ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 3)
ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015
3. Bakit po naging iligal ang Kabataang Makabayan o KM?
JMS: Magmula pa FQS ng 1970 galit na galit na si Marcos sa Kabataang Makabayan. Alam niyang matatag at militanteng kalaban niya ito. Alam niya ring ang KM ang pasimuno sa mga protesta sa buong bansa. Nang sinuspindi ni Marcos ang writ of habeas corpus noong 1971 pinag-aaresto niya ang ilang lider ng Kabataang Makabayan at gusto niyang sindakin ang buong KM at sambayanang Pilipino. Pero patuloy pa rin ang magiting na pagkilos ng KM laban sa rehimen. Sa pagdeklara ng martial law noong 1972, ginawa ni Marcos na ilegal ang KM at pinilit ito na mag-underground. Pinaghuhuli, tinotorture at pinagpapaslang ang mga KM na inaabutan ng kalaban. Sa gayon, karamihan ng mga nasa Bantayog ng Bayani ay mga lider at myembro ng KM. Ang KM naman ay nakatulong nang napakalaki sa pagpapalawak ng CPP, NPA at NDFP sa buong bansa.
(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)