Posts

Teachers, education workers hold summit

Mahigit-kumulang 150 na guro, non-teaching personnel at instruktor mula sa iba’t ibang SUC’s, pampubliko at pribadong paaralan ang nagtipon-tipon sa Bulwagang Tandang Sora, College of Social Work and community Development, UP Diliman para sa National Education Worker’s Summit 2018 na pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers, All UP Academic Employees Union, Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA), SOS (Save Our Schools) UST Chapter at KMED (Kilos na para sa Makabayang Edukasyon) noong Agosto 15, 2018.

Nilayon ng pagtitipon na ito na pag-isahin ang mga manggagawa sa sektor ng edukasyon upang alamin at talakayin ang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa tulad ng usapin ng mababang pasahod, seguridad sa paggawa, kontraktwalisasyon, mababang alokasyon ng badyet para sa edukasyon, programang K-12 at epekto nito sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Naging tungtungan ito upang makabuo ng 18 resolusyon ang mga guro, non-teaching personnel at mga instruktor.Ang mga resolusyon ay idinulog sa ACT Partylist upang maipaabot ang kanilang mga hinaing at pagtibayin pa ang mga labang kasalukuyang iginiggiit at tinutulak na maipasa sa kongreso.

Pangunahin ang mga resolusyon hinggil sa pagpapataas ng sahod, Teachers Protection Bill, pagpapababa ng retiring age, at marami pang iba. (Bidyo ni Maricon Montajes)