Posts

Batas na gawing modelo at holiday ang kaarawan ni Marcos, tinututulan

Nagprotesta ang mga progresibong grupo at mga dating biktima ng batas militar sa Bantayog ng mga Bayani, Setyembre 11, bilang pagtutol sa pagsasabatas na gawing modelo at holiday ang kaarawan ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law, tahasang pagsalaula sa kasaysayan ang batas laluna sa mga lumaban at nagpatalsik sa dating diktadura. Ipinapakita din nito anila na walang pinag-iba ang kasalukuyang rehimen ni Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos pagdating sa paglapastangan sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan.

Martir

ni George Tumaob Calaor

Sila ngayon ay dagat

at pangalan nila ay

tinanghal na mga

bayani

habang ang pasista

ay naghuhugas–binubura

sa kanyang mga kamay

ang bahid ng pagkapusakal s

a berdugo niyang pagpakitil

sa inyong hininga

hustisya ay buong galit

at paghihimagsik

na binabatingaw!

Kaba ng kaduwagan

sa bituka ng may sala

ay along kumukulo!

Balisa ang kaaway!

Kagapian ang idinidighay!

Sila ngayon ay hangin…

alab na sumasantik

sa lawak ng karagatan

upang sa dalampasigan

ay ihalik ng buong hampas

ang udyok ng patuloy na paglaban!

Gapiin ang kaaway!

Berdugo ay wala nang kubling

masisilungan!

Sila ngayon ay lupa…

kumakandong sa dagundong

ikinukubkob ng kabundukan

sa buong lawak ng kapatagan!

Hukay na ang libingang

sa pasista ay inilaan

at uod na lalamon

sa kanyang lamang

ganid ay taba ng pagkahaman…

ay buong gutom

at paglalaway

na nilang

inaantabayanang

ngatngatin siksikin

ng sagad pa kasagaran

sa mga butong kalansay

ng kataksilan

at bungong

utak ay kalawang

ng karahasan—

buong namnam

nilang sisimutin

hanggat diktadurya ng pasismo

ay mawalan na ng saysay!

Sila ngayon ay apoy…

liyab ng pagdiriwang!

Ilang hakbang na lang

at pagtapos ng sigwa!

Buhay ay mananagana

sa lubos na paglaya!

Walang uring sinasamba!

Sila ngayon ay…

dagat…

hangin…

lupa…

apoy…

pagtapos ng sigwa!

Hayaan nating manariwa

sa ating kaisipan

ang kanilang kadakilaan

at kagitingan…

tapang ng kanilang paghihimagsik

nang takot ay walang tibok

na masisiksikan sa ating dibdib at…

pagtapos ng sigwa!

Paglaya ay lubusang mananalisay

Mga martir ng sambayanan, binigyang-pugay ng mga aktibista

Isang pagkilos sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City ang isinagawa noong Lunes, Agosto 31, bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani gayundin ay pagbibigay-pugay sa mga martir ng sambayanang Pilipino.

Kinilala sa nasabing pagkilos ang mga frontliner na nasawi laluna ang mga manggagawang pangkalusugan dahil ng pandemya na COVID-19.

Hustisya, panawagan sa sunud-sunod na pamamaslang sa mga aktibista

Ginanap sa Metro Manila ang isang ‘Global Day of Action for Justice’ sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Agosto 19 na ang panawagan ay hustisya sa mga biktima ng pagpaslang laluna sa mga aktibista.

Binatikos ng mga progresibong grupo ang gobyerno na siyang tumatarget sa mga aktibista. Pinakahuli na dito ang pagpatay sa human rights worker na si Zara Alvarez ng Karapatan-Negros noong Agosto 17.

Noong nakaraang linggo ay pinatay naman ang Anakpawis National Chairperson at National Democratic Front consultant na si Randall ‘Ka Randy’ Echanis.

Zumel and other genuine heroes memorialized at the Bantayog

Revolutionary journalist Antonio Zumel was honored with 18 other heroes and martyrs at the latest roll of the the Bantayog ng mga Bayani’s Wall of Remembrance on November 30, 2016.

Former senator, rights advocate and Bantayog’s Board of Trustees Chairperson Wigberto “Bobby” Tanada presented the citations of the event, held during Andres Bonifacio’s 153’s birth anniversary.

Organizers and attendees said the event was in direct contrast with the recent Marcos burial by the Duterte government which spurred widespread protests throughout the country. (Featured photo by Sarah Raymundo)

Read more