‘Ninakaw na sa atin ang lahat-lahat’
“Napakasaklap na sa bansang ito ang mismong paggamit ng sariling wika—pagsasalita, pagsusulat—ay isang anyo ng protesta. At ngayon, ipinagkakait na pati ang pag-aaral ng wika at ng yaman at hiwaga ng panitikan. Ninakaw na sa atin ang lahat-lahat.”
‘Pinapatay ang wikang Filipino’
“Ang desisyon ng Korte Suprema at CHED na patayin ang wikang Filipino sa kurso ng General Education ay walang iba kundi ang pagtalima sa neoliberalismong patakaran tulad ng globalisasyon at internationalization ng rehimeng Duterte. Bahagi ng labor export policy, ninanais nilang sanayin tayo sa lenggwahe ng mga makapangyarihang bansa upang epektibo taong makapag-lingkod sa kanila.”
Kung isasantabi ang wika
“Ang wika ay isang simbolo ng iyong matayog na pinanggagalingan. Kung ito ay isantabi natin, malamang wala tayong patutunguhan bilang mamamayan. Ipagbunyi, mahalin, yakapin, pagyamanin ang sariling atin.”
‘Unti-unti na tayong binubusalan’
“Sa wika at panitikang Filipino ay mas malayang naipapahayag natin ang ating mga puso at kaluluwa. Sa pagtanggal ng mga araling ito ay unti-unti nila tayong binubusalan.”
‘Ang gusto ng manlulupig’
“Ang wika ay hindi lang salita. Kamalayan din iyon at sensibilidad. Nasa panitikan at kasaysayan ang dangal ng bawat bayan. Sambayanang walang alam sa sarili? Iyon ang gusto ng manlulupig.”
Hinggil sa pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo
“Ang pagtanggal sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo ay isang palatandaan na nakakaligtaan nila na ang edukasyon ng mga Pilipino ay ibinatay sa edukasyon ng mga kolonyalistang Amerikano.”—Dr. Bienvenido Lumbera, chairperson emeritus, Concerned Artists of the Philippines/Pambansang Alagad ng Sining
No free tuition yet under Duterte, students say
Majority of University of the Philippines (UP) students will still be asked to pay matriculation fees despite the Rodrigo Duterte government’s announcement of an additional P8.3 billion funding to make tuition free in state universities and colleges (SUCs) next school year. This is according to CHED and the Department of Budget and Management’s (DBM) April […]