Posts

‘Ang pagpapalaya kay Sanchez ay panggagahasa sa ating lahat’

Nakisama sa rali noong Biyernes sa Department of Justice sa Maynila ang mamamahayag na si Bum Tenorio. Ayon sa kanyang kwento, nakita niya dalawampu’t anim na taon na ang nakakaraan, ang bangkay ni Aileen Sarmenta noong natagpuan ito sa bayan ng Calauan, Laguna.

Panoorin ang bahagi ng talumpati ni Tenorio sa kilos protesta sa sinasabing posibleng pagpapalaya sa naggahasa at nagpapatay kay Sarmenta at hindi bababa sa tatlo pang biktima na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.