Posts

‘Tama na ang pambabarat sa mamamayan’

“Tama na ang pambabarat sa mamamayan, habang laging buhos ang pondo sa militar at sa mga gyera ni Duterte. Unahin ang serbisyo gaya ng edukasyon, hindi pasismo sa pangunguna ng NTF-ELCAC. Unahin ang ayuda, hindi CHA-CHA. Ito ang giit ng mga guro at ng mamamayan, at ‘yan ang dapat tugunan ng gobyerno.”Raymond Basilio, Secretary General, Alliance of Concerned Teachers

‘Anong klase ang gobyernong Durterteng ito’

“Anong klase ang gobyernong Duterteng ito? May krisis sa kalusugan, may krisis sa ekonomiya, may krisis sa distance learning. Pero walang ginagawa ang gobyernong ito kundi ang Cha-Cha, ang terror-tagging, ang panunupil at panghuhuli [sa] katulad nila Teacher Chad, 25 na Lumad, at iba pang bilanggong politikal.”Vladimir Quetua, Alliance of Concerned Teachers

Muling pagsusulong ng Charter Change, mariing tinutulan

Nagtungo sa tarangkahan ng Batasang Pambansa ang iba’t-ibang grupo kahapon, Enero 13, upang tutulan ang muling tangka ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang Saligang Batas.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, bukod sa economic provisions na nagreresulta sa 100% pagmamay-ari ng mga dayuhang korporasyon sa mga lupa at mahahalagang industriya sa bansa, nais din ng Charter Change o Cha-Cha na magkaroon ng term extension sa mga pulitiko mula kongresista hanggang kay Pangulong Duterte.