Pagpapasara sa 55 Lumad Schools, binatikos

Sumugod sa opisina ng Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City noong Hulyo 17 ang mga progresibong grupo para batikusin ang desisyon ng ahensiya sa ginawa nitong suspensyon sa 55 kampus ng Salugpongan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Schools sa Southern Mindanao.

Ayon sa Save Our Schools (SOS) Network, malinaw na hindi suspensyon ang layunin ng DepEd kundi tuluyang pagpapasara sa mga nasabing eskwelahan.

Mababaw umano ang basehan ni DepEd Secretary Leonor Briones na suspensyon at batay lamang sa salaysay ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Dagdag pa ng SOS Network, ginagawang lehitimo lamang ng DepEd ang walang humpay na pag-atake ng AFP sa mga eskwelahan ng Lumad.

Marami na anilang paaralang Lumad ang pwersahang ipinasara ng militar sa mahigit dalawang taon ng martial law sa Mindanao. (Music: News Background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)