LCPEA-AHW: Daang nakamamatay, hindi tuwid na daan

IMG_6719Nagpiket ang mga manggagawang pangkalusugan sa harap ng Lung Center of the Philippines (LCP) para ihayag ang mariing pagtutol sa planong pagtatayo ng kalsada sa loob mismo ng LCP. Ayon kay Eleazar Sobinsky, pangulo ng Lung Center of the Philippines Employees Association – Alliance of Health Workers (LCPEA-AHW), “Hindi makatuwiran na maglagay pa ng kalsada sa loob mismo ng compound ng hospital dahil napapaligiran na kami ng maraming kalsada. Ang usok na lilikhain ng mga sasakyan na dadaan sa loob ng compound ay tiyak na makasasama sa kalusugan ng mga pasyenteng may sakit sa baga na nagpapagamot sa LCP.”

Ang planong pagtatayo ng kalsada ay inaprubahan daw ng Pangulong Noynoy Aquino sa ilalim ng Quezon City Central Business District Road Network Plan at ipatutupad bago pa umalis sa pwesto ang pangulo.

IMG_6714

Nanawagan naman ang Alliance of Health Workers sa mga pamilyang dumadalaw sa ospital na sumama sa “SONA ng bayan” kasabay ng huling SONA ng pangulo sa July 27 para samasamang isigaw ang kapabayaan sa programang pangkalusugan ng gobyernong Aquino.

 

Lung Center of the Philippines

July 24, 2015