LARAWAN: SONA ng Bayan 2016: 40 libo nagmartsa sa Batasan
SONA ng Bayan 2016: 40 libo nagmartsa patungong Batasan
Tinatayang hindi bababa sa 40 libo ang nagmartsa mula sa iba’t ibang sektor at progresibong organisasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) mula sa Commonwealth Avenue patungong Batasan Road kaninang umaga. Ipinakita ng BAYAN ang kanilang pagsuporta sa mga maka-mamamayang programa ng bagong administrasyong Duterte sa kanyang unang SONA sa araw na ito. Naglakbayan ang mga delegasyon mula sa Mindanao, Eastern Visayas, Bicol, Southern Tagalog, Central Luzon at Northern Luzon patungong Maynila bitbit ang “agenda ng mamamayan” para kay Pangulong Duterte.
Commonwealth Avenue to Batasan Road, Quezon City
July 25, 2016