Posts

Balik-pasada at ayuda, hiling ng mga tsuper

Ginanap ngayong araw, Hunyo 27, ang Araw ng Pakikiisa para sa mga Jeepney Driver. Nagkaroon ng magkakahiwalay na pagbibigay ng ayuda sa iba’t ibang pondohan ng mga tsuper sa Metro Manila.

Pangunahing tinulungan ng Bayang Matulungin, isang proyekto ng Bayan Muna at PagAsa, ang mga tsuper sa Project 3, Quezon City, Samson Road, Caloocan City, at Rizal Ave., Manila. Nasa mahigit isang daan ang kanilang natulungan.

Panawagan ng mga tsuper na ibalik na sila sa pamamasada at bigyan ng ayuda ang bawat isa. Lampas 100 araw na ang lockdown, ganun din ang kanilang tigil-pasada. Kasama ang kanilang pamilya sa mga apektado ng kanilang kawalang-trabaho. (Bidyo nila Jo Maline Mamangun, Jola Mamangun, at Reggie Mamangun)

Kalampag sa gobyerno ng mga taga-Brgy. Holy Spirit, Quezon City

Naglunsad ng noise barrage ang isang komunidad sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City bilang pakikiisa sa sabayang protesta na “Kalampagin ang Gobyerno”, Marso 25, 2020.

Panawagan nila ang agarang ayuda para sa mga nasalanta ng pandemya na CoViD-19 at pagsasagawa ng sistematiko, libre at malaganap na mass testing.

Tinututulan din nila ang emergency powers na ibigay ng Kongreso kamakailan para kay Pangulo Duterte na anila ay sobra-sobra na at tanging aksyong medikal ang solusyon laban sa CoViD-19.

Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Jek Alcaraz at Joseph Cuevas/Kodao