Karapatan, RMP at Gabriela, naghain ng petisyon sa Korte Suprema

Nagtungo sa Korte Suprema ang mga grupong Karapatan, Rural Missionaries of the Philippines at Gabriela noong Mayo 6 para maghain ng petisyon na writ of amparo at writ of habeas data.

Ito ay kaugnay sa paninira, red-tagging at pananakot na ginagawa ng administrasyon at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinamahan sila nang kanilang mga abugado mula sa National Union of Peoples’ Lawyer o NUPL.

Kabilang sa kanilang mga respondent ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Civil-Military deputy chief M/Gen. Antonio Parlade Jr.

Ayon sa Karapatan, tugon nila ito sa tumitinding atake at pananakot laban sa mga human rights defenders.

Sunod-sunod ang atake laban sa kanila kabilang na ang pagpaslang sa upisyal ng Karapatan sa Negros na sina Bernardino “Toto” Patigas na pinatay nito lamang Abril 23.

Para naman sa Gabriela, target na sila ng ganitong paninira simula nang maitatag ito noong dekada 80.

Dapat na umanong matigil ang ganitong atake laban sa kababaihan at mamamayan.

Umaasa sila na tutugunan ito nang Korte Suprema tulad ng inilabas na utos nito pabor sa NUPL na dumulog noong nakaraang buwan para sa katulad na petisyon. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)