NDFP’s Vic Ladlad talks about their arrest last Thursday

“Paglabag sa mga provision ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang pag-aresto sa akin at pagkukulong. Ang provision ng JASIG sa safety and immunity ay perpetual.

“Planted, itinanim, ang mga firearm at explosives na, diumano, ay nakuha sa bahay na tinatirahan namin.  Nakita naming nang ipasok ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang isang bag na naglalaman ng ‘baby’ M-16. Maikli ang bag na kinalalagyan nito at nakalabas ang kanyon at bahagi ng katawan ng riple.  Nakalagay sa isang mahaba pero narrow na case ang isang riple na ang rifle butt at makikita sa likuran ng case. Nakita rin ng isa sa amin na inilagay ng operatiba ng QCPD ang isang pistol.”