Posts

PODCAST: Concha Araneta-Bocala hinggil sa kanyang reaksyon kay Sec. Dureza sa kalagayan ng political prisoners sa bansa

Ang panayam kay Concha Araneta-Bocala, Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ay bahagi ng programa sa radyo sa panahon ng Kampuhan ng mga Lakbayanis ng Visayas. Ginanap ito noong Disyembre 7, 2016 sa Polytechnic University of the Philippines.

Sina Raymund Villanueva ng Kodao Productions at Ronalyn Olea ng Bulatlat.com at Vice President ng International Asspciation of Women in Radio and Television – Philippines ang mga tagapagpadaloy ng programa sa ilalim ng proyektong Radyo Tacloban.

ACT for just and lasting peace

The Alliance of Concerned Teachers (ACT), celebrating its 34th anniversary, and joined by the “Thousand Doves” campaign of the Pilgrims for Peace gathered at the Peace Bell in Quezon City on June 26, 2016 in support of the upcoming peace talks between the government and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Children made paper cranes and flew kites for the peace campaign. ACT is an affiliate of the International League of Peoples’ Struggle (ILPS) Philippines chapter.

(Contributed video by ILPS Philippines)

ACT Teachers: K to12, Kinalburo

Naglunsad ng kilos-protesta ang iba’t ibang organisasyon ng mga kabataang estudyante at mga guro sa pangunguna ng ACT Teachers Party List para tutulan ang programa sa edukasyon na K-12 ng pamahalaang Aquino. Sila ay nagdaos ng programa sa harap ng Malakañang para ipahayag ang mariing pagtutol at pagkundena sa wala sa panahong programang K-12 na ayon sa kanila ay “hinog sa pilit”.

Ayon sa grupo dapat lamang na ibasura ang K-12 sapagkat minadali o kinalburo ang pagpapatupad ng naturang programa. Maraming isyu ang anila ay mas dapat tutukan ng pamahalaan gaya ng kakulangan sa silid-aralan, kakulangan sa guro at mismong kasanayan ng mga guro ay hindi pa naitataas ang antas upang umangkop sa K to 12.

Mendiola, Manila
June 1, 2015