Kumbakit nananatiling walang hustisyang panlipunan
Nuel M. Bacarra
Mula nang sakupin tayo ng iba’t ibang dayuhang bansa, Kastila, US, Hapón tapos US uli, hindi kailanman naging patas ang batas para sa malawak na sambayanan. Hindi tayo nakatikim ng hustisyang panlipunan na hindi natin ipinaglaban. Hind natin makakamit ang hustisyang panlipunan hangga’t nananatiling malakolonyal at malapyudal ang lipunan.