Posts

Ang kinang ng isang maikling tula ng pagmamahal sa litanya ng pang-aapi’t pagsasamantala

Ni Nuel M. Bacarra

How Do I Love Thee? (Sonnet 43)

By Elizabeth Barrett Browning

How do I love thee? Let me count the ways.

I love thee to the depth and breadth and height

My soul can reach, when feeling out of sight

For the ends of being and ideal grace.

I love thee to the level of every day’s

Most quiet need, by sun and candle-light.

I love thee freely, as men strive for right.

I love thee purely, as they turn from praise.

I love thee with the passion put to use

In my old griefs, and with my childhood’s faith.

I love thee with a love I seemed to lose

With my lost saints. I love thee with the breath,

Smiles, tears, of all my life; and, if God choose,

I shall but love thee better after death.

Ang unang linya ng sonetong How Do I Love Thee? (Sonnet 43) ni Elizabeth Barrett Browning ay ganito: “How do I love thee? Let me count the ways.” Ang sumunod na isang-dosenang linya ay pawang litanya ng pagmamahal sa kanyang irog. Hindi nakapag-tatakang popular pa rin ang tulang ito sa lahat ng mangingibig mahigit isa’t kalahating siglo na ang nakakaraan.

Mapalad ang mga iniibig. Sila ang taga-tanggap ng mabubuti’t magaganda sa mundo. Kabaligtaran naman kapag ang isang tao ang kinasusuklaman. Sambot niya ang lahat ng ngitngit, uyam, poot, at suklam, ito man ay karapat-dapat o hindi.

Ang kaso ng isang politiko at isang botante ay isang halimbawa. Sa panahon ng eleksiyon, tila isang pursigidong mangingibig ang isang kandidato sa panliligaw ng ating mga boto. Subalit ang pag-ibig ng isang nahalal ay nasusukat lamang kapag naluklok na siya sa pwesto.

Kung kaya, ihambing natin ngayon ang noong manliligaw na si Bongbong Marcos ngayong nabigyan siya ng pagkakataon kung paano niya patunayan ang kanyang mga pangako dalawang taon na ang nakakaraan.

1. Presyo ng bilihin

Bukod  sa ipinangakong gagawin kung manalo sa eleksyon, ang presyo ng bigas ay napako rin sa antas na pang-dalawang kainan na lamang tayo sa isang araw sa halip na tatlo. O baka nga may katulad ko rin noon na ang almusal ay mumog, kanin at itlog, minsan talong ang ulam sa tanghalian at tulog ang hapunan. At hindi na kailangang amyendahan pa ang Rice Liberalization Law. Ibasura na dapat ito antimano. Hubarin na ang maskara na hindi ito para sa mamamayan kundi pagpasok sa buslo ng neoliberal na patakaran ng pag-asa sa importasyon. Tiba-tiba rito ang mga kasabwat na importer at treyder ng gubyerno. Pero madali pa ring lusutan ito dahil halos tuwing Martes kada linggo ay may pataw na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo. Ito ang produktong kapag tumaas, bitbit din ang presyo halos ng pangunahing produkto. Magtatambol naman ang gubyerno ng pagbaba na ₱0.50 kada litro, Pero sa sunod na linggo, ₱1.25 naman ang itaas. At muling ipaghihiyawan na “regulated” na yan dahil may gera sa Ukraine at ngayon sa Israel kaya apektado ang suplay ng produktong petrolyo. May kasunod itong panghimagas na pagtaas ng singil ng Meralco.

2. Produkto ng magsasaka

Ramdam ng mamamayan ang pangunguna ng Pilipinas bilang pinakamalaking taga-angkat ng bigas sa buong mundo. Ito na ang patakaran kapalit ng dapat ay pagpapaunlad ng lokal na produksyon. May budget para sa irigasyon, pero walang tubig na dumadaloy sa mga palayan. Atrasado ng apat na taon ang ayuda mula sa Rice Farmers Financial Assistance o walang kundisyong tulong sa mga magsasaka mula sa execss tariff collection ng gubyerno. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ang ₱12.79 bilyon noong 2022 at ang para sa 2023 na halos ₱20 bilyon mula sa excess tariff revenue collection ay di pa naipamamahagi. Nauna pa rito ang pinagsamang halaga na halos ₱7.60 bilyon para sa 2020-21 na ‘di pa rin naibibigay. Ang sibuyas ay ₱15/kg sa bukid pero nasa merkado na halos ₱60 – ₱80 na. At ito ang modelo ng iba pang produkto ng mga magsasaka.

3. Sahod ng manggagawa’t kawani

Sa kabila ng pag-igting ng paggigiit ng manggagawa para sa taas-sahod o legislated wage increase, nakapakong maigi sa starvation level ito. Ang kailangang sahod ng isang manggagawa para mabuhay ay dapat nasa ₱1,208 para sa isang 5-kataong pamilya na malayo sa kasalukuyang pambansang abereyds na ₱441 kada araw, ayon sa Ibon Foundation. Sa National Capital Region (NCR), ang minimum na sahod ay ₱610. Kaya ang mga manggagawa ay nagiging kakumpetensya pa ng mga walang trabaho na dumidiskarte na rin para may dagdag kita. Ang huling pagtaas ng sahod sa NCR ay noong Hulyo 2023. Mayroong hinihilot sa Senado na ₱100 taas-sahod na nasa ikatlong pagbasa na pero may pasiklab ang mababang kapulungan na dalawang panukala para sa isang ₱150 at isa pang ₱350 para raw sa umento sa sahod. Tandaan, eleksyon na uli sa isang taon. Iginigiit naman ng mga organisadong karaniwang kawani ng gubyerno ang ₱33,000 na entry-level salary.

4. Charter Change

Bagamat may paghupa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang usapin ng ChaCha, hindi kailangang mabulaga ang taumbayan na maaaring ibuwelo muli ang pagratsada nito. (Lalo pa’t may bagong liderado sa Senado na pumalit sa dati na ibinunyag ang presyur mula sa mga kampon ni Marcos para palusutin sa mataas na kapulungan ang kasuklam-suklam na sayaw na ito.) Salik sa paghupang ito ang pagtutok ng mga pulitiko sa darating na eleksyon. Ang pagbago sa Konstitusyon kapag di nilabanan ng mamamayan ay magbubunsod sa bansa sa ibayong kontrol ng dayuhan sa mga aspetong panlipunan at iba pang probisyon na pawang pabor sa mga malaking burgesya komprador at panginoong maylupa. Ang nais isingit sa Konstitusyon ay ang linyang “Unless otherwise provided by law” na pagkapon sa konstitusyon. Iniinda, partikular ng konggreso, ang papalaking bilang ng mga protesta ng mga progresibong pwersa laban sa ChaCha dahil naisisiwalat nito ang kiling sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mga panukala ng pagbibigay 100% pag-aari ng lupa at negosyo sa larangan ng edukasyon, masmidya, yutilidad at iba pa.

5. Pambobomba sa komunidad

Noong 2018 sa panahon ni Duterte, sa bisa ng Memorandum Order 32 at E.O. 70, integrado na sa “kontra-insurhensyang” programa ng gubyerno ang pambobomba na ipinagpatuloy naman nang maupo si F. R. Marcos Jr. sa poder. Inutil ito sa layong pagparalisa sa operasyon ng New People’s Army o paggapi mismo dito dahil mas ang mga sibilyang komunidad ng mga magsasaka at pambansang minorya ang nabubulabog at biktima nito. Sa ulat ng Karapatan, sa unang taon ng rehimeng Marcos Jr., 23,391 indibidwal ang apektado ng pambobomba. Ginawa ito para diumano sa “kapayapaan at seguridad” at sa pambansang saklaw. Bawat pagbomba, tuliro ang mga komunidad at lalong nasasapanagnib ang kanilang buhay maging ang kabuhayan nila. Kontra ito sa internasyunal na makataong batas at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Malaking badyet rin ang winawaldas ng gubyerno para rito.

6. Pagpapanatili ng NTF-ELCAC

Kibit-balikat lang ang tugon ng rehimeng Marcos sa desisyon ng Korte Suprema na ang red-tagging ay banta sa buhay, kalayaan at seguridad. Patay-malisya ito sa mga kilos protesta na nananawagan na buwagin na ang NTF-ELCAC, ang ahensyang lugod na lugod sa panre-red tag na bumiktima na ng libu-libong buhay na pangunahin ay mga kritiko at aktibistang kritikal sa gubyerno. Malaki diumano ang papel ng ahensya sa pagpapalaya sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapasuko sa masang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan, na ayon sa tagapagsalita ng Philiippine Army, ay nasa “survival mode” na. Mula nang itayo ito, naging karaniwang tunguhin ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga konsultant sa usapang pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines at sa iba pa, pagdukot sa mga aktibista, huwad na pagpapasuko, at iba pa.  Ang testimonya ni Jonila Castro, isang tagapagtanggol ng kapaligiran na biktima ng pagdukot kasama ni Jhed Tamano, ay mga buhay na halimbawa ng kabulukan ng NTF-ELCAC na biktima. Si Castro ay isa sa mga delegado ng Pilipinas bilang saksi at para sa isiwalat ang kabuktutan ng ahensyang ito sa katatapos na International People’s Tribunal sa Belgium. Hinaharap ni Castro ngayon ang gawa-gawang kaso na ginagawa rin sa iba pang mga aktibistang target ng NTF-ELCAC.

7. Kabuhayan ng mga tsuper at opereytor

Masaker sa kabuhayan ang taguri ng mga drayber at opereytor sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Naobligang palawigin ang itinakdang palugit nito ng presidente mismo nang ilang ulit dahil na rin sa paglaban ng sektor at sa kawalang-kahandaan ng gubyerno matapos ang pitong taong implementasyon ng programa. Walang mahusay na koordinasyon ang mga ahensyang imbwelto dito kaya walang maiharap na matinong plano kaugnay ng rasyunalisasyon ng mga ruta at paano haharapin ang malawakang dislokasyon ng malaking bilang na mawawalan ng trabaho. Ibubulid sila ng gubyerno sa kawalang-trabaho at sa ibayong pagpapatibay ng kontrol ng dayuhan at malalaking burgesya kumprador na ang tunguhin ay pribatisasyon at korporatisasyon.

8. Demolisyon at kawalan ng social housing

Tuluy-tuloy ang demolisyon. Kapag may malaking negosyong itatayo sa isang lugar, asahan na ang mga demolisyon. Paboritong lugar ang Sityo San Roque sa Quezon City na aabot ng 20,000 pamilya, maging sa Beinte Reales sa Valenzuela,  sa Sugbo at sa Dabaw. Kaya sa mga ganito, bagay na bagay ang kasabihan na “huwag tutulug-tulog at baka magkasunog.” Aasa pa ba ang maralitang tagalunsod sa programang pabahay sa ilalim ng programang 4PH (Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program)? Pangako man o pangarap ang isang milyong pabahay sa mga maralita kada taon ng panunungkulan niya, na katulad rin lamang ito ng pangako na ₱20 kada kilo ng bigas. Nais niyang buhayin ang dating programa ng magulang niya na Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services o BLISS. Iwinagayway ni BBM ang proyekto sa Naic, Cavite at sa San Fernando, Pampanga. At malamang sa hindi, hanggang dito na lang ito uli. Tulad ng maralita sa lunsod na nangangarap ng kahit paano ay may masisilungang bahay, subalit mangangailangan ang gubyerno ng libu-libong ektarya ng lupaing publiko para rito. Ito ang panganib na idudulot din ng ChaCha ni Marcos. Kapag niratsada ito, goodbye pabahay dahil ang lupa ay aariin kundi man ng dayuhan, o ng tulad ng mga Villar. Hangga’t umiiral ang buktot na pamamahala sa gubyerno, korupsyon at ang dinastiya sa pulitika, suntok sa buwan ang proyektong pabahay.

9. Korupsyon at agawan ng pwesto sa gubyerno

Ito ay eksaktong kumbinasyon ng ekonomya at pulitika ng nasa poder. Negosyo ang pamamalakad sa gubyerno. Matapos mamuhunan para sa halalan, kukubra na ng tubo. Bida lagi ang korupsyon taun-taon at kibit-balikat lamang ang tugon sa trilyong pisong napupunta lamang sa korupsyon. Tama! Nakalista lamang sa ilalim ng korupsyon. Walang napapanagot. Dito rin maiuugnay ang bangayan sa pulitika ng “team unity” na halos isang taon pa lang ay “team hiwalayan” na at maging ang pagiging maka-China at maka-US ng mga Marcos. Isang taon pa lang, tila ramdam na kaagad ang paghahanda sa para sa eleksyon sa 2028. Ang agawan sa kapangyarihan ay laro ng agawan sa kaban ng bayan. Tama, maging ang nangyaring rigodon sa Senado kahapon lamang.

10. Pagka-tuta sa US

Ang ngalan ng ama at ng anak ay kapwa tuta ng US. Kailangan ng dagdag na base militar ng US, ensigida, dinagdagan ng apat pa. Ganito ang kongretong larawan ng isang relasyong tagibang na puro tango sa among imperyalista. Kapag sa kapritso ng US, etsa-pwera ang kapakanan ng mamamayan. Gera ang tunguhin ng galaw ng US kontra sa Tsina na ibinubugaw dahil pain ang Pilipinas bilang sabik na biktima. Tuloy ang paghahamon ng gera ng US sa Tsina sa pamamagitan ng serye ng mga Balikatan. Tuloy ang daloy ng mga angkat na produkto dahil ito ang nais ng amo. Palawakin at paigtingin pa ang ang mga malakihang kontra-mamamayang opensiba laban sa NPA dahil banta ito sa istabilidad ng imperyalistang pangingibabaw sa bansa. Baguhin ang Konstitusyon ng Pilipinas para maluwag na makapagpapasok ang US ng mga armas nukleyar saan man naisin nito sa bansa.

11. Palpak na tugon sa El Niño

Simula’t sapul, ang El Niño ay sinasalubong ng kainutilan ng gobyerno. Ang pinakasimpleng paraan na ginagawa ay ang pamumudmod ng ayuda na bagamat nakatutulong kahit paano, ginagawa ito ng mga pulitiko bilang puhunan sa pulitika. Hindi ito inihaharap bilang suliraning pangkapaligiran, walang alternatibo para harapin ang kakapusan ng pagkain at pagkalugi ng mga magsasaka. Todo-larga ang operasyon ng mga minahan, ng mga proyekto sa reklamasyon, habang walang mekanisasyon sa agrikultura o pagpapaunlad ng teknolohiya. Ang sistema ng pagmomonitor sa pinsala nito ang siya nang pinakamataas na antas ng pagharap sa problema.

Larawan ang makatang si Browning at ang politikong si Marcos Jr. ng dalawang mukha ng bagol—isang nagmamahal at isa namang walang malasakit sa nasasakupan. Kung anong kislap ng isa ay siya namang kalawang ng kabila. Ang pagmamahal ay may kaakibat na sakripisyo, kabutihang-loob at malasakit samantalang ang nangingibaw sa galit at pagkamuhi ay ibayong pagpapahirap, kapabayaan at pagiging makasarili. Ang una ay may kaakibat na suporta ng masa habang ang huli ay aani ng paglaban ng taumbayan dahil sa pang-aapi’t pagsasamantala. #

Public sector unions form alliance, demand salary increases from Marcos gov’t

Government workers groups are demanding from the Ferdinand Marcos Jr. administration an increase in their salaries, saying their current pay have been left way behind by current living wage estimates.

The country’s major public sector union federations met at the Senate building in Pasay City today, two days before International Labor Day, and formed a broad alliance to demand wage hikes “amid worsening economic plight due to high inflation rates.”

The public sector alliance is composed of theConfederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE), Alliance of Health Workers (AHW), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON), Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK), Philippine Independent Public Sector Employees Association (PIPSEA), Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFIs Inc. (KAMAGGFI) and the National Public Workers’ Congress (PUBLIK).

The groups said the Marcos Jr. administration is neglecting the welfare of low income government employees who form the backbone of public service and instead focuses on anti-Filipino schemes such as changing the 1987 Constitution.

“In the public sector, basic pay starts at P13,000 a month for national agencies, and P8,450 for Local Government Units in a sixth class municipality,” COURAGE national president Santiago Dasmariñas Jr. said.

Leaders of various public sector labor federations addressing members at the forum. (COURAGE photo)

PSLINK president Annie Enrique Geron meanwhile called on the Marcos administration to pass a new salary standardization law based on a P33,000 monthly minimum wage she said would equalize national and local government workers’ salaries.

“We hope that the Senate, which unanimously approved the (P100 daily) wake hike for private sector workers, will similarly show their support for and prioritize the passage of a new salary standardization law (SSL) for government workers as well,” said Geron.

The government’s fifth and last SSL, the measure that mandates wage increases for public sector workers, ended in 2023.

“We urge our legislators to immediately hold public hearings and deliberations on the proposed government wage hike bills and consult with the public sector union federations,” Geron said.

“We urge the Congress to use this opportunity to enact a fair salary standardization law that will alleviate the plight of thousands of our rank-and-file government employees trapped in poverty wages and address wage inequities in the public sector,” she added.

The public sector alliance said they will press for a national monthly minimum wage of P33,000 and the regularization of contractual employees in government.

They also urged the Marcos Jr. administration to cease its drive to change the Constitution, calling the move a sell-out to foreign economic interests.

The alliance held a brief rally outside the Senate building after the forum to press their demands. The rally was disrupted by Senate security guards however, demanding the employees take down their placards. # (Raymund B. Villanueva)

Ligalig ang hatid ng ChaCha sa kabataan-estudyante

Ni Nuel M. Bacarra

Marahil ay nakaramdam na ang halos lahat sa atin kung paano magutom sa iba’t ibang pagkakataon. Maaaring nangyari ito minsan sa loob ng isa, tatlo o anim na oras. Para sa isang estudyante, mahirap mag-memorya o unawain ang leksyon kapag gutom. Paano pa kaya kung palagian itong nararamdaman hindi lamang ng isang estudyante kundi ng buong pamilya at mga indibidwal sa mga maralitang komunidad, sa kanayunan, sa mga pabrika at upisina, sa mga eskwelahan?

Sa inilabas na datos ng World Bank para sa taong 2023, ika-66 ang Pilipinas sa 125 bansa sa buong mundo na nakararanas ng gutom. Kritikal ito sa pag-unlad ng mga kabataang mag-aaral bilang “pag-asa ng bayan.” Hindi makakaahon ang bansa nito dahil sa halip na bigyang solusyon, binigyan pa ito ng katwiran sa pamamagitan ng kwentadang inilabas mismo ng gubyerno noong nakaraang taon na sapat na diumano sa isang mamamayang Pilipino na magkaroon ng ₱79.00 (₱395.00 sa lima katao) sa isang araw para mabuhay o ₱12,030.00 sa isang buwan para sa buong pamilyang may limang myembro. Taliwas ito sa hinihingi ng mga organisadong manggagawa na suportado ng iba’t ibang sektor ng lipunan na ₱1,193.00 na nakabubuhay na sahod sa isang araw para sa isang lima-kataong pamilya.

Sa ganitong pamantayan, lalong nalalantad ang pamahalaan na wala itong malasakit sa kapakanan ng sambayanan at bagkus ay nakatuon sa pagraratsada ng pagbabago ng Konstitusyon o charter change (ChaCha) upang ibayong manatili ang mga dinastiya sa poder.

Tulak ng paglaban

Tingnan na lamang natin ang matagal na kalagayan sa edukasyon.

Naisabatas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTE) o RA 10931 noong 2017 dahil na rin sa kilusang masa at pagpupursige ng mga kabataang-estudyante. Ito ang batas na nag-institusyunalisa ng libreng matrikula at ng eksemsyon sa iba pang bayarin ng mga estudyante sa pampublikong pamantasan at kolehiyo sa buong bansa.

Bago umupo si dating senador Ralph Recto bilang Kalihim sa Pinansya ng gubyernong Marcos Jr., may panukala si dating Secretary Benjamin E. Diokno ng departamentong ito na kailangang repasuhin ang batas na ito dahil hindi ito kayang isustine at diumano, ay pag-aaksaya lamang ito ng pondo ng gubyerno. Si Diokno rin ang budget secretary ng gubyernong Duterte nang isabatas ang batas na ito.

Hindi lamang matrikula ang malaking problema ng mga estudyante, partikular sa kolehiyo. Ang pang-araw-araw na gastos tulad ng pamasahe, pagkain, bayad sa boarding house, proyekto sa paaralan at iba pa ay mga gastusin na kaakibat ng pagpasok sa mga pampublikong paaralan o pribado man.

Noong taong panuruan o academic year 2023-24, 35.15% (may talang pagbaba sa 2022-23 na 40.98%) ng mga estudyante ang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo. Ang datos na ito ang isinangkalan para bawasan ang badyet para sa libreng edukasyon sa Kongreso. Sa halip na irepaso ang batas na ito, dapat pa ngang dagdagan ang pondo para rito. At sa huli, ang 113 na mga kolehiyo at pamantasan ng estado ay pinaglaanan ng ₱128.2B ng Konggreso, mas malaki nang ₱27.3B dagdag na badyet kaysa noong isang taon.

Ang krisis sa sistema ng edukasyon ay di nakaangkla sa pondong inilalaan ng gubyerno para lutasin ito. Kung magkaganoon, marapat lutasin muna ang malalang pamamayagpag ng katiwalian at korupsyon sa pamahalaan na sa ulat ng Commision on Audit, taun-taon halos ay 20% ng pambansang badyet ang napupunta sa korupsyon. Kung kukwentahin sa badyet noong 2023 aabot ito ng ₱1.04T. Nariyan rin ang mas malalaking badyet sa pagbabayad ng utang na aabot sa ₱670.5B at sa depensa na ₱282.7B (mas malaki nang ₱50.2B kumpara noong 2023).

Si Kabataan Rep. Raoul Manuel (pinaka-kanan) sa kilos protesta sa harap ng CHED.

Ratsada ChaCha

Sa talumpati ni Representative Raoul Manuel ng Kabataan Partylist noong Marso 22 sa rali sa harap ng pambansang tanggapan ng Commission on Higher Eduction, sinabi niya, “Mas magiging de-kalidad raw ang edukasyon sa Pilipinas kapag ibinukas iyan sa mga banyaga. Una sa lahat, bakit natin iaasa sa mga dayuhan ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon? Ang numero unong may trabaho niyan, hindi  ba ang gubyerno?”

Ganito niya hinamon ang mga kabataang kasama niya sa rali sa kahabaan ng C.P. Garcia Avenue. At saka niya idinagdag: “Ang punto natin, hangga’t ang gubyerno ay nakakiling sa pagnenegosyo sa edukasyon, lalong palalalain ng charter change ang rate ng matrikula sa mga pribadong paaralan.”

Nasa panganib ng paglamon ng mga dayuhan ang buong sistema ng pampublikong edukasyon sa bansa sakaling maisalaksak sa mamamayan ang pagbago ng konstitusyon. Isasapribado ang mga kolehiyo at pamantansang publiko at kung gayon ay lalong lalala ang bilang ng mga di makatatapos ng kurso o mas malamang pa nga, hindi makatutuntong ng kolehiyo ang karamihan ng kabataan.

Sa kasalukuyan may mga nakaambang pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan, pinakamalaki ang sampung porsyentong pagtaas sa St. Paul University; 6% sa University of the East, Ateneo at Lyceum; habang 5% naman sa  De La Salle at National University. Ang mga kabataang-estudyante sa  Polytechnic University of the Philippines ay sige-sige ang protesta sa kinatatakutang pagsasa-pribado ng paaralan.

Sasagasaan tiyak ito ng ekonomikong probisyong babaguhin sa saligang batas. Sa ilalim ng  Konstitusyon ng 1987 nakasaad na kailangang protektahan at itaguyod ng gubyerno ang karapatan ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon at kung gayon ay gawin ang nararapat na mga hakbang upang maging abot-kaya ang edukasyon sa lahat ng Pilipino.

Ani Elle Buntag, pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students: “Nagiging rubber stamp ang CHED ng mga ganid sa tubo na mga nagnenegosyo sa mga pamantasan. Hindi na baleng may mga estudyante na hindi na kayaning makapag-aral dahil sa tuition fee increase.” Sinabi niya ito sa rali sa harap ng opisina ng CHED.

Inutil ang CHED sa kapritso ng mga pribadong paaralan sa usapin ng pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Dagdag pa ni Buntag: “Ang sagot ni Marcos Jr. sa sistematikong problema na idinadaing natin, walang iba kundi ang ibenta ang mga paaralan natin sa dayuhan sa pamamagitan ng charter change.”

Ang panawagan ng mga mag-aaral kaugnay ng charter change.

Saan ang dulo?

Ang ekonomikong probisyon na inilatag ng Kongreso sa pamamagitan ng Resolution of Both Houses 7 at pinagtibay sa ikatlo at huling pagdinig nitong Marso 20 ay nakatuon sa pribatisasyon ng pampublikong institusyong pang-edukasyon, yutilidad (serbisyo) at advertising. Hindi garantiya ang pagsasapribado ng mga pampublikong paaralan sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon o ni katiting na bahagdan ng buong ekonomya. Isasapribado ang yutilidad gaya ng pampublikong transportasyon, sistema ng serbisyo ng tubig at kuryente pero aasa at aasa pa rin ang bansa sa padala ng mga manggagawa sa ibayong dagat para pagulungin ang ekonomya. Sa sitwasyong ito ng pagbago ng konstitusyon, dadami at dadami pa ang mga Pilipinong maghahanap ng trabaho sa ibang ibansa na may relatibong mas malaking kita dahil na rin sa kawalan at kakulangan ng trabaho sa ating sariling bansa.

Tuso ang konggreso sa pagsisingit ng pariralang “unless provided by law” sa ilang probisyong babaguhin sa konstitusyon. Ang ibig sabihin lamang nito ay gagawa lamang ng batas ang konggreso para ikutan ang konstitusyon at balewalain ito.

Hindi sapat ang pagkakaroon ng mas malaking foreign direct investment (FDI) para umunlad ang Pilipinas gaya ng pagtingin ng mga tagpagtaguyod ng ChaCha. Noong 1970s at 1980s kung saan pinalakas ng South Korea at Taiwan ang proteksyunismo sa kanilang bansa, mas malaki ang FDI na pumasok sa Pilipinas kaysa sa dalawang bansang ito pero nakapagsarili sila at naging mga bagong nag-industriyalisang bansa.

Ang ikinababahala ng mga estudyante sa pagbago ng konstitusyon ay ang lalong pagkalubog sa kontrol ng dayuhan hindi lamang sa mga paaralan o sistema ng edukasyon kundi ng buong bansa. Kung kontralado ng dayuhan ang sistema ng edukasyon, ang kultura ng pagiging makabansa o makabayan ay buburahin sa kaisipan ng kabataan. Hindi pa nga naisasapribado ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa, may sarili nang palo ang rehimeng Marcos Jr. na baluktutin ang kasaysayan sa pamamagitan ng “pagpapabango” sa imahe ng pamilya niya na kinilala sa buong mundo bilang isang pasistang diktador at mandarambong.

Walang maaasahang kaunlaran sa ChaCha. Sa ngayon pa lamang ay inutil ang gubyerno sa kawalang kontrol  sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na wala namang kaakibat na pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at empleyado. Hindi kaunlaran ang dulot nito kundi ang malinaw na pagbibigay-luho sa dayuhan para dambungin ang bansa. Malinaw na ang pagbubukas sa dayuhan ng syento porsyentong pag-aari ng lupain, at negosyo sa eskwelahan at serbisyo publiko ay langis lamang na magpapadulas para sa pagpapakatuta ng mga nanunugkulan sa gubyerno at ng mahabang panahon sa poder. #

SERYE BABAE: Agenda ng kababaihan, iniindak kontra ChaCha

Ni Nuel M. Bacarra

Naging makulay ang kahabaan ng España sa Maynila sa paggunita ng Internasyunal na Araw ng Kababaihang Anakpawis noong nakaraang Biyernes, Marso 8. Naging dominante sa araw na ito ang kulay rosas at lila na kasuotan ng iba’t ibang grupo ng kababaihan mula sa iba’t iba ring sektor ng lipunan. Makukulay rin maging ang mga istrimer at plakard na nagpapahayag ng kanilang mga panawagan at kahingian.

Nagsimula silang magtipon bago mag-alas otso ng umaga. Habang hinihintay ang mga kasamahan nila, panay na ang kuhanan ng litrato. Matamang inaayos ang trak na gagamiting entablado sa programa at may mga nag-eensayo na ng mga talumpati.

Nang sinimulan ang programa, okupado na ng mga raliyista ang halos kalahati ng kalsada sa direksyon patungong Quiapo o ang papuntang timog na bahagi. Sa kanto ng España at kalye dela Fuente ang unang programa na bagaman maikli ay naglinaw na antimano ng kanilang mga usaping nais nilang patampukin sa paggunita ng Internasyunal na Araw ng Kababaihang Anakpawis: kabuhayan, karapatan, kasarinlan, hindi charter change.

Ang martsa ng kababaihan sa Maynila noong Marso 8, 2024. (Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Isyu ng bayan

Hindi alintana maging ng nakatatanda ang pusikit na init ng araw na nakipag-sabayan sa mga manggagawa at empleyado at nakababatang estudyante at kabataan sa hanay ng mga demonstrador. At bakit nga ba hindi? Kaisa ang kanilang tinig pagdating sa usapin ng paggigiit ng umento sa sahod. Ang ₱610 kada araw na sahod ng mga manggagawa ay kulang ng halos ₱520 upang matugunan ang kabuuang pangangailangan ng isang lima-kataong pamilya sa isang araw. Ang nakabubuhay na sahod ay malabong ibigay ng rehimeng Marcos Jr. na ang tingin ay nakatuon sa pagratsada ng Charter Change o ChaCha.

Ang kawalan ng pagtataas ng sahod ay higit na mas mahirap sa kababaihan na kalahati ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na siyang may pasan ng usapin ng pagbababadyet para sa buong pamilya. Kaya giit nila na sa halip na baguhin ang konstitusyon, dapat asikasuhin ang tumitinding suliranin ng mababang sahod, kawalang-trabaho at kahirapan. Marami ang nasasadlak sa mga impormal na trabaho ng pag-raket sa online selling at iba pa para lamang maka-agapay kahit paano sa mataas na presyo ng mga bilihin o makipagsapalaran sa ibang bansa kahit iwanan ang pamilya.

Ang panawagan ng kababaihan sa Internasyunal na Araw ng Kababaihang Anakpawis. (Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Hindi nararamdaman ng mamamayan ang serbisyo publiko na dapat ay pangunahing tungkulin ng gubyerno. Kinakaharap nila buwan-buwan ang mataas na bayarin sa kuryente, tubig, pamasahe at iba pa. Bawal ang pagkakasakit.

Malaking usapin sa kababaihang magbubukid at sa buong pamilya nila ang kawalan at kakulangan sa lupa para makaagapay sa pag-abandona ng gubyerno sa pagpapaunlad ng lokal na produksyon na lalo pinalala ng kontra-insurhensiyang programa ng pamahalaan sa kanayunan. Buo-buong komunidad ang dumaranas kapwa ang mga magsasaka at pambansang minorya ng pagtataboy sa kanila sa kanilang lupain dahil sa mga operasyon ng mamalaking pagmimina, plantasyon at iba pang proyektong pang-imprastruktura ng gubyerno mismo.

Tawag ng paglaban

Ang mga usaping ito ay hindi simpleng hinihingi sa kinauukulan. Nakikibaka ang kababaihang anakpawis dahil ang sistemang malakolonyal at malapyudal ay isang sistemang dapat baguhin sa pamamagitan ng pakikibaka kasama ng iba’t ibang sektor ng lipunan laluna hindi sa pamamagitan ng pagbago ng saligang batas. Marami nang naging martir na kababaihan dahil sa pakikibaka. Sa kasalukuyan nga ay 20.5% ng 799 na mga bilanggong pulitikal sa buong bansa ay mga babae na marami ay may mga sakit at matatanda na rin.

Mula España hanggang Morayta, ipinakita nila ang pagkakaisa at isinisigaw ang kanilang mga kahingian. Nagsisayaw ang kani-kanilang mga lider masa sa saliw ng tugtog na kontra-ChaCha. Ngunit ang Morayta ay hindi España. Maluwag ang kalsada sa mapayapang pagmamartsa nila sa kahabaan ng España. Pagtuntong sa Morayta, ang init ng pakikibaka ay tumindi dahil sa nakabalandra na ang ilang suson ng kapulisan sa parehong pakpak ng daan patungong Mendiola.

Ang mga kababaihang matapang na humarap sa mga naghaharang na pulis. (Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Pakiusapan. Tulakan. Negosasyon. Subalit ang hangganan ay iginuhit ng malalaking trak para hindi na makaabante ang mga demonstrador. Bagamat ganito, itinuloy ng mga mga demonstrador ang programa na may sangkap na mga kultural na pagtatanghal. Bawat tagapagsalita ay naglilinaw ng mga isyung kinakaharap ng sektor at ng buong samabayanan at ang mga dahilan kung bakit kailangang tutulan ang niraratsadang pagbago ng konstitusyon.

Tumining ang tindig ng kababaihan kontra-ChaCha. Naging malinaw ang mga dahilan bakit nais itong isalaksak sa mamamayan. Ang mga diumanong pang-ekonomyang probisyong nais na maging bahagi ng konstitusyon ay dikta ng dayuhan. Ibubuyangyang nang lalo ang likas na yaman ng bansa at ang buong kalupaan sa neoliberal na imperyalistang imposisyon at maniobra na siyang adyenda ng dayuhan sa pagbago ng konstitusyon. Pero ang ekstensyon ng termino ng mga pulitiko kabilang na ang mga nasa tuktok ng kapangyarihang pampulitika ay maaaring ilusot sa pamamagitan ng pandaraya, manipulasyon at pagbubuhos ng pondo para sa higit na panlilinlang.

Kinatigan ng Konggreso ang opinyon ng election lawyer na si Atty. Romulo Makalintal na ang pagsasabay ng plebesito sa mid-term election sa 2025 ay ‘di-konstitusyunal dahil ang pagbago ng konstitusyon ay dapat idaan sa isang plebisito at hindi sa isang eleksyon batay na rin sa naunang desisyon ng Korte Suprema.

Batid ito ng kababaihan at nakakasa sila para muli’t muling labanan ang anumang hakbang ng Kongreso na siyang matigas ang pusisyon para sa ChaCha.

Ang pagkilos ay idineklara nilang tagumpay at muli nilang paghahandaan ang mga serye pa ng laban para sa kinbabukasan ng bansa. Handa ang kababaihan sa mga hamon ng pakikibaka at sasayaw silang muli sa bawat tagumpay na likha ng kanilang pakikibaka para sa mamamayang Pilipino. #

Youth group: No future under Marcos cha-cha

By Maujerie Ann Miranda

An anti charter change (cha-cha) alliance urged fellow youth and students to oppose ongoing moves by the Ferdinand Marcos Jr. government to change the country’s constitution, saying proposed amendments to the country’s charter shall result in robbing them of a bright future.

The Movement Against Charter Change Youth Alliance (MATCHA) said among proposed changes that will severely impact the youth are plans to approve total foreign ownership of educational institutions that are feared to hamper quality education and intensify campus repression.

“Gusto natin ng nationalist, scientific and mass-oriented education. Hindi natin ‘yun makakamit under Marcos, lalo na ‘pag naipasa ‘yung cha-cha,” MATCHA convenor and Philippine Collegian journalist Gie Rodelas said in an interview.

“Commercialized na ‘yung education natin at ‘pag pumasok pa ‘yung foreign ownership, lalo lang mapa-privatize ‘yung educational institutions,” Rodelas added.

The convenor explained that 100% foreign ownership of educational institutions will lead to regular tuition increase as well as constriction of academic freedom due to business considerations.

Launched last month, MATCHA is composed of student councils, campus publications and student organizations as founding members.

MATCHA declared it is a multi-sectoral youth alliance against the government’s “deceptive, anti-Filipino and self-serving efforts for charter change.”

After weeks of silence amid bickering members of both houses of Congress, President Ferdinand Marcos Jr. finally came out in support of moves to change the country’s charter, ostensibly its economic provisions to allow for greater foreign ownership of business, including education.

MATCHA however said it will not be farfetched to assume that legislators moving to change the constitution would also lift term limits of elected officials, including the president.

“We don’t want Marcos to extend his power. Ngayon pa lang na two years pa lang tayo under Marcos, ramdam na natin yung repression [at] hindi naman umuunlad ang Pilipinas,” Rodelas said.

Rodelas encouraged the Filipino youth and student organizations to join MATCHA, announcing academic freedom and other education campaigns alongside opposition to charter change.

MATCHA noted the Marcoses have a history of changing constitutions to extend their term of office.

In 1972, the late dictator and the current president’s father Ferdinand Marcos Sr. declared Martial Law and created a new constitution, extending his term to a total of 21 years before being ousted in a popular uprising in 1986. #

KWENTUHAN SA BARBERYA: Paano makatitipid sa ‘di kinakailangang ChaCha?

Ni Nuel M. Bacarra

Unang linggo ng Pebrero ako nagpagupit sa barberyang malapit sa amin. Apat lamang kami noon doon—‘yung barbero, ‘yung ginugupitan, ako at ‘yung isa pang parukyanong naghihintay din. Bagamat dalawa ang silya, isa lamang ang barbero noon.

Nakatutuwa lamang pakinggan ang palitan ng kuru-kuro ng barbero at ng isa pang parukyanong katabi ko. Kapag nagsasalita si Manong Barbero, tumitigil siya sa paggugupit para harapin ang kausap. Kaya medyo tumatagal ang gupitan. Minabuti kong pakinggan ang palitan ng ideya tungkol sa sala-salabat na isyu ng bansa: sa tigil-pasada ng mga tsuper laban sa nakaambang Public Utility Vehicle Modenization Program o PUVMP, presyo ng kalabasa at bigas, at iba pa. Nagtuluy-tuloy ang talakayan lalo na nang matapos gupitan ni Manong barbero ang nauna at pumalit ang katalakayan niya.

Nang mabanggit ang tigil-pasada, naalala ko lang ang dating anunsyo ni Presidente Marcos Jr. na wala nang ekstensyon ang palugit na itinakda sa katapusan ng Enero para sa pagpapatigil ng mga pampasaherong dyipni para pumasada. Subalit dahil sa paglaban ng masang tsuper, pamilya nila at mga mananakay na sumuporta sa kanila, pinalawig din ito hanggang katapusan ng Abril.

Nitong nakaraang dalawang araw, nag-anunsyo na naman ang pangulo na isasabay na ang plebesito para sa Charter Change (ChaCha) o ang pagbago sa konstitusyon sa midterm election sa 2025 para diumano “makatipid.” Dalawang araw ito, matapos ang malaking pagkilos ng iba’t ibang sektor para gunitain ang ika-38 anibersaryo ng popular na pag-aalsa ng mamamayan sa EDSA laban sa diktadurang Marcos. Nakasentro ang pagkilos sa paggunita ng diwa ng EDSA at ang mariing paglaban sa isinusulong na ChaCha ng rehimeng Marcos Jr.

Larawang kuha ni N. Bacarra/Kodao

Pagtitipid?

Nagtitipid ako kaya sa isang pagupitan lang na walang aircon ako dumayo. Nakatipid ako nang halos ₱40.00 mula sa dating pinagpapagupitan ko na ₱100.00. Pero tila hindi kapani-paniwala na kaya pagsasabayin na ang plebesito para sa ChaCha sa eleksyon sa susunod na taon ay para makatitipid nang ₱12Bilyon – ₱14Bilyon. Nasa bokabularyo nga ba talaga ng pangulo ang pagtitipid?

May ganansyang pangako naman ng pamumuhunan ang 19 na byahe niya sa 14 na bansa mula nang maupo siya bilang presidente. Kasama na rito ang dalawang byahe sa Singapore kung saan ay nanood siya ng paboritong karera sa Singapore Grand Prix 2023 – F1 Race – Formula 1 noong Setyembre ng nakaraang taon at noong Setyembre 2022. Pero bukod sa gastos mula sa buwis ng mamamayan, ang pagpunta sa ibang bansa para sa paglilibang ay hindi kaiga-igaya para sa isang namumunong ang mamamayan ay nakalugmok sa kahirapan. Hindi rin maiiwasang sumimangot ang taumbayan matapos gumamit ang pangulo ng helikopter para makaiwas umano sa trapik papuntang konsyerto ng bandang Cold Play sa Bulacan. Luho ito kung gayon.

Sa darating na Marso pupunta rin ang Pangulo sa Australia at Germany at dadalaw muli sa Singapore sa Mayo.

Larawang kuha ni N. Bacarra/Kodao

Gastos sa gitna ng krisis

Ang ganitong mga gastusin at ang bilyun-bilyong badyet para sa ChaCha ay papasanin ng taumbayan sa kalagayang ang mga indikasyon sa ekonomya ay lumalala. Tulad halimbawa ng pagbagsak ng netong kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas nang 74% at ng netong ₱55.53 bilyon pagkalugi sa usapin ng galaw ng palitan ng dolyar sa parehong panahon noong Nobyembre 2023.

Paano pagtutugmain ang pagwawaldas ng pera ng bayan at ang mga programang ang makikinabang nang lubos ay ang dayuhan—tulad na pagbago sa konstitusyon? Ang tinitipid ng pamahalaan ay ang benepisyo para sa mamamayan tulad ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa at empleyado, pagbawas sa badyet ng mga pampublikong unibersidad at kolehiyo, tagibang na prayoridad sa pagitan ng kalusugan at badyet para sa “kontra-insurhensya” at marami pang iba. Habang ang inilalako ng naman ng ChaCha ay ang 100% pag-aari ng mga lupa at negosyo para sa dayuhan sa bansa at ang kapritso ng mga pulitiko na mapahaba ang kanilang termino’t makapanatili sa poder.

Ang pagsasabay sa eleksyon sa isang taon ng plebesito para sa ChaCha ay hindi pagtitipid kundi pagpapalawig ng panahon para mapagtakpan at maremedyuhan ang mga pakanang mariing nilalabanan ng mamamayan. Ang kampanyang pagbawi ng pirma ng mga progresibong pwersa ay patuloy ang paggulong. Kinasangkapan ng mga promtor ng ChaCha ang kahirapan para linlangin ang taumbayan sa mga pangakong ayuda at iba pang modus.

Sa ganitong pagsisimula ng maruming pamamaraan para baguhin ang konstitusyon at ang pagsalubong dito ng paggunita sa diwa ng pag-aalsang EDSA na siyang tugon ng mamamayan, tatalas ang tunggalian sa pulitika sa pagitan ng mga nagmamaniobra nito at ng palabang mamamayan na ‘di nakakalimot sa bisa ng sama-samang pagkilos. #

Mga boladas sa pakanang ChaCha

Ni Nuel M. Bacarra

Sa dinaranas na mataas na presyo ng mga bilihin na tinutuwangan pa ng kawalan ng dagdag na kita o sahod, hibahib na si Juan dela Cruz sa kakakayod sa lansangan para lamang makaraos. Pinapasan niya ang krisis sa ekonomya na pinalalala ng mga garapal na patakarang pabor sa dayuhan at mga kapitalista at ng mga palsong hakbang ng pamunuan para sa pansariling interes.

Nakapako ang sahod ng manggagawa. Ang mga nagsitaasang presyo ng mga batayang bilihin tulad ng bigas, gulay, isda at marami pang iba ay natural na tendensya ng patakarang iasa sa importasyon para matugunan ang batayang mga pangangailangan ng bansa. Ang mga lokal na prodyuser ng mga produktong agrikultural ay ibayong pinahihirapan pa ng laganap na ismagling na siyang namamayagpag sa pagpapabaha ng mga angkat na produkto sa merkado. Kaya kung may anunsyo ng ayuda, asahang pipilahan ito ni Juan.

Sa isang taon at siyam na buwang panunungkulan ng pangkating Marcos Jr., kalabisan nang singilin ang rehimen kung nasaan na ang ipinangako nitong ₱20 na kilo ng bigas. Hindi ito plataporma kundi buladas ng isang tipikal na politiko. Ngayon, may bagong pambubuladas na muling inilalako sa mamamayan na gagastusan ng bilyun-bilyon na hindi maglulutas ng krisis sa ekonomya bagkus ay ibayo pang magsasapanganib sa lupa, kabuhayan, kalayaan at kasarinlan ng bansa—ang planong pagbago ng konstitusyon o Charter Change (ChaCha).

(Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Mamamayan ang puhunan sa pag-unlad

Kahit ang karaniwang masa sa kalsada ay nagsasabing hindi ang konstitusyon ang problema kundi ang mga pulitiko na may hawak ng kapangyarihan. Panis na ang linyang “para ito sa kaunlaran ng bansa.” Kung nais sana ng kaunlaran, dapat mamuhunan ang pamahalaan sa mamamayan na siyang tunay na tagapaglikha ng yaman ng bansa.

Dapat paunlarin, suportahan at pakilusin ang pinaka-produktibong pwersa ng lipunan na walang iba kundi ang mga magsasaka at manggagawa.

Hindi pa rin nagbabago ang komposisyon ng lipunan sa loob ng ilang dekada. Ang magsasaka pa rin ang dominanteng uri sa usapin ng bilang na aabot pa rin sa 70%. Kung lulutasin ang problema nila ng kawalan o kakulangan sa lupa, mas magiging produktibo sila at tiyak na uunlad dahil ang malaking bahagdan na dating inaangkin ng mga panginoong maylupa sa pamamagitan ng mataas na upa sa lupa, ng mga kumprador at usurero, sa pamamagitan ng mataas na interes sa pautang ay mapupunta na sa kanila.

Dahil pinakamalaking bilang sila ng bansa, sisigla ang mga industriya dahil magiging pangunahing konsyumer sila ng mga produkto nito ng mga pagawaan. Sila ang magtutulak sa bansa para mag-industriyalisa. Ang tunay na reporma sa lupa ang magpipihit ng direksyon para sa tunay na industriyalisadong pagsulong.

Kailangan ding ilapit sa tunay na pangangailangan ng mga manggagawa ang sahod nila. Kung pananatilihin ang sahod na nakasayad sa antas lamang ng “kape at pandesal,” na kundisyon ng pagpapatuloy lamang ng sikdo ng dibdib para huminga at makapagtrabahong muli, patuloy ang pagkabansot ang industriya.

Ang silbi ng mga manggagawa at magsasaka sa kasalukuyan ay tagalikha ng yaman ng mga kapitalistang dayuhan at lokal at pagtugon sa kapritso ng naghaharing uri.

Kailangang iwaksi ng pamahalaan ang pagsunod sa dikta ng dayuhan upang maiangat ang sarili tungo sa pag-unlad. Sa paglikha ng mga produkto para sariling pangangailangan ang susi. Bilang isang agrikultural na bansa, nakapanlulumo na inaangkat natin sa ibang bansa ang bigas, asukal, asin, maging isda (sa kabila ng pagiging pulu-pulo ng bansa natin) at gulay mula sa mga kanugnog na bansa. Hindi wasto na tinutugunan natin ang pangangailangan ng ibang bansa sa kapinsalaan ng lokal na produksyon para sa sariling pangangailangan na siyang susi para sariling industriyalisasyon.

(Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Mga kontra-mahirap na batas

Ano pa nga bang dapat asahan sa naghaharing uri? Interesado lamang sila kung ano ang pabuya sa kanila ng mga among imperyalista para sa pananatili sa poder at gamitin ito para makapagpayaman. Hindi kailangang baguhin ang konstitusyon ng Pilipinas dahil lamang sa ambisyon sa pulitika ng mga nagsusulong nito. Bagamat hindi sapat ang mga probisyong nagbibigay ng proteksyon sa mamamayan, agrikultura at industriya sa kasalukuyang konstitusyon, ang mga panukalang pagbabago rito ay lantarang ibayong magsasadlak sa bansa sa kahirapan sa pamamagitan ng todo-largang pagbubukas ng ekonomya sa dayuhang pagmamay-ari at pamumuhunan at pagtanggal sa mga probisyong nagpoprotekta sa lokal na industriya, agrikultura at sa mamamayan. Dagdag na papasanin na naman ito ng mga Juan at Juana bukod pa sa dati nang nariyan.

Nang isabatas ang Rice Tariffication Law o R.A. 11203, inilarga nito ang todo-todong importasyon ng bigas ng mga sindikato sa loob at labas ng gubyerno at lumumpo sa lokal na produksyon ng bigas. Nagdiwang ang malalaking korporasyon sa yutilidad sa pagsasabatas ng R.A. 9136 na mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA). Kanya-kanya ang kooperatiba sa kuryente sa pagtataas ng bayarin sa nakokonsumo ng publikong tagatangkilik. Tuliro ang sambayanang Pilipino nang isabatas ang Downstream Oil Industry Deregulation Act ng 1998 o R.A. 8479 dahil hindi na bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa nakaraang 25 taon taliwas sa propaganda ng gobyerno ng episyenteng regulasyon para mapababa ang presyo nito. Habang tila naman nanunuhol pa ang pamahalaan sa malalaking lokal at dayuhang negosyante noong panahon ng pandemya nang isabtabatas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act o R.A. 11534 para diumano bigyan ng kaluwagan ang mga korporasyon sa mga bayaring buwis at makaakit pa ng pamumuhunan. Ang dating 30% buwis sa kita na ipinapataw sa mga korporasyon ay ibinababa sa 25% na lamang.

Sa ganitong tunguhin ng mga mga sinasabing batas para sa kaunlaran, hindi ito para sa mamamayan. Patuloy itong nilalabanan at hinahamon ng mga tunay na nagmamalasakit sa bansa. Ngayon, muling nahaharap ang bansa sa isang hamon ng katinuan kung talagang kailangang- kailangang baguhin ang konstitusyon.

(Larawan ni N. Bacarra/Kodao)

Galaw ng dayuhang kapangyarihan

Ang pagiging pursigido ng mga kongresista sa ilalim ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng mga senador na isulong ang ChaCha, bagamat magkaiba ang nais na pamamaraan, ay udyok ng dayuhang kapangyarihan na pumaypay sa apoy na pansariling interes na makapanatili sa poder at para sa pagpapayaman. Kahit pabor lamang diumano si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pang-ekonomyang probisyon, hindi maipagkakaila ang ganap na basbas niya sa pagbago ng konstitusyon dahil nasa interes niya ang manatili sa poder para buhayin pa rin ang imahe ng pamilya nila na hindi niya kakayaning gawin sa saklaw ng kanyang kasalukuyang termino. Buhay pa rin sa diwa ng mamamayan ang popular na pag-aalsa sa EDSA na siyang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng konstitusyon ng 1987. Gayunpaman, hindi ito inisyatibang bunga ng malasakit ng rehimeng Marcos Jr. sa bansa kundi lantad na maniobra para sa sariling kapakanan at tagapagpaganap ng programa ng dayuhan sa mas malaking saklaw.

Ang agresibo at butangerong postura ng China sa West Philippines Sea (WPS) ay reaskyon nito sa ginagawang pang-uupat ng gera ng US sa pamnamagitan ng mga ehersisyong militar sa Pilipinas, pagtatayo ng mga basa militar at pagmobilisa sa iba pang bansa kontra China. Paghahanda ito ng US sakaling okupahin ng China ang Taiwan.

Mula sa dating limang base militar sa ilalim ng kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) noong 2014, sa maagang bahagi ng panunungkulan ni Presidente Marcos Jr, noong Abril 2023, idinagdag ang apat pang lugar para sa pagtatayo ng mga base militar ng US sa bansa na nakapwesto sa mga estratehikong lugar na malapit sa Taiwan. At nakatanggap ang rehimeng Marcos Jr. nang $100 milyong “pabuya” mula sa US.

Kaya kapag tumindi ang alitan sa pagitan ng US at China kaugnay sa Taiwan na maaaring lumundo sa aktwal na gera, hindi na kailangang pumunta pa ang mga aircraft carrier at jet fighters ng USsa mga base militar nito sa Japan at Guam para sa refueling dahil seserbisyuhan na sila sa mga base militar na nasa Lallo at Sta. Ana sa Cagayan at Gamu, Isabela o ng dalawa pang base militar ng US sa Palawan na nakaharap sa China. Agresibo itong ginagawa ng US dahil nasa balangkas pa ito ng programang “Asia Pivot” ng dating rehimeng Barrack Obama. Kaya asahan nang iigting pa rin ang pagiging butangero at agresibo ng China sa WPS.

Samantala, kapag ibinukas ang syento porsyentong pag-aari ng lupa at negosyo ng dayuhan dito sa bansa sa pamamagitan ng pagbago sa konstitusyon, ang mga komunidad ng mga pambansang minorya at mga lupain ng mga magsasaka ay maaaring maging pag-aari ng mga dayuhan para maging instrumento sa gera bilang mga base militar o ng mga dayuhang negosyo para sa ibayong pagsasamantala.

Malinaw na ang rehimeng Marcos Jr. ay tuta ng US kontra kay Duterte na maka-China. Ang pagkatig ng dating Pangulong Duterte sa China at ang banta nitong ipawalambisa ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng US at Pilipinas ay larawan ng pulitika sa bansa na nakaangkla sa kumpas at basbas ng dayuhang kapangyarihan.  Ang ganitong hanayan ng malalaking pulitiko ay magkakahugis nang lubos sa darating na eleksyon sa 2025 at 2028 at kung anong kahihinatnan ng impestigasyon ng International Criminal Court na tila nagiging armas ng rehimeng Marcos Jr kontra kay dating pangulong Rdorigo Duterte.

(Bulatlat photo)

Tumindig at lumaban

Ang isang anim na taong termino ng isang presidente sa pwesto na nakasaad sa saligang batas ay sapat na upang patunayan ang kanyang kakayanang pamunuan at paunlarin ang bansa. Dahil kung kung may ekstensyon, pag-upo pa lamang sa pwesto, ang magiging prayoridad ng nakaupong presidente ay pagplanuhan na kung paano muling mananalo sa susunod na eleksyon.

Ang isang anim na taong termino ng presidente ay mekanismo ng konstitusyon para hindi maabuso ang kapangyarihan para sa pansariling interes.

Sa manera ng kondukta ng ChaCha, katakut-takot na ang anomalya para ihirit ito sa pamamagitan ng People’s Initiative na isang paraan na nasa konstitusyon mismo para baguhin ito. Ginamit ang pondo ng bayan, nangako ng ayuda na inireklamo na ni Juan dela Cruz na matapos makapirma ay nananatiling pangako lamang. Nasa yugto ngayon ang mamamayang nalinlang ng pakanang ito na bawiin ang pirma nila para hindi sila maging bahagi ng 12% na kailangan sa buong bansa para baguhin ang konstitusyon. Huwad ito kung gayon!

Ang Konstitusyon ng 1987 ay bunga ng pakikibaka ng mamamayan na nagpabagsak sa diktadurang US-Marcos noong 1986. Ginulantang ng pakikibakang ito ang kalakhan ng daigdig. Ito ay turo ng kasaysayan at aral na marapat isapuso laban sa mga mapagsamantala at mapang-api at sa mga pagtatangkang lapastanganin ang mga karapatan ng taumbayan.

Batbat ng anomalya ang mga isinasalaksak na pamamaraan para baguhin ang konstitusyon na ibayong naglalantad rito kung para kanino ito. Kailangang tumindig at labanan ito ng mamamayan.

Mayaman ang karanasan ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka at sa pagkakataong ito, kumakaway ang pangangailangang isalba ang bansa sa nakaambang banta ng ibayong pagpapalakas ng kontrol ng dayuhan sa bansa at pagsasamantala sa mamamayang Pilipino dahil sa pagbago ng konstitusyon. #

KODAO KLASIK: Maling Akala (sa ChaCha)

This is a 2006 music video criticizing the charter change scheme by the Gloria Macapagal-Arroyo government. Their reasons for pushing it then as well as the people’s reasons opposing it remain the same in 2024.

(Based on the song ‘Maling Akala’ by the Eraserheads)

Hinggil sa pagpasa ng Charter Change/Con-Con sa Kamara

“Inuna na naman ng Kamara ang makasariling Charter Change ni Marcos. Walang benepisyo, bagkus ay pabigat lang ang dulot nito sa mamamayan. Gustong-gusto ng mga politijo ang term extension at pagbenta n gating ekonomiya sa mga dayuhan. Pagpapalala ito sa krisis ng bansa. Dapat na iprotesta ito ng mamamayan.”—Bagong Alyansang Makabayan [BAYAN]

(Image by Jo Maois D. Mamangun)

‘Tama na ang pambabarat sa mamamayan’

“Tama na ang pambabarat sa mamamayan, habang laging buhos ang pondo sa militar at sa mga gyera ni Duterte. Unahin ang serbisyo gaya ng edukasyon, hindi pasismo sa pangunguna ng NTF-ELCAC. Unahin ang ayuda, hindi CHA-CHA. Ito ang giit ng mga guro at ng mamamayan, at ‘yan ang dapat tugunan ng gobyerno.”Raymond Basilio, Secretary General, Alliance of Concerned Teachers