Posts

Kabataan, ipagpapatuloy ang laban na nasimulan noong martial law

Sa pagkilos ng mga kabataan sa harap ng Commission on Human Rights sa ika-48 anibersaryo ng martial law noong nakaraang Lunes, Setyembre 21, nagpahayag si Regina Tolentino, deputy secretary general ng College Editors Guild of the Philippines o CEGP, na nais ipagpatuloy ng mga kabataan ang pakikibaka noong panahon ng batas militar.

Ito aniya ay dahil walang pinag-kaiba ang kasalukuyang rehimen ni Pangulong Duterte sa panahon ni Marcos sa isyu ng karapatang pantao at usaping panlipunan.

Pahayag ng CEGP sa hatol na guilty kina Maria Ressa at Rey Santos Jr.

Nagbigay-pahayag si Anton Narciso, miyembro ng national secretariat ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), kaugnay sa hatol na guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 46 kina Rappler chief executive officer Maria Ressa at dating researcher/writer na si Rey Santos Jr.

Nahatulang nagkasala sina Ressa at Santos sa kasong cyberlibel na isinampa ng negosyante na si Wilfredo Keng. Marami ang nagulat na nagpatuloy ang paglilitis ng kaso samantalang ang artikulo ng Rappler ay nailimbag sa website nito apat na buwan bago naisabatas ang cyberliber law.