Lightning rally ng rebolusyonaryong sektor pangkalusugan, tagumpay

Nagdaos ng lightning rally kaninang umaga ang Makabayang Samahang Pangkalusugan – National Democratic Front (MSP-NDF) sa panulukan ng CM Recto at Abad Santos, Maynila bilang pagdiriwang sa ika-36 na taon ng kanilang pagkakatatag. Ang MSP-NDF ay binubuo ng mga rebolusyonaryong doktor, narses, istudyante at manggagawang pangkalusugan na hayagang nananawagan na ibagsak ang rehimeng Aquino dahil sa patuloy na pagkatuta nito sa Estados Unidos, sa malawakang korapsyon at malalang paglabag sa karapatang pantao. Ang kanilang pagkilos ay bunsod din ng ika-46 na taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Manila
December 16, 2014