Dapat unahin ang magsasaka sa food procurement project ng pamahalaan

Sa panahon ng kalamidad, bilyon-bilyon ang ginagastos ng pamahalaan sa pagbili ng ayudang pagkain sa mga nasalanta. Bilyon-bilyon din ang nagagastos ng kapwa pambansa at lokal na pamahalaan sa feeding program sa mga eskwelahan. Subalit ang malalaking pondo at napupunta sa mga trader, imbes na mga samahang magsasakaka at kooperatiba

Saan napupunta ang pondo para sa magsasaka?

Mayroong mga organisasyong pang-magsasaka ang tumatalima sa programang United Nations Decade of Family Farming. Subalit ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay din kung paano ito ipinatutupad ng pamahalaan. Tama ba na tanging mga kinikilala lamang nilang organisasyon at kooperatiba ang binibigyan ng suporta? At saan napupunta ang bilyon-bilyong pondo ng gubyerno na dapat sana ay napapakinabangan ng magsasaka?