Posts

Gawa-gawang kaso’t dahas, kambal na mukha ng pasismo ng Estado

Ni Nuel M. Bacarra

Sa pag-igting ng pasismo sa bansa, kasabay na pinag-iibayo rin ng mga armadong pwersa ng Estado ang paggamit ng iba’t ibang porma at pamamaraan para higit na gipitin ang mamamayang lumalaban. Ang mga batas na dapat nagpoprotekta sa mamamayan ay ginagamit ng ilang opisyal ng pamahalaan sa pagpapatindi ng pandarahas, paninindak at panunupil para protektahan ang kaayusang kanilang pinakikinabangan. Mas marahas, mas mainam para sa kanila.

Nakasaad sa Artikulo II Seksyon 11 ng Konstitusyon ng Pilipinas sa ilalim ng titulong “Mga Patakaran ng Estado” na: “Pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.” Dagdag pa rito, mayroon nang batas kontra tortyur, ang R.A. 9745; batas sa sapilitang pagkawala o enforced disappearance (R.A. 10353) at R.A. 11862 o ang pinalawig na batas kontra sa human trafficking. Mayroon ding Magna Carta of Women, ang R.A. 9710. Mayroon pang nakasalang na panukala sa Senado na S.B. Blng. 2447 tungkol sa mga saligang karapatan at kalayaan ng mga tagapagtanggol sa mga karapatang pantao.

Kung ang mga batas na ito ay ilalapat sa mga kaso ng mahigit na 700 bilanggong pulitikal sa buong bansa, marami na sanang napalaya kabilang ang mga tagapayo ng rebolusyonaryong kilusan sa usapang pangkapayapaan; sina Frenchie Mae Cumpio at iba pang biktima ng modus na tanim-ebidensya at mga gawa-gawang kaso. Resolbado na rin sana ang kaso ng tinaguriang biktima ng “Bloody Sunday” sa Southern Tagalog kung saan siyam na aktibista ang pinatay at apat pa ang inaresto noong Marso 2021; at inilitaw na sana sina Dexter Capuyan at Bazoo de Jesus.

Iniikutan ng mga armadong pwersa ng Estado ang mga batas at ginagawang armas ito laban sa naghahangad ng panlipunang pagbabago.

Nais ng mga uhaw-sa-dugong pasista na walang pagkakontento sa pagpatay, pambobomba ng mga komunidad o sa simpleng panghuhuli o pagdukot, na maging karaniwang kaayusan ito sa lipunang Pilipino upang sindakin ang mga pwersang naghahangad ng pambansang kalayaan at demokrasya. Subalit sa kaso nina Jhed at Jonila na sinampahan ng gawa-gawang kaso, ito ay para isalba ang kahihiyan nila sa paggamit ng binaluktot na interpretasyon ng batas o pag-kriminalisa rito.

Nagpapatuloy na banta sa buhay

Nitong Pebrero 5, sa protesta ng mga progresibong tagapagtanggol ng karapatang pantao at kapaligiran, mga syentista at mga kabataan sa tanggapan ng Department of Justice at Korte Suprema sa Padre Faura, Manila, iginiit nila ang paggawad ng positibong desisyon sa isinampang writ of amparo at writ of habeas data nina Jonila Castro at Jhed Reiyana Tamano.

Ang petisyon para sa writ of amparo ay isang remedyo ng isang tao na ang karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad ay nalalabag o nanganganib dahil sa iligal na gawain o pagkaligta sa mga batas ng mga upisyal ng gubyerno o empleyado o pribadong entidad o mamamayan. Mabibilang dito ang ginagawang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), iligal na pagtugaygay at iba pa na nararanasan pa rin nina Jonila at Jhed sa kasalukuyan.

Ang writ of habeas data naman ay isang karapatang konstitusyunal ng mamamayan para iwasto ang maling datos ng gubyerno o pribadong institusyon hinggil sa pagkatao ng isang indibidwal. Sa ganitong usapin, tahasang sinasabi ng dalawang aktibista na hindi sila rebelde na sumuko sa militar tulad ng ibinibintang sa kanila para papaniwalain ang publiko at bigyang-katwiran ang pagdukot sa dalawa.

Ang tapang at paninindigan nina Jonila at Jhed na ilantad nang harap-harapan ang katotohanan ng pagdukot sa kanila ng militar sa Bataan noong Setyembre 2, 2023 ang nagsandal sa pader sa militar para palayain silang dalawa. Hindi na sila mabinbin pa o patagalin sa kustodiya ng militar dahil katakut-takot na kahihiyan ang aabutin nila mula sa sambayanan.

Dahil depensibo ang militar sa politika, nanatili ang panghaharas sa kanila. Sinampahan sina Jonila at Jhed ng kasong perjury o pagsisinungaling. Dahil wala naman talagang batayan ito at lalong nagpatibay sa testimonya ng pagdukot sa kanila, ibinasura ito ng korte. Panibagong kaso naman na grave oral defamation o malalang paninirang-puri ang planong isampa sa kanila dahil diumano ay ginamit ng dalawa ang press conference (na inisponsor ng NTF-ELCAC) para “siraan” ang militar.

Hindi na bago

Ganito na ang padron ng mga panghaharas ng militar sa tuwing ibabasura ng korte ang mga gawa-gawang kasong isinasampa nila laban sa mga aktibista o kung makadaragdag ito sa ibayong kahihiyan nila. Napakadali sa kanila ang gumawa ng kaso at magmanupaktura ng mga ebidensya para sindakin at pahirapan ang mga taong nagtataguyod ng katarungan at kapayapaan at ng mga naghahangad ng pagbabago sa lipunan.

Ang dating National Security Adviser na si Hermogenes Esperon mismo ang nagsampa ng kasong perjury noong Mayo 2019 laban sa sampung indibidwal. Ginawa ito matapos magsampa ng petisyon ng writ of amparo at habeas data sa Korte Suprema ang organisasyon ng KARAPATAN, GABRIELA at Rural Missionaries of the Philippines.

Noon lamang Enero 9, 2023 pinawalang-sala ng Metropolitan Trial Court Branch 138 ng Quezon City ang 10 indibidwal mula sa tatlong organisasyon.

Ang kasong ito ay isa lamang sa mga ligal na maniobra ng paggamit ng Estado sa mga batas para kahit paano ay mapigilan ang mga aktibista sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mamamayan at sa paglalantad ng kabulukan ng Estado.

Sa Timog Katagalugan, maliban sa mga kaso ng extra-judicial killings, 13 indibidwal din mula sa iba’t ibang progresibong organisasyon ang sinampahan ng mga gawa-gawang kaso. Talamak nang ginagamit ng estado laban sa lumalabang mamamayan ang batas kontra sa terorismo o ang R.A 11479 at di na iilang bilanggong pulitikal ang kinasuhan gamit ang batas na ito. Pero kung gaano kabangis ang batas na ito, tinutugon ito ng paglaban ng mamamayan.

Mga tagasuporta nina Jonila at Jhed na nag-protesta sa harapan ng Korte Suprema sa iniisip ng DOJ na pagsasampa sa dalawang biktima ng pagdukot ng kasong “paninirang puri.” (Larawang kuha ni N. Bacarra)

Lakas ng mamamayan

Ang pagdukot kina Jonila at Jhed at ang pagsisiwalat nila rito ay batid na malawak na mamamayan. Ang pagbubunyag ng katotohanan na ikinagalit ng mga pasistang galamay ng estado ay kaso ng “malubhang pagsisinungaling” laban sa kanila na naging katawa-tawa na. Umuuk-ok ito sa tiwala ng taumbayan sa armadong pwersa ng bansa.

Nakarating na ito sa Komisyon ng Karapatang Pantao ng United Nations at lubos na malalantad pa ito sa darating na mga buwan.

Malakas ang loob ng mga progresibong organisasyon at indibidwal dahil ang lakas nila ay nagmumula sa kanilang pagkakaisa at sa suporta ng taumbayan. Sina Jonila at Jhed ay larawan ng laban ng sambayanan. Anumang pag-alipusta sa kanilang karapatan at pagtatangka sa kanilang buhay ay may katapat na paglaban at sigaw ng lumalabang mamamayan. #

Groups accuse Marcos Jr. admin of having worse desaperacidos record than Duterte

An international group on human rights in the Philippines accused the Ferdinand Marcos Jr. administration of having a worse record on forcible disappearances than the previous Rodrigo Duterte government.

The International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) said the Marcos Jr. government continues the “brazen violation” of human rights carried by the previous regime as it called for the surfacing of two activists reportedly abducted in Gonzaga, Cagayan last May 16.

ICHRP said peasant and youth organizers Michael Cedrick Casaño and Patricia Nicole Cierva are alleged to have been abducted by the 501st Infantry Brigade of the Philippine Army and demanded their surfacing this week as the world marks International Week of the Disappeared.

“[ICHRP] demands an end to the reign of terror on political dissent, and calls for the immediate surfacing of all activists who have been forcibly disappeared by state forces,” ICHRP Chairperson Peter Murphy said.

Who are the victims?

Patricia Cierva was a former University of the Philippines-Manila leader and Kabataan Party chairperson for the National Capital Region in 2018. She conducted her Development Studies practicum in Cagayan in 2019 and went back to the province to assist farming communities.

Cedrick Casaño meanwhile is a former philosophy student at the Polytechnic University of the Philippines and is an active campaigner for the “Green Platform” in Cagayan against magnetite sand mining operations. Said operations were damaging the environment that would result to food insecurity and biodiversity loss, the ICHRP said.

Casaño and Cierva are reportedly the 9th and 10 victims of enforced disappearance under the Marcos Jr. administration.

Ninth and 10th Desaperacidos under Bongbong Marcos Patricia Cierva (left) and Cedrick Casaño.
(Northern Dispatch composite image)

ICHRP said the reported incidents of enforced disappearance are alarming and seem to be the trend under the Marcos Jr. government, citing two other Northern Luzon activists Gene Roz “Bazoo” de Jesus and Dexter Capuyan who also went missing since April 28 and last seen in Taytay, Rizal.

Local human rights organization Karapatan also lists Gabriela activists Ma. Elena Pampoza and Elgene Mungcal, National Democratic Front of the Philippines consultant Ariel Badiang, Negros peasant organizer Leonardo Sermona, Renel Delos Santos, Denald Laloy Mialen and Lyn Grace Martullinas as “desaperacidos” or abductees by state forces.

Ignoring its own laws

Karapatan in a statement marking International Week of the Disappeared said state forces ignore human rights laws such as Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act that has been enacted in 2012.

“Despite such a law, enforced disappearances have, in fact, emerged as a troubling hallmark of the Ferdinand Marcos Jr. regime, with a growing number of cases reported within a short span of time,” the group said.

In a mere 10-month period, there have been nine victims of enforced disappearances under the current regime, already constituting 45% of the Duterte regime’s six-year record of 20 cases. Five of the nine victims went missing in the month of April 2023, Karapatan said in its May 26 statement.

Casaño and Cervia bring the number of cases to 11 reported enforced disappearances, or 55% if compared to the Duterte administration’s total of 20.

Karapatan has documented 206 missing under Gloria Macapagal-Arroyo’s nine-year rule, 29 under the Benigno Aquino III regime and 20 under Duterte.

The website desaperacidos.org lists 1,600 forcibly disappeared under the president’s father Ferdinand Sr.’s dictatorship in the 1960s to the 1980s, “none of (whom) has ever been found.”

“Still another statistic identifies the Philippines as one of the 26 countries worldwide with the highest number of cases of enforced disappearances from 1980 to 2009, with as many as 780 documented instances, surpassing countries like Iran (532), Lebanon (320) and Honduras (207),” Karapatan added.

“The spate of Enforced Disappearances during this first 11 months of President Ferdinand Marcos Jr. is a full proof that the lives of Filipino community activists are at stake,” Murphy said.

ICHRP added that the Philippine Government refuses to ratify the International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance (ICPPED), one of the recommendations by several United Nations member states including Japan, France, Denmark, Italy and Brazil during the Universal Periodic Review in 2022 in Geneva Switzerland last November.

“The Philippine government must surface the disappeared, and ratify and comply with ICPPED”, Murphy said. # (Raymund B. Villanueva)

Groups denounce Sagay massacre, abduction of farmer organizer

Human rights advocates held a protest action in front of Camps Aguinaldo and Crame in Quezon City to denounce Saturday’s massacre in Hacienda Nene, Sagay City in Negros Occidental and the abduction of farmer-organizer Joey Flores Sr. in Nueva Ecija last week.

Nine farmers and farm workers, including 2 minors, were killed by suspected SCAA/CAFGU members of the 12th Infantry Battalion of the Philippine Army in the northern Negros island city.

The protesters said they suspect Armed Forces of the Philippines-backed paramilitary and goons carried out the brutal attack.

The protesters also assailed the abduction of Joey Torres Sr., Bayan Muna’s peasant organizer in Central Luzon last week they say was by the Philippine Army. (Video by Joseph Cuevas/Kodao)