Posts

Black Friday Protest laban sa ‘dayaang Duterte Magic’ sa Halalan 2019

Isang Black Friday Protest ang isinagawa ng mga progresibong grupo para tutulan ang anila’y naganap na malawakang dayaan at karahasan noong eleksyon ng Mayo 13.

Ayon sa Youth Act Now Against Tyranny, hindi katanggap-tanggap sa kabataan ang resulta ng halalan kung kailan ang mga nominado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karamihan ng mga nananalo. Tiyak na maisusulong lamang ng mga ito ang mga pakana ng pangulo tulad ng ng pederalismo, ayon pa sa mga kabataan.

Para naman sa election watchdog na Kontra Daya, ang eleksyong 2019 ang isa sa pinakamalalang automated elections sa nakalipas na dekada, hindi lamang umano sa maraming pumalpak na vote counting machines, mga sirang sd cards at delay sa transmission ng resulta kundi automated na rin ang paraan ng pandaraya. Kontrolado ng Malacañang ang Commission on Elections sa anumang kahihinatnan ng bilangan, ayon sa grupo.

Itinuring ng Bagong Alyansang Makabayan na isa sa pinakamarumingsa kasaysayan ang naganap na halalan noong Mayo 13. Ginamit umano ng pamahalaan ang tinaguriang “Duterte Magic” para maghasik ng pandaraya, takot at karahasan sa mamamayan upang ipanalo ang mga kandidato nito lalo na sa Senado. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)