Mga pamilyang apektado ng demolisyon, wala pa ring nakukuhang aksyon
Sa kabila ng banta sa kalusugan ng mga mamamayan, nananatili pa rin sa labas at walang masilungan ang 107 mga pamilya sa Sampaloc, Manila.
“Sabi ng (gubyerno) pumasok sa bahay, saan kaming papasok na bahay? Dati may kubo kami, sinira lang nila, tas ngayon tinatanong namin, saan namin patutulugin ang mga bata?”, ani ni Benjie Subillano, isa sa mga nawalan ng tirahan dahil sa demolisyon.
Dinimolish ng pamahalaan, nitong nagdaang buwan, ang mga bahay sa gilid ng kalsada sa Barangay 432, Sampaloc, Manila. Ito ay sakop ng clearing operation na isinagawa sa lugar. Kahit nasa 217 na ang bilang ng mga nagpostibo sa COVID-19 sa bansa, wala pa ring nakukuhang aksyon ang mga biktima ng demolisyon.
Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao