/by

Sitio San Roque: Bigas hindi dahas

Nagsagawa ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City ng isang maikling programa. Ito ay matapos na pagdadamputin at ikulong ang 21 na residente ng nasabing lugar.
/by

‘Maawa na kayo dito sa San Roque dos’

"Maawa na kayo dito sa San Roque dos, simula nung nagbigayan dito wala pang nakakarating sa amin kahit isa. Kahapon may dumating na isang truck at dalawang ambulansya na may laman na pinamimigay na bigas ngunit dun lang sa looban tapos dito walang nakarating. Ang sabi babahay-bahayin kaya pinauwi kami. Naghintay kami hanggang gabi ngunit walang hiya, nakatulog nalang kami. Walang nakarating na repack (relief) na galing sa kanila."