PNP, abala sa paninira sa mga progresibong partylist sa araw ng halalan

Nagpamigay ng newsletter ang mga kagawad ng Manila Police District ng official newsletter ng Philippine National Police na Pulis Serbis Balita na naglalaman ng paninira sa mga partidong kasapi ng Makabayan bloc sa mismong araw ng halalan.

Pinuntahan ng Kodao Productions ang mga mga polling center kung saan ipinakalat ng mga pulis ang kanilang diyaryo.

Noong tinanong, itinuro na lamang ng mga pulis ang Kampo Crame upang sagutin ang maaring kaso ng partisan election activity na kanilang isinagawa laban sa grupo ng Makabayan.

(Ulat nina Jola Diones-Mamangun at Marya Salamat; camera ni Ipe Soco; editing ni Jo Maline D. Mamangun. Libreng background music mula sa https://www.fesliyanstudios.com)