Posts

Ulat sa isinagawang national solidarity at fact-finding mission sa Negros

Nagsagawa ng National Solidarity and Fact Finding Mission ang mga progresibong grupo sa naganap na pagsalakay sa mga opisina ng mga organisasyon at pag-aresto sa 57 na aktibista sa Negros noong Oktubre 31.

Pinuntahan nila ang mga opisina ng Bayan Muna, National Federation of Sugar Workers, Gabriela, Anakpawis at Kilusang Mayo Uno sa Bacolod City. Binisita din nila ang bahay ni Makabayan Negros coordinator Romulo Bito-on Jr. na isa rin sa inaresto ng mga pulis at militar.

Nalaman nila na maraming iregularidad sa mga ginawang raid gayundin ang ilegal na pagtanim ng mg baril at granada para makulong ang mga nasabing aktibista. Nakalaya ang 21 na manggagawa ng Ceres Bus Line at 11 miyembro ng Teatro Obrero matapos i-utos ng Prosecutors Office na walang basehan ang kaso para sa kanila.

Sa ngayon ay 13 pa ang nakakulong kung saan 9 ang kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives. (Background Music For Videos TV and Radio – by AShamaluevMusic Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)