Posts

Mga pamilyang apektado ng demolisyon, wala pa ring nakukuhang aksyon

Sa kabila ng banta sa kalusugan ng mga mamamayan, nananatili pa rin sa labas at walang masilungan ang 107 mga pamilya sa Sampaloc, Manila.

“Sabi ng (gubyerno) pumasok sa bahay, saan kaming papasok na bahay? Dati may kubo kami, sinira lang nila, tas ngayon tinatanong namin, saan namin patutulugin ang mga bata?”, ani ni Benjie Subillano, isa sa mga nawalan ng tirahan dahil sa demolisyon.

Dinimolish ng pamahalaan, nitong nagdaang buwan, ang mga bahay sa gilid ng kalsada sa Barangay 432, Sampaloc, Manila. Ito ay sakop ng clearing operation na isinagawa sa lugar. Kahit nasa 217 na ang bilang ng mga nagpostibo sa COVID-19 sa bansa, wala pa ring nakukuhang aksyon ang mga biktima ng demolisyon.

Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao

Si Nanay Inday at ang mga kababaihan sa mga urban poor area

Ngayong buwan ng mga kababaihan, nagbigay ng pahayag si Estrelieta “Nanay Inday” Bagasbas, Vice Chair ng KADAMAY National at tagapangulo ng KADAMAY sa barangay San Roque, hinggil sa nararanasan ng mga kababaihan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa kanya, iba’t ibang mga pasakit at sakripisyo ang pinapasan ng mga kababaihan sa maralitang lunsod bunsod ng mga mapanupil na patakaran ng administrasyong Duterte.

Ilan sa mga ito ay ang demolisyon, pagtataboy sa kanilang mga kabuhayan, atbp.

Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao