Si Jimmy at mga manggagawa ng PEPMACO

Si Jimmy Sioson ay isang kontraktwal na manggagawa sa Peerless Producers Manufacturing Corporation o PEPMACO na sumali sa welga simula noong Hunyo 24 sa Canlubang, Laguna.

Ibinahagi niya na bukod sa pagiging kontraktwal, masahol ang kanilang kalagayan sa pagawaan. Walang safety procedure at napakainit ng sabon na kanilang niluluto. Bukod pa rito, 12 oras sila kung magtrabaho, at kahit holiday a pinapapasok pa sila nang walong oras.

Nang buwagin ang isa nilang picketline noong Hunyo 28, isa si Jimmy sa malubhang nasugatan. Bukod sa tinamaan ng bato ang kanyang ulo, pinagpapalo pa siya ng mga gwardya at binomba ng tubig.

Hiling niya na pansamantala munang i-boykot ang mga produkto ng PEPMACO at humarap ang may-ari para matugunan ang kanilang mga hinaing. Ang PEPMACO ay pagmamay-ari ng kapitalistang si Simeon Tiu. Ang kanilang mga produkto ay ang sabon na Champion, detergent powder na Calla, Hana shampoo at Systema toothpaste. (Background Music: Tangerine Dream-Valley of Sun Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)