‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap, isang katarantaduhan – Joel Lamangan
‘PELIKULANG KATARANTADUHAN!’ Ganito inilarawan ng batikang direktor na si Joel Lamangan ang pelikulang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap na nagsasalaysay sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa loob ng Malacañang bago tumakas patungong Hawaii noong kasagsagan ng EDSA People Power Revolution.
Sa katatapos lang na paglulunsad ng kampanyang #ML50, kung saan nagtipon-tipon ang ilang Martial Law survivors at mga progresibong grupo sa Quezon City Sports Club, sinabi ni Lamangan na malinaw ang intensyon ng pamilya Marcos sa pagbalik sa Malacañang: ito ay para takpan ang lahat ng katarantaduhang ginawa ng kanilang pamilya.
“Nag-uumpisa na sila. Gumawa sila ng pelikulang katarantaduhan…’Maid in Malacañang’ sa punto de vista ng pamilya bago sila sumakay ng eroplano papuntang Hawaii. The last 72 hours. Anong drama ‘yon? Drama ng pagtatakip para kaawaan ng tao [ang] pamilyang ‘yon,” dagdag ni Lamangan.