Protesta ng mga aktibista kontra sa malawakang pandaraya sa halalang 2019
Nagtungo sa Commission on Elections o COMELEC ang iba’t-ibang grupo para magprotesta kaugnay sa naganap na dayaan sa nakaraang eleksyon noong Mayo 13.
Ayon sa Bayan Muna, dapat ipaliwanag ng COMELEC kung bakit madaming pumalya at nagka-aberya na precint count optical scan o PCOS machine sa ibat-ibang presinto. Marami ring reklamo ng vote buying, pananakot at paninira laban sa mga progresibong partylist at kandidato.
Nais nila na managot ang COMELEC dahil sa kapalpakan nito sa pangangasiwa ng eleksyon. Hinayaan din umano nito na makapamayagpag ang administrasyon at magbuhos ng rekurso ng taumbayan para manalo lalo na sa Senado.
Nauna namang nagprotesta ang mga kabataan sa Philippine International Convention Center o PICC noong Mayo 13 dahil sa napaulat na paninira ng PNP sa mga progresibong partylist. Iniulat na namamahagi ng babasahin ang ilang pulis sa mga botante na laban sa mga nasabing partylist. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)