Posts

Seremonya ng Pagtatapos ng Lumad Bakwit School sa UP 2019

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang Moving Up Ceremony ng Lumad Bakwit School ang ginanap sa University of the Philippines Integrated School Auditorium noong Marso 29, 2019.

Ang natatanging seremonya ay may temang “Lumad Bakwit: Patatagin ang Hanay, Mag-aral at Sumulong, Ipaglaban ang Lupa at Kinabukasan”. Umabot sa 70 estudyanteng Lumad ang pinarangalan kung saan 30 dito ay nagtapos ng junior high school.

Ipinakita nila na purisgido silang makatapos ng pag-aaral at ipaglaban ang kanilang karapatan, lalo na sa pagtatanggol ang kanilang lupang ninuno.

Pinasalamatan nila ang iba’t-ibang mga institusyon, simbahan, unibersidad at paaralan na tumulong sa kanila sa Metro Manila at karatig-probinsya na tumulong upang matagumpay nilang maitawid ang isang academic school year .

Sa kabila ito nang matinding atake sa kanilang paaralan kung saan 85 paaralang Lumad na may halos 3,000 mag-aaral, guro at mga magulang sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao ang pwersahang pinasara ng mga militar at paramilitar dahil sa walang tigil na militarisasyon.

Tumitindi din ang paglabag sa karapatang pantao katulad nang paghuli sa kanilang mga guro, pagpatay sa kanilang mga lider-katutubo at umiiral na Martial Law sa Mindanao. (Bidyo nila: Joseph Cuevas at Maricon Montajes)