Posts

Sa palagay kong tunay na kriminal sa pagitan ng development worker at gubyerno

Ni Nuel M. Bacarra

Kung di pa ninyo napanood ang bidyo ng Kodao na [S]Ilaw, isa itong kwento ng karanasan sa Sityo Katablangan sa Apayao ng pagkakaraon ng kuryente mula sa isang micro-hydro power project sa pook ng mga katutubong Isneg. Isa itong pagsisikap ng komunidad sa tulong ng Sibol ng Agham at Teknolohiya o SIBAT, isang non-government organization (NGO).

Anim na taong itinayo ang 7.5 kilowatt na planta na unang nagamit noong 2022 at pinakikinabangan hanggang ngayon. Limampung piso (₱50.00) lamang ang bayad kada buwan ng mga nagpakabit ng kuryente sa kani-kanilang tahanan noong nagsimula ito. Napakamura kung gayon kumpara sa bayarin sa konsumo sa kuryente sa Kalakhang Maynila na pinatatakbo ng mga coal-fired power plant (na nagbubuga ng carbon dioxide na isa sa mga dahilan kung bakit nakararanas ngayon ang mundo ng masamang epekto ng climate change). Ito ang proyektong maka-kapaligiran dahil pinatatakbo ito sa pamamagitan ng tubig. Hindi na lamang Sityo Katablangan ang nakikinabang dito kundi maging ang mga kanugnog na sityo na ilang kilometro na ang layo rito.

Proyekto ito ng SIBAT na sa kabila ng 40 taong ng pagsisikap na makapag-serbisyo at tugunan ang pangangailangan ng mga maralitang komunidad ng mga pambansang minorya ay nahaharap ngayon sa taguring “terorista” at kinasuhan ng terrorism financing o paglabag sa Republic Act No. 10168 o Anti-Terrorism Financing and Prevention Act of 2012 (ATFPA).

“Krimen?”

Sa ilalim ng batas na ito, inihahanay ang mga NGO bilang banta sa seguridad at kailangang “kasuhan”. Walang pili ang batas na ito. Tagos na ito hanggang sa mga indibidwal kahit ₱5,000.00 lamang ang kanilang pera sa bangko.

Karaniwang pinagdidiskitahan ay ang mga development worker ng mga NGO. Kinasuhan ang mga taong simbahan mula sa Rural Missionaries of the Philippines at iba pa, may mga unyonista at kahit ang kagawad ng midya tulad ni Frenchie Mae Cumpio sa Leyte. Mayroong may-ari ng isang talyer na pinagpapakumpunihan ng mga sasakyang ginagamit ng Leyte Center for Development Enterprise, Inc. (LCDE) sa mga isinasagawang relief operation ang kinasuhan. Mayroon ding kinasuhan na nagsusuplay ng bigas sa isang NGO na siyang ginagamit para sa pamamahagi para sa mga nasalanta ng sakuna.

Ang mga NGO at istap nito ang siya ngayong target ng pagsasampa ng kasong terrorism financing. Pinapa-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) maging personal bank account ng mga development worker na siya ngayong paboritong i-redtag at ng pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso.

Ang Community Empowerment Resource Network, Inc. (CERNET) ay kinasuhan na mismo ng terrorism financing at direkta na itong iniuugnay sa New People’s Army. Dalawapu’t pitong indibidwal ang inakusahan dito. Kinasuhan na rin ang Citizens Disaster Response Center (CDRC) na matagal nang katuwang ng lokal na gubyerno para sa pagtugon sa mga sakuna.

Matinding pinag-iinitan ang Paghida-et sa Kauswagan Development Group (PDG) na 36 taon nang nagsiserbisyo sa Negros. Instrumento ang NGO na ito sa pagtulong sa 4,500 magsasaka na benepisyaryo ng reporma sa lupa sa humigit-kumulang na 2,000 ektarya. Katuwang ito ng lokal na gubyerno bilang bahagi ng city development council at municipal planning council sa ika-5 at ika-6 na distrito ng Negross Occidental.

Mula Northern Luzon hanggang Mindanao ay aktibong nagsiserbisyo ang SIBAT para maipalaganap ang lokal na teknolohiya para sa sustenableng pagkukunan ng kuryente. Tatlumpung komunidad na ang naserbisyuhan nito at may mga nakaplano pa.

Kung ginagawa ng gubyerno ang trabaho nito, di na kailangan ang partisipasyon ng mga NGO. Kung nararamdaman ng mamamayan ang bunga ng kanilang pinaghirapan o di kaya ay tinatamasa ang kaunlaran at di pumipila sa ayuda, wala sanang mga NGO o pribadong mga institusyon para maging katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay serbisyo sa mga tao.

Dapat pa nga ay magpasalamat ang gubyerno dahil nababawasan ang responsibilidad nila sa mamamayan. Hindi na kailangang dukutin pa si Elena Tejamo na Program Coordinator ng Farmers Development Center ng Central Visayas, o patayin pa si Atty. Ben Ramos na executive director ng PDG sa Negros noong 2018.

Hindi terorista ang mga development worker at mga NGO, lalo na yaong mga nanghihikayat sa kanilang mga partner na magkaisa’t mag-organisa para hindi sila habambuhay na nakasahod ang kamay sa ayuda.

Mga panawagan ng mga development worker na inaatake ng gobyerno. (Larawang kuha ni N. Bacarra/Kodao)

Pasistang Tugon

Ang umuusig sa mga NGO at mamamayang nagkakaisa ay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na pangunahing ahensya para sa red-tagging, ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of Justice, National Security Council, at  ang Palasyo mismo. Pinalalakas ng rehimeng Marcos ang makinaryang ito para usigin ang mga nagsusulong ng progresibong ideya ng pagpapalakas ng kapangyarihan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon.

Hindi lamang judicial harassment ang ibig sabihin nito. Nais nitong kitlin ang partisipasyon ng mamamayan sa mga aktibidad na nagpapatibay ng kanilang pagkakaisa at paglaban para igiit ang kanilang mga saligang karapatan.

Para patibayin ang pag-ugat ng pasismo sa bansa, ginagamit ng estado ang batas para supilin ang pamumuno ng progresibong sektor sa mamamayan. Ang pamumudmod ng ayuda sa masa ang ipinapain sa kanila para mangutang na loob sa gubyerno. Ito lamang ang nakikitang solusyon ng gubyerno sa kawalang kaunlaran at para mapigilan ang mabilis na pagkamulat ng masa sa lakas ng kanilang pagkakaisa. Subalit ang taal na layon nito ay inilalantad ng mabangis na mukha ng pasismo tulad ng pagpatay sa mga lider ng progresibong sektor, red-tagging at pagpapakulong sa mga binabansagang terorista.

Sa bisa ng Executive Order 33, na inilabas noong isang taon ng rehimeng Marcos Jr., pinagtibay ang pagtalima ng gubyerno ng Republika ng Pilipinas sa rekomendasyon ng Financial Action Task Force (FATF) na palakasin ang kampanya laban sa diumanong terorismo sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaso ng terrorism financing na pinaglaanan ng malaking badyet ng rehimen. Ang FATF ay konseptong pataw ng mga bansa sa G7.

Bagamat ng paggamit ng red-tagging ay hinusgahan ng Korte Suprema nitong Mayo 8 na banta sa buhay, kalayaan at seguridad, kibit-balikat lamang ang rehimeng Marcos Jr. Kung gayon, dapat singilin ang mga ahensyang ito at papanagutin ang mga promotor ng karahasan laban sa mamamayan at sa mga organisasyong nagtataguyod ng kapakanan ng mga maralita tulad ng mga inaakusahang NGO.

Kung sino ang may pananagutan sa kahirapan lang naman ang pag-uusapan.(Larawang kuha ni N. Bacarra/Kodao)

Tradisyon ng Paglaban

Anumang makinarya ang gamitin ng gubyerno para sa panunupil, lantad ang pagkatakot nito sa pagkakaisa ng mamamayan sa pamamagitan ng mga patakarang ipinapataw nito.

Matigas ang tindig ng rehimeng Marcos Jr. na di niya bubuwagin ang NTF-ELCAC kahit may desisyon na ang Korte Suprema na banta ito sa buhay ng mga bumabatikos at lumalabang organisasyon. Takot ito sa mamamayan subalit takot din itong mawala ang suporta ng imperyalistang amo nito. Pipiliin nitong ligisin ang karapatan ng mamamayang Pilipino kapalit ng basbas sa pulitika at ng pakinabang sa ekonomya mula sa pagpapakatuta nito sa imperyalismong US.

Wala itong gagalawin sa istrukturang sumusuhay sa pasismo ng bansa. Mas sasamantalahin nito ang ilang taon pang pananatili sa poder para makapagkamal pa ng yaman.

Sa dinaranas na paninikil sa mga NGO at sa kaakibat na epekto nito sa mga development worker, matibay ang paninidigan nila na ituloy ang paglilingkod sa mga komunidad at sa mamamayang nangangailangan ng kanilang lapat-sa-lupang paglilingkod. Patitingkarin ng paninidigang ito ang katotohanan ng kainutilan ng reaksyunaryong pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Nasa panig ng mga development worker at ng mga kinapapalooban nilang NGO ang lakas ng komunidad na minahal nila at magtatanggol sa kanila. Ipagtatagumpay nila ang laban dahil ito ang hinihingi ng kalagayan at magpapatuloy ang paglaban kasama ang mamamayan. #













































































































Ni Nuel M. Bacarra

 

 

Kung di pa ninyo napanood ang bidyo ng Kodao na [S]Ilaw,
isa itong kwento ng karanasan sa Sityo Katablangan sa Apayao ng pagkakaraon ng
kuryente mula sa isang micro-hydro power project sa pook ng mga
katutubong Isneg. Isa itong pagsisikap ng komunidad sa tulong ng Sibol ng Agham
at Teknolohiya o SIBAT, isang non-government organization (NGO).

 

Anim na taong itinayo ang 7.5 kilowatt na planta na
unang nagamit noong 2022 at pinakikinabangan hanggang ngayon. Limampung piso (50.00)
lamang ang bayad kada buwan ng mga nagpakabit ng kuryente sa kani-kanilang
tahanan noong nagsimula ito. Napakamura kung gayon kumpara sa bayarin sa
konsumo sa kuryente sa Kalakhang Maynila na pinatatakbo ng mga coal-fired
power plant
(na nagbubuga ng carbon dioxide na isa sa mga dahilan
kung bakit nakararanas ngayon ang mundo ng masamang epekto ng climate change). Ito ang proyektong
maka-kapaligiran dahil pinatatakbo ito sa pamamagitan ng tubig. Hindi na lamang
Sityo Katablangan ang nakikinabang dito kundi maging ang mga kanugnog na sityo
na ilang kilometro na ang layo rito.

 

Proyekto ito ng SIBAT na sa kabila ng 40 taong ng pagsisikap
na makapag-serbisyo at tugunan ang pangangailangan ng mga maralitang komunidad
ng mga pambansang minorya ay nahaharap ngayon sa taguring “terorista” at
kinasuhan ng terrorism financing o paglabag sa Republic Act No. 10168 o
Anti-Terrorism Financing and Prevention Act of 2012 (ATFPA).

 

“Krimen?”

 

Sa ilalim ng batas na ito, inihahanay ang mga NGO bilang
banta sa seguridad at kailangang “kasuhan”. Walang pili ang batas na ito. Tagos
na ito hanggang sa mga indibidwal kahit 5,000.00 lamang ang
kanilang pera sa bangko.

 

Karaniwang pinagdidiskitahan ay ang mga development
worker
ng mga NGO. Kinasuhan ang mga taong simbahan mula sa Rural
Missionaries of the Philippines at iba pa, may mga unyonista at kahit ang
kagawad ng midya tulad ni Frenchie Mae Cumpio sa Leyte. Mayroong may-ari ng
isang talyer na pinagpapakumpunihan ng mga sasakyang ginagamit ng Leyte Center
for Development Enterprise, Inc. (LCDE) sa mga isinasagawang relief
operation
ang kinasuhan. Mayroon ding kinasuhan na nagsusuplay ng bigas sa
isang NGO na siyang ginagamit para sa pamamahagi para sa mga nasalanta ng
sakuna.

 

Ang mga NGO at istap nito ang siya ngayong target ng
pagsasampa ng kasong terrorism financing. Pinapa-freeze ng
Anti-Money Laundering Council (AMLC) maging personal bank account ng mga
development worker na siya ngayong paboritong i-redtag at ng
pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso.

 

Ang Community Empowerment Resource Network, Inc. (CERNET) ay
kinasuhan na mismo ng terrorism financing at direkta na itong iniuugnay
sa New People’s Army. Dalawapu’t pitong indibidwal ang inakusahan dito.
Kinasuhan na rin ang Citizens Disaster Response Center (CDRC) na matagal nang
katuwang ng lokal na gubyerno para sa pagtugon sa mga sakuna.

 

Matinding pinag-iinitan ang Paghida-et sa Kauswagan
Development Group (PDG) na 36 taon nang nagsiserbisyo sa Negros. Instrumento
ang NGO na ito sa pagtulong sa 4,500 magsasaka na benepisyaryo ng reporma sa
lupa sa humigit-kumulang na 2,000 ektarya. Katuwang ito ng lokal na gubyerno
bilang bahagi ng city development council at municipal planning
council
sa ika-5 at ika-6 na distrito ng Negross Occidental.

 

Mula Northern Luzon hanggang Mindanao ay aktibong
nagsiserbisyo ang SIBAT para maipalaganap ang lokal na teknolohiya para sa
sustenableng pagkukunan ng kuryente. Tatlumpung komunidad na ang naserbisyuhan
nito at may mga nakaplano pa.

 

Kung ginagawa ng gubyerno ang trabaho nito, di na kailangan
ang partisipasyon ng mga NGO. Kung nararamdaman ng mamamayan ang bunga ng kanilang
pinaghirapan o di kaya ay tinatamasa ang kaunlaran at di pumipila sa ayuda,
wala sanang mga NGO o pribadong mga institusyon para maging katuwang ng
pamahalaan sa pagbibigay serbisyo sa mga tao.

 

Dapat pa nga ay magpasalamat ang gubyerno dahil nababawasan
ang responsibilidad nila sa mamamayan. Hindi na kailangang dukutin pa si Elena
Tejamo na Program Coordinator ng Farmers Development Center ng Central Visayas,
o patayin pa si Atty. Ben Ramos na executive director ng PDG sa Negros
noong 2018.

 

Hindi terorista ang mga development worker at mga
NGO, lalo na yaong mga nanghihikayat sa kanilang mga partner na magkaisa’t
mag-organisa para hindi sila habambuhay na nakasahod ang kamay sa ayuda.

 

Pasistang Tugon

 

Ang umuusig sa mga NGO at mamamayang nagkakaisa ay ang
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na
pangunahing ahensya para sa red-tagging, ang Armed Forces of the
Philippines, Philippine National Police, Department of Justice, National
Security Council, at  ang Palasyo mismo.
Pinalalakas ng rehimeng Marcos ang makinaryang ito para usigin ang mga
nagsusulong ng progresibong ideya ng pagpapalakas ng kapangyarihan ng mamamayan
sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon.

 

Hindi lamang judicial harassment ang ibig sabihin
nito. Nais nitong kitlin ang partisipasyon ng mamamayan sa mga aktibidad na
nagpapatibay ng kanilang pagkakaisa at paglaban para igiit ang kanilang mga
saligang karapatan.

 

Para patibayin ang pag-ugat ng pasismo sa bansa, ginagamit
ng estado ang batas para supilin ang pamumuno ng progresibong sektor sa
mamamayan. Ang pamumudmod ng ayuda sa masa ang ipinapain sa kanila para
mangutang na loob sa gubyerno. Ito lamang ang nakikitang solusyon ng gubyerno
sa kawalang kaunlaran at para mapigilan ang mabilis na pagkamulat ng masa sa
lakas ng kanilang pagkakaisa. Subalit ang taal na layon nito ay inilalantad ng
mabangis na mukha ng pasismo tulad ng pagpatay sa mga lider ng progresibong
sektor, red-tagging at pagpapakulong sa mga binabansagang terorista.

 

Sa bisa ng Executive Order 33, na inilabas noong isang taon
ng rehimeng Marcos Jr., pinagtibay ang pagtalima ng gubyerno ng Republika ng
Pilipinas sa rekomendasyon ng Financial Action Task Force (FATF) na palakasin
ang kampanya laban sa diumanong terorismo sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaso
ng terrorism financing na pinaglaanan ng malaking badyet ng rehimen. Ang
FATF ay konseptong pataw ng mga bansa sa G7.

 

Bagamat ng paggamit ng red-tagging ay hinusgahan ng
Korte Suprema nitong Mayo 8 na banta sa buhay, kalayaan at seguridad,
kibit-balikat lamang ang rehimeng Marcos Jr. Kung gayon, dapat singilin ang mga
ahensyang ito at papanagutin ang mga promotor ng karahasan laban sa mamamayan
at sa mga organisasyong nagtataguyod ng kapakanan ng mga maralita tulad ng mga
inaakusahang NGO.

 

Tradisyon ng Paglaban

 

Anumang makinarya ang gamitin ng gubyerno para sa panunupil,
lantad ang pagkatakot nito sa pagkakaisa ng mamamayan sa pamamagitan ng mga
patakarang ipinapataw nito.

 

Matigas ang tindig ng rehimeng Marcos Jr. na di niya
bubuwagin ang NTF-ELCAC kahit may desisyon na ang Korte Suprema na banta ito sa
buhay ng mga bumabatikos at lumalabang organisasyon. Takot ito sa mamamayan
subalit takot din itong mawala ang suporta ng imperyalistang amo nito. Pipiliin
nitong ligisin ang karapatan ng mamamayang Pilipino kapalit ng basbas sa
pulitika at ng pakinabang sa ekonomya mula sa pagpapakatuta nito sa
imperyalismong US.

 

Wala itong gagalawin sa istrukturang sumusuhay sa pasismo ng
bansa. Mas sasamantalahin nito ang ilang taon pang pananatili sa poder para
makapagkamal pa ng yaman.

 

Sa dinaranas na paninikil sa mga NGO at sa kaakibat na
epekto nito sa mga development worker, matibay ang paninidigan nila na
ituloy ang paglilingkod sa mga komunidad at sa mamamayang nangangailangan ng
kanilang lapat-sa-lupang paglilingkod. Patitingkarin ng paninidigang ito ang
katotohanan ng kainutilan ng reaksyunaryong pamahalaan sa pagtugon sa
pangangailangan ng mamamayan.

 

Nasa panig ng mga development worker at ng mga
kinapapalooban nilang NGO ang lakas ng komunidad na minahal nila at
magtatanggol sa kanila. Ipagtatagumpay nila laban dahil ito ang hinihingi ng
kalagayan at magpapatuloy ang paglaban kasama ang mamamayan. #