Posts

Mga grupo nagtipon sa harap ng Korte Suprema bago ang ikalawang oral argument ng Anti-Terror Law

Nagtipon ang mga human rights advocate mula sa iba’t ibang grupo sa harapan ng Korte Suprema bago ang ikalawang oral argument ng Anti-Terror Law, Pebrero 9, 2021.

Kanilang inihayag ang pagtutol sa naturang batas at suporta mga abogadong humarap sa oral arguments ngayong hapon laban sa anila ay delikadong batas.

Protesta inilunsad sa pagsisimula ng oral arguments kontra terror law

Nagsama-sama ang iba’t-ibang grupo na tutol sa RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act sa Padre Faura sa Maynila ilang oras bago simulan ang oral arguments nito sa Korte Suprema, Pebrero 2.

Kaugnay ito sa 37 petisyon kontra sa nasabing batas na ayon sa mga aktibista ang pinakamaraming petisyon sa kasaysaysan ng mga batas sa Pilipinas.

Mariin nilang tinututulan ang terror law at sinabi na malaking banta ito sa pagpapahayag ng mamamayan laluna sa paglaban ngayon sa tiraniya.

KODAO ASKS: Ano ang iyong pagtingin sa Anti-Terror Law?

Sinalubong ng nagkakaisang mamamayan ang ika-5 State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang protestang may temang “SONAgkaisa.” Ginanap ito noong Lunes, Hulyo 27, sa kahabaan ng University Avenue sa UP Diliman, Quezon City. Dinaluhan ito ng 8,000 katao mula sa iba’t ibang sektor at mga progresibong grupo.

Bitbit ng mga sektor ang kani-kanilang mga panawagan at hinaing sa apat na taon na panunungkulan ng pangulo. Pinakatampok sa mga ito ang panawagang ibasura ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 o Anti-Terrorism Law.

Hiningan ng Kodao Productions ang ilan sa mga dumalo ng kanilang pagtingin hinggil sa pagkakapasa ng nasabing batas. (Bidyo nina Jo Maline Mamangun, Jola Mamangun, Joseph Cuevas, at Arrem Alcaraz)

Petisyon kontra-Terror Law inihain ng mga mamamahayag at artista

Inihain ang ika-13 petisyon kontra sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law kaninang umaga, Hulyo 23 sa Korte Suprema. Pinangunahan ito ng National Union of Journalists of the Philippines at Concerned Artists of the Philippines.

Hinihiling nila na ideklarang labag sa batas ang Anti-Terror Law dahil sa mga probisyon nito na napakalawak na depinisyon patungkol sa terorismo. Gayundin magiging sandata din ito para sikilin ang sinumang nais magpahayag ng pagtutol lalo na sa gobyerno. (Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao)