ang hamon

Atin muling painugin ang daigdig

Ipagpapatuloy ang rebolusyon.

 

                                                 –9:36 n.g.

                                                   16 Agosto 2018

                                                   Lungsod Quezon