Samak: Ang buhay ng nakikisaka
SA isang bansang ang karamihan ay maralitang magbubukid, marami ang palipat-lipat ng sakahan upang makisaka. Wala silang sariling lupa. Ang kanilang pangunahing puhunan ay ang kanilang lakas-paggawa, nagbabakasakali ng magandang ani. Tumatanggap lamang sila ng 10 hanggang 15 porsyentong bahagi ng ani. Sa maraming pagkakataong wala silang ani dahil sa kalamidad, patuloy pa rin silang nagbubungkal at umaasa.
Alamin ang buhay ng mga Samak, ang mga nakikisakang magbubukid. (Maigsing bidyo-dokumentaryo ni Amel Sabangan)