Posts

Kabataan, ipagpapatuloy ang laban na nasimulan noong martial law

Sa pagkilos ng mga kabataan sa harap ng Commission on Human Rights sa ika-48 anibersaryo ng martial law noong nakaraang Lunes, Setyembre 21, nagpahayag si Regina Tolentino, deputy secretary general ng College Editors Guild of the Philippines o CEGP, na nais ipagpatuloy ng mga kabataan ang pakikibaka noong panahon ng batas militar.

Ito aniya ay dahil walang pinag-kaiba ang kasalukuyang rehimen ni Pangulong Duterte sa panahon ni Marcos sa isyu ng karapatang pantao at usaping panlipunan.